19

120 5 0
                                    

"Magkakilala ba kayo?"


Nagtataka akong nagpabalik-balik ng tingin kina Gio at Cedric. The way they looked at each other is like they were part of their own lives before.


"We were best friends, Kyra." Nagulat ako sa sinabi ni Cedric.


"Tss. You don't have to say that to my girlfriend." Seryosong sabi ni Gio sa kaniya. "And you have no right to call me by my second name again."


"Wait..." Pumagitna ako sa kanila. "You were best friends? Kailan? Paano?" naguguluhang tanong ko.


They were best friends before? Ibig sabihin magkaibigan din si Kuya at Gio? Eh, bakit hindi sila magkakilala? Ang gulo-gulo!


"Hindi mo na kailangan malaman." Seryosong bumaling sa akin si Gio. "Uuwi na ako." Nagulat ako sa sinabi niya. Tumalikod na siya at sasakay na sana sa sasakyan niya pero natigilan nang dumating ang sasakyan ng mga magulang ko. Nanlaki ang mata ko sa gulat.


"Mommy!" agad akong lumapit sa kaniya nang makababa siya. Narinig ko ang buntong hininga ni Gio.


"Good evening po." Gio still showed respect to my parents.


"Gio, wow. Nice to see you again." Ngumiti kaagad sa kaniya si Mommy. Walang idea na sa nangyayari. Gio on the other hand just smiled.


"Cedric. Nandito ka rin pala." Sabi ni Daddy at tumango naman kay Gio na binati rin siya.


"Opo, Tito. Hinihintay ko po si Hanz."


Pagkasabi noon ni Cedric, saktong lumabas naman si Kuya. Nanlaki ang mata niya nang makita ang sitwasyon namin bago tumawa nanh malakas na nagpakunot sa noo ko.


"Sira ba ulo mo?" nagtataka kong tanong sa kaniya.


"Oo, bakit? Ganda-ganda mo kasi." Tumawa na naman siya habang ako ay hindi naintindihan ang sinasabi niya.


"Dito na kayo mag-dinner dalawa. Magluluto ako."


"Huwag na My!" sigaw bigla ni Kuya Hanz. "Aalis na rin kami ni Cedric. Si Gio pauwiin mo na!"


"Bakit?" kunot noong tanong ni Gio sa kaniya. Hala ka! Mag-aaway pa ata.


"Kasi gusto ko! Kumain ka na lang sa iba. Huwag na rito, matagal magluto ang nanay ko kaya— Aray!" Agad kong hinampas si Kuya sa braso dahil sa dami ng sinasabi niya.


"Ano ba'ng problema mo?" Naiinis na ako dahil parang binabastos na niya si Gio. Mas okay na ako na lang ang magsalita kaysa si Gio pa ang magsalita kapag napikon 'to.


"Hayaan mo na ang mga batang 'yan, halika na." Sabi ni Daddy kay Mommy. Mukhang pagod sila sa trabaho kaya hindi na nakialam sa kung anu-anong pinagsasasabi ni Kuya.


"Oh siya, papasok na ako at magluluto. Bahala na kayo." Natatawang umiling ang nanay ko bago sila pumasok ni Daddy sa loob. Naiwan kaming apat.


"Gusto mo ba rito ka na kumain ng dinner?" tanong ko kay Gio na wala ng emosyon ang mukha.


"Okay." Tipid na sagot niya bago muling tapunan ng masamang tingin si Cedric. Hinawakan ko ang kamay niya at pinisil 'yon. Tumingin siya ulit sa akin nang gawin ko 'yon bago malalim na bumuntong hininga.


Hindi ko alam kung ano ang ikinakagalit niya. Hindi ko alam kung bakit ganito na lang siya makitungo kay Cedric. They were best friends, right? What happened between these two?


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon