Chapter 30

1.1K 92 6
                                    

Panaginip nga ba iyun?

No,nakipaghalikan ka talaga sa kanya!

Tulala. Wala siyang kibo mula ng magising siya. Tahimik lamang siya hanggan sa makabalik sila ng bahay niya at kasama na nila si Zeid na sumunod pala sa kanila.

Hindi niya alam kung ano ang sasabihin niya. Alam niyang hindi iyun panaginip.

That kiss and Zeil confession.

Malinaw na malinaw pa sa isip niya ang sinabi nito. Ang gusto nito baguhin. Their relation. Mas malalim pa doon ang nais nito.

Gusto din niya iyun at alam ni Zeil yun dahil hinayaan niya ito na halikan siya.

Bigla siya nagtakip ng mukha gamit ang unan niya sabay impit na tumili.

Nag-iinit ang pisngi niya kapag naalala niya ang paghalik ni Zeil sa kanya.

Isang katok ang nagpakabog sa dibdib niya.

No. Nahihiya siya!

Muli kumatok ang nasa labas ng pintuan niya.

Mabilis ang tibok ng puso niya.

"Dark Angel?! Kakain na!"

Bigla siya nakahinga ng maluwag ng malaman na si Zeid ang kumakatok sa pintuan niya.

Agad na inayos niya ang sarili. "Susunod na ko,"tugon niya at mabilis na sinulyapan ang sarili sa harapan ng salamin.

Nahihiya raw pero kailangan manalamin bago lumabas?

Agad na natigilan siya ng matanto ang ginawa niyang iyun.

Tsk. Bakit ba? Eh sa magulo naman talaga ang buhok niya. Alangan naman lumabas siya na mukhang bruha.

Taas-noo na lumabas siya ng silid at bago pa man siya tuluyan pumasok sa kusina agad na dinunggol siya ng kaba ng matanaw si Zeil na naghahain sa center island.

Naroon na rin si Zeid. Nakaupo na ito at abala na sa pagkain nito.

Pinuno muna niya ng hangin ang dibdib saka siya nagpatuloy sa paghakbang patungo roon.

Agad napatingin sa kanya si Zeil na agad na kinasikdo ng puso niya.

Kalma ka lang,heart..

Isang mahinang tawa ang nagpabaling sa kanya kay Zeid.

Nakatuon ang mata nito sa plato nito pero sigurado siya na ito ang tumawa.

Tinaasan niya ito ng kilay ng mag-angat ito ng tingin sa kanya.

"What?"inosente nitong turan.

Inirapan niya ito.

"Come on,"anang ni Zeil at napaigtad siya ng hawakan siya nito sa siko at alalayan na makaupo sa upuan sa harapan na inuupuan ni Zeid.

May ngisi ang mga labi nito na nakatingin sa kanila at nakaramdam siya ng pagkapahiya pero inirapan niya ito para pagtakpan iyun.

"What time ang flight mo?"anang ni Zeil na kinalingon niya rito.

Abala ito sa paglagay ng pagkain sa plato niya.

Flight?

Saka niya naalala na uuwi rin pala ang mga ito sa pilipinas.

Agad siya nakaramdam ng lungkot.

"3 days pa,kambal..gusto mo talaga ako umalis na ha,"may panunukso nitong sabi na kinaangat niya ng tingin rito.

Nagtatanong ang mga mata niya na nakatingin rito na nginisihan na naman siya.

Gusto niya mairita rito pero naguguluhan siya.

"Maiiwan dito si Zeil..kumpara sa kanya limitado lang ang bakasyon ko since demanding ang trabaho ko bilang isang agent,"nakangisi nitong pagsagot sa katanungan niya na nasa isip niya.

Mabilis ang tibok ng puso niya na bumaling ang tingin niya sa katabi. Tila huminto ang pagtibok ng puso niya ng magtama ang mga mata nila ng binata.

"Okay lang ba sayo na dito na lang muna ako habang hindi pa ko bumabalik satin?"anito.

Gosh!

Tumikhim siya saka niya ito sinagot.

"Ahm,a-ayos lang,"tugon niya na hindi tumitingin rito at inabala na ang sarili sa pagkain na nilagay nito sa plato niya.

"Busy si Karla. Hindi ka ba mabobored,kambal?"untag ni Zeid na may kislap ng panunudyo ang ngisi nito.

Kinalma niya ang puso. Nakakatulong na makalma siya kapag nakikita niya si Zeid dahil nakakainis naman kasi talaga ito.

"Pwede ko naman abalahin ang sarili ko sa pagpipinta,"tugon ni Zeil sa kambal nito.

Tumango-tango ito pero may kislap pa rin ng panunudyo ang ngisi nito.

"May tagaluto at tagalinis ka,iyun ang bayad ni Zeil sa pananatili niya rito, "untag sa kanya ni Zeid.

"Yeah,i can be a driver,too.."segunda ni Zeil na kinabaling niya ng tingin rito.

Kinakabahan siya. Hindi niya alam basta kinakabahan siya dahil...sa kaalaman na sila na lamang dalawa ni Zeil ang maiiwan kapag umalis na si Zeid pauwi sa pilipinas.

Bigla siya nakaramdam ng pag-iinit ng mukha.

No,karla..nagiging malisyosa ka sa bagay na yun...

Napainom tuloy siya ng tubig na nasa gilid ng plato niya. Mahinang pagtawa ang naulinigan niya mula kay Zeid.

Bago pa man niya ito sitahin tumayo na ito dahil tapos na ito kumain.

Kinindatan muna siya nito ng may kahulugan bago ito nawala sa paningin niya.

Kaasar talaga ang Panget na yun!

"Ayos ka lang ba?"pukaw sa kanya ni Zeil.

Nahigit niya ang hininga ng bumaling siya rito at mataman ito nakatingin sa kanya.

"Ahm,a-ayos lang ako,"nauutal niyang saad sabay baba ng tingin sa plato niya.

Natigilan siya ng may mainit na bagay ang dumampi sa gilid ng noo niya. Awang ang mga labi niya ng matanto kung ano iyun.

"Goodmorning,Love...hindi kita nabati kanina,"masuyo nitong sabi.

Shucks!

Nagwawala ang puso niya sa ginawa nito kasweet-an. Mas lalo lang tuloy siya nakaramdam ng hiya rito.

"Relax..we'll take it slowly,"untag nito sa kanya.

Napatingin siya sa sinabi nito at may masuyong ngiti sa mga labi nito. Hinawi nito ang ilang hibla ng buhok niya na nakatabing sa pisngi niya at iniipit iyun sa likod ng tainga nito.

Nahihiya siya at hindi siya nakakaramdam niyun pero iba si Zeil.

Nakakainis!

"Don't worry maghihintay ako. Gusto ko maging komportable ka sakin,"saad nito.

Nakagat niya ang pang-ibaba labi.

"Ang cute mo pala kapag nagbablush,"anito.

Natigilan siya sa sinabi nito at hindi niya hahayaan na tuluyan na mapahiya sa harapan nito kaya naman sinamaan niya ito ng tingin.

"Hindi ka si Zeid para mang-asar,"sita niya rito.

Tumawa ito ng mahina sabay mariin na tumitig sa kanya. Ang mga mata nito na masasalamin roon ang tunay nitong nararamdaman para sa kanya.

Agad na nag-iwas siya ng tingin rito.

"Nakakainis ka,"usal niya at ramdam na ramdam niya ang pag-iinit ng mukha niya.

"You making me falling for you so hard,Love.."saad nito na mas lalo kinainit ng mukha niya.

May sinusupil na ngiti na binalewala niya ang huling sinabi nito.

I'm already  falling for you...

Paint my Love :  Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon