That girl is crazy!
Nagpapasalamat siya dahil ng magkamalay siya mula sa pagpapatulog nito sa kanya ay agad na sinabi nito na makakauwi na siya.
Baliw na ang babaeng yun!
Alam ba ng magulang nito ang ginagawa ng anak ng mga ito?
"Ma'am?"
Agad na natauhan siya ng pukawin siya ng taxi driver. Bumaba kaagad siya kahit na nanginginig.
Humugot muna siya ng malalim na hininga. Hindi niya alam kung ano sasabihin niya kay Zeil. Umuwi siya ng wala dala at sigurado siya na hahanapin nito iyun.
Pinuno niya ng hangin ang dibdib at kinalma ang sarili bago siya humakbang pero natigilan siya ng makitang walang ilaw sa loob ng bahay.
Nag-alala siya at agad na nilingon ang kinapaparadahan ng kotse niya at makitang wala roon.
Nanginginig ang kamay na dinukot niya ang celpon. Natigilan siya ng makita sa recent call list niya ang pangalan ni Zeil. Kinakalkula niya sa isip ang oras na huli niya ito nakausap. Hindi pa niya tinawagan ito ng buong maghapon kundi ito mismo ang tumatawag sa kanya.
Agad na kumabog ang dibdib niya. Agad na tinawagan niya ang numero nito at nakailang ring na siya walang sumasagot.
Hindi. Hindi. Hindi..
Nilulukob na siya ng pangamba at takot na baka napahamak na ito.
Tinawagan ng baliw na babae iyun si Zeil!
Kumalma ka lang,Karla...walang magandang maidudulot sayo kung magpapanik ka.
Agad na tumakbo siya at nagmamadaling naghanap ng masasakyan pabalik sa pinagdalhan sa kanya ng babaeng yun.
Halos gusto na niyang magmura ng malakas na wala siyang masakyan lalo pa at gabi na.
No!
Please Po..sana nasa maayos na kalagayan po siya.
Nang maubusan na siya ng pag-asa na makakasakay siya agad na hinanap niya sa contact list niya ang kaibigan.
Tatlong ring bago sinagot ng kaibigan ang tawag niya.
"Aww! Buti naman naalala mo na kong tawagan,magtatampo na sana ako sayo,"bungad sa kanya ni Gannie.
"G-Gannie..please,help me.."saad niya. May luha ng tumutulo sa mga mata niya.
"Shit! What happen?! Nasaan si Zeil?! May nangyari ba masama sayo?!"nagpapanik na sunod-sunod na tanong ng kaibigan.
"S-si Zeil..i-i don't know..puntahan mo ako. Baka kung ano nangyari sa kanya,"halos nagmamakaawa niyang sabi.
"Okay. Kumalma ka lang. Nasaan ka? Pupuntahan kita,"seryoso sabi nito.
"N-nandito na ko sa labas...w-wala ako masakyan,please.."
"Okay. Okay..papunta na ko,stay calm,okay!"anito.
Nang matapos ang tawag. Samu't-saring isipin ang naglaro sa isip niya. Ayaw niya mag-isip ng negatibo pero baka masaktan ng babae iyun si Zeil.
Nanghihina na napaupo na lang siya sa gutter ng kalsada.
Iligtas Niyo po siya..piping dasal niya.
Wala siya ibang dinadasal noon kundi ang kaligtasan lamang niya mula ng piliin niya manirahan ng mag-isa pero ngayon ang kaligtasan ng taong pinakamamahal niya.
Hindi naman nagtagal may humintong kulay asul na sport car sa harapan niya.
"Karla!"nagmamadali nilapitan siya ng kaibigan at itinayo mula sa pagkakaupo niya sa gutter.
"Ano ba nangyari?"
"Si Zeil..baka saktan siya ng baliw na yun. Sigurado ako na nakipagkita siya sa baliw na babae yun. Puntahan natin sila baka saktan niya si Zeil!"
"Okay. Okay..relax ka lang,"anito sabay alalay sa kanya pasakay ng kotse nito.
Humarurot ang kotse nito na tila wala pake na baka may mabangga sila pero wala na rin siya pakielam dahil wala siyang iba iniisip ngayon kundi ang makita si Zeil na ligtas.
Panay ang dasal niya habang nasa daan sila. Hindi pa man hustong nakakahinto ang kotse ni Gannie agad na bumaba siya ng kotse na ikinamura ng binata.
Nakasarado ang malaking gate kaya kinalampag na niya iyun. Hindi siya tumigil hanggat hindi iyun bumubukas. Pinindot naman ni Gannie ang doorbell at nakailang beses pa iyun ginawa ng bumukas ang gate at bumungad roon ang isang ginang.
Puno ng pagtataka ang mukha ng ginang.
"Doktora?"
"Nasaan ang anak niyo?"tugon niya.
"Bakit,doktora? Wala dito si Elsa. Nagpaalam siya sakin na magdidinner sila ng besfriend niya,"may pagtataka na sagot nito.
Mariin na umiling siya. "No,Ma'am! Tinawagan niya ang boyfriend ko. Alam niyo ba ang ginawa sakin ni Elsa?"may himig na galit sabi niya.
Mas lalo bumakas ang pagtataka sa mukha ng ginang.
"H-hindi ko maintindihan, doktora.."anang ng ginang.
Bago pa man siya sumabog sa inis agad na nagsalita si Gannie.
"Ma'am,saan ho makikita ang anak niyo bukod sa mga kaibigan niya?"seryoso tanong ng kaibigan.
"Palagi siya nasa isang bahay namin kung saan madalas sila roon nag-oovernight ng mga kaibigan niya,"tugon ng ginang.
"Ini-spray-an ako ng pampatulog ng anak niyo dahil nagalit siya sakin. Sigurado ako na kasama niya si Zeil ngayon at baka saktan niya si Zeil.."
Bumadha ang gulat sa mukha ng ginang. Hindi makapaniwala sa narinig nito.
"Hindi. Hindi magagawa ni Elsa ang sinasabi niyo,doktora,"mariin na iling ng ginang.
Tumalim ang mga mata niya sa sinabi ng ginang at napaawang ang mga labi nito sa nakitang galit sa mga mata niya.
"Sigurado ako na alam niyo kung ano ang pinagdadaanan ng anak niyo. Sa oras na may ginawa siyang masama kay Zeil. Hindi ako magdadalawang-isip na ipakulong ang anak niyo!"mariin na sabi niya na kinabadha ng takot sa mukha ng ginang.
Bumadha ang takot at pangambasa mukha ng ginang para sa anak nito.
Hindi niya alam kung ano nangyari dahil nakuha nila ang address ng bahay na tila wala sa sarili ito pagkatapos ito kausapin ni Gannie ng mahinahon.
Tila ba ito nahipnotismo pero wala na siya pakielam sa bagay na yun ang importante ay patungo na sila sa address na kinaroroonan ng mga ito.
Mariin na naikuyom niya ang mga palad.
Nangangako siya sa oras na may masama nangyari kay Zeil..sinisiguro niya na hindi siya magdadalawang-isip na saktan ang baliw na Elsa na yun!
Sa Elsa na yun ang kauna-unahang nilalang na makakatikim ng isang galit na Karla.
"He'll be safe..sigurado ako dun,"pukaw sa kanya ni Gannie na kalmante lang nagmamaneho.
Matalim ang mga mata na nilingon niya ito.
"Hindi mo kilala si Zeil,Gannie..pinanganak siya na hindi nanakit ng babae,"mariin niyang sabi.
"Pero handa siya manakit kung kaligtasan ng taong mahal niya ang usapan.."saad nito na seryoso ang anyo.
Hindi na siya nakaimik pa dahil tama si Gannie. Kahit siya gagawin niya iyun pero sana nasa mabuting kalagayan ang binata.
BINABASA MO ANG
Paint my Love : Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)
Hombres LoboZeil Rostov,twin brother of Zeid Rostov. Magkapareho man ng pisikal na anyo malaki naman ang pagkakaiba ng kanilang ugali at hilig. Zeil love to paint na tila ito na ang kanyang buhay. He is so amazing painter. So Artistic. Tila buhay na buhay ang b...