06

163 5 0
                                    

"What the fuck."


Muntik ko nang mabato ang cellphone ko nang mabasa ang messang noong Giovanni! Bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa sobrang kaba. Paano niya nakita? Tinitingnan niya talaga 'yung story views niya? Sa rami ng followers niya? What the fuck!


Minark as unread ko lang para hindi niya makita na na-seen ko. Dinelete ko na rin ang chat niya para hindi ko makita at hindi ko maalala ang kahihiyan na 'to!


Nakabusangot akong lumabas ng kwarto at bumaba. Bad trip ako sa kahihiyan na ginawa ko. Sana pala hindi ko na lang siya ini-stalk. O kaya sana gumawa ako ng dump account. Bakit ba kasi gusto ko siyang i-stalk? Minsan hindi ko na rin maintindihan ang sarili ko.


Nawala ang pagkabusangot ng mukha ko nang makita ko ang pamangkin ko na tumatawang nakikipaglaro kay Kuya Hanz. Natatawa pa ako sa mukha ni Kuya Hanz dahil nagmumukha rin siyang parang bata.


Pumunta ako sa may dining kung nasaan si Ate Aubree na nag-lalaptop. Nag-aaral pa rin siya? 5 PM na pero busy pa rin siya sa ginagawa. Ganiyan na siya kanina nung umuwi ako, eh.


Lumapit ako sa ref at kumuha ng tubig. Uhaw na uhaw ako at ang sakit pa rin ng ulo ko. Letseng hangover na 'to.


Tumingin ako kay Ate Aubree na sumandal sa upuan at napasapo sa noo. Kumunot ang noo ko sa ginawa niya. Bakit parang problemado 'to?


"Okay ka lang, Ate?" tanong ko sa kaniya. Tumingin naman siya sa akin at tumango. Ngumiti rin siya ng tipid para sabihin sa akin na okay lang kahit alam kong hindi naman.


Alam kong nahihirapan siya dahil gusto na niyang makatapos ng pag-aaral para siya na ang gagastos para kay Annalise. Okay lang naman kila Mommy at Daddy na sila ang gumastos pero nahihiya si Ate at bilang ina, gusto niya siya ang gumastos para sa anak niya. Apat na taon pa ang hihintayin niya bago siya maka-graduate. Nursing ang course niya at nag-aaral siya sa UERM.


Gustuhin ko mang may magawa, wala rin akong magagawa. Ni hindi pa nga ako college. Kung masipag lang ako mag-aral siguro ay pasok ako sa mga scholarship. Kaya lang, hindi talaga, eh. Nakakawala kasi ng gana. Minsan talaga ay mapapaisip na lang ako kung bakit bigla-bigla na lang ako mawawalan ng gana sa lahat ng bagay.



Mabilis na dumaan ang ilang linggo ng ganoon lang din ang nararamdaman ko. 'Yung tipong nakakawalang gana nang kumilos. Kaya nga palagi akong late kasi tinatamad talaga akong bumangon at nawawalan na ako ng paki mag-aral. Pero wala naman akong bagsak at okay naman ang grades ko dahil magaling akong mag-cram. Mas nakakagawa pa nga ako kapag ganoon.


"I fucking hate chem! Tangina, 'yun talaga ang papatay sa akin." Reklamo ni Gaile pagkalabas namin ng room.


After two weeks, Friday na ulit. Nag-vibrate ang cellphone ko at nakatanggap ng text mula kay Tallie kaya binasa ko iyon.


From: Tallie

HOY ASAN KA NA KANINA PA AKO NANDITO SA BABA APAKABAGAL KYRA ISABEL


Natawa na lang ako sa kaniya. Nakakainis kasi 'yung teacher namin, napakatagal mag-dismiss.


Kumaway ako kay Gaile na nagpaalam nang uuwi. Nauna na siyang pumunta ng LRT gate at sinalubong naman ako ni Tallie na naghihintay pagbaba namin ng floor namin.


"Ang tagal mo!" reklamo niya pagkalapit ko.


"Sensya ka na, ha? Ang tagal kasi ng teacher namin, eh." Ngumisi ako kaya bumusangot ang mukha niya. She knew that my apology is not sincere. Pero maya-maya lang ay natawa na siya. Ang babaw din talaga ng kaligayahan ng babaeng 'to. 'Yung tipong kahit wala namang nakakatawa, tumatawa pa rin siya.


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon