27

106 4 0
                                    

"Oh," inabot sa akin ni Gio ang bote ng tubig na binili niya sa convenience store. Tipid akong ngumiti at kinuha 'yon.


I drank silently while looking away from him. Ramdam ko ang paningin niya sa akin. I know he wants to ask something. Gusto niyang malaman kung bakit ako umiiyak. Alam ko naman na hindi siya naniwala sa dahilan ko.


Naubos ko na ang tubig at tumingin sa kaniya. He was just looking at me intently. Para bang sa paraan ng pagtitig niya ay malalaman niya ang iniisip ko.


"Bakit ba ganiyan ka makatingin?" pilit akong tumawa.


Hindi siya sumagot at nag-iwas ng tingin. Mabigat akong huminga bago sinubukang ngumiti sa kaniya.


Kahit gaano ka-hirap magmukhang okay sa harap niya, gagawin ko. Kahit gaano ka-sakit tumingin sa kaniya ng hindi naaalala ang mga nalaman ko, gagawin ko. Gagawin ko dahil nangingibabaw ang pagmamahal ko sa kaniya.


"Tambay tayo sa playground." Pag-aya ko sa kaniya. Tumingin naman siya sa akin ng hindi pa rin nagsasalita.


"Okay." He gave me a small smile.


He drove back on the way to our house dahil mas malapit doon ang papunta sa playground. Tahimik lang kaming magkahawak kamay na naupo sa may bench, nakatingin sa langit.


I missed him. I really missed him. Ngayon na lang ulit kami nagkita, pero hindi ko magawang maging masaya dahil nasasaktan ako. Ngayong hawak niya ako, parang gusto kong bumitaw dahil naalala ko ang litrato kung saan magkahawak kamay sila ng kapatid ko.


Bakit... ang sakit? Tapos na 'yon at hindi na dapat ako nasasaktan pero... pero sobrang hirap pigilan.


"Congratulations, Architect." Naramdaman kong haplusin niya ang kamay kong hawak niya. Ngumiti ako at isinandal ang ulo sa balikat niya.


"Thank you, Engineer."


Wow. It really feels nice to say those words. Marami nagsasabi sa amin na bagay kami ni Gio. Na match made in heaven pa nga dahil magkaiba ang ugali namin pero nag-click naman.


Pero bakit ngayon... hindi ko na nakikita ang nakikita ng iba? Bakit dahil sa mga nalaman ko... hindi ko na makitang bagay kami ni Gio? Baka mas bagay sila ni Ate? Kasi... kasi siya ang first love ni Gio.


"Gio," pagtawag ko sa kaniya. Naramdaman kong humigpit ang hawak niya sa akin. "Pwede ba ako magtanong?"


"Go." Tipid niyang sagot, nakatingin pa rin sa langit.


Malalim akong bumuntong hininga. I don't know why I'm doing this. But I really want to. Gusto kong makumpirma. Gusto kong saktan pa ang sarili ko, baka sakaling matauhan ako at masabi ko na tapos na 'yon.


"Who's your first love?" pinigilan ko ang maiyak sa tanong ko. Napakunot ang noo niya at doon lang tumingin sa akin.


"Why?" naguguluhan niyang tanong.


"Wala lang. Gusto ko lang malaman, siyempre. What happened before? Bakit... bakit hindi kayo nagkatuluyan?"


I really wanted him to say her name. Gusto kong magkuwento siya. Gusto kong sabihin niya ang nararamdaman niya dahil sa limang taon naming magkarelasyon, hindi namin napag-usapan ang nakaraan niya.


"What's wrong, Kyra? Bakit bigla mo na lang tinatanong?" nagtataka niyang tanong.


"Wala. Gusto ko lang malaman." Kumapit ako sa braso niya. "Siyempre... gusto kong malaman lahat sa 'yo... bago tayo..." tumitig ako sa kaniya. "Bago tayo magpakasal..."


Tears of I Love You (Serendipity series #2)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon