First of all,gusto ko po magpasalamat sa lahat ng nagbabasa at bumabasa ng aking mga akda. Salamat ng marami,Ka-series! Sana hindi kayo magsawa sa pagbabasa at pag-aappreciate ng mga akda ko kahit hindi naman siya kagandahan. SALAMAT MULI!
Sa bawat paghagod at pagguhit ng paint brush na hawak ni Zeil ay tila may kaakibat na mahika. Buhay na buhay ang kulay at tila nabubuhay ang nabubuong anyo na nakukulayan ng matingkad na kulay. Patapos na niya ipinta ang nasa harapan. He paint the most beautiful thing in the whole world..at sa buhay niya.
May kuntento ngiti na gumuhit sa mga labi niya ng pagmasdan ang natapos na pinipinta.
"Isasama mo ba yan sa exhibit mo next month?"untag sa kanya ni Karla.
His wife.
Agad na inakbayan niya ito kahit may mantsa ng mga pintura ang damit at braso niya hinayaan naman siya nito.
Huminga siya ng malalim. "Nope,"sagot niya.
Tiningala siya nito at agad na pinatakan ng halik ang noo nito.
"Para sa akin lang ang painting na ito,"saad niya na kinangiti nito ng ubod ng tamis. Inabot nito ang pisngi niya at masuyo nito hinaplos.
"You're so sentimental ever,you know that!"
Isang mahinang tawa ang tinugon niya. "Ganun kasi yun kaespesyal sakin,alam mo yan,"aniya.
"I know,right!"reak nito na kinatawa niya muli.
May ngiti sa mga labi nila na pinagmasdan nila ang painting sa harapan nila at napadako ang mga mata nila sa papalapit na bulto na siya din nasa painting.
Agad na lumapit iyun sa kanila at sabay na lumuhod sila mag-asawa upang haplusin ang malambot at makapal na balahibo ng isang lobo.
"Mukhang napagod ka na kakahabol dun sa alon ah!"turan ni Karla rito habang hinahagod ang makapal na balahibo ng lobo.
Kulay abo ang balahibo ng lobo at ang mga mata nito na kulay tsokolate na siyang namana nito sa kanya. Tila nakatingin siya sa sarili niyang mga mata habang nakatitig sa mga mata ng lobo.
"Buti naman at pinagbigyan mo ang Dad mo na ipinta ka?!"pakausap muli ni Karla rito kahit panay ang hagod lang ng ulo nito ang tugon.
Natawa siya sa sinasabi ng asawa. "Nalibang sa alon kaya ganun. Kung hindi malamang nang-aangil na naman yan,"nakangiti niyang sabi.
Lumingon sa kanya ang mukha ng lobo at nilingon ang painting na nasa harapan nila.
"Nagustuhan mo ba?"untag niya rito.
Nilingon siya nito at may kislap sa mga mata nito ng pagkamangha at muli binalik ang tingin sa harapan.
"Well,mukhang nagustuhan niya. Hindi dinamba eh,"bulalas ng asawa niya na kinatawa niya ng mahina.
"Honey, come on..kakain na tayo,"untag ni Karla rito. Agad na inilahad nito ang malaking puting twalya at isang iglap lang ay bumalik na sa dating anyo ang lobo.
Mabilis na binalot ni Karla ang twalya sa katawan ng anak nila.
Agad na hinaplos niya ang kulay itim nitong buhok. "Nagustuhan mo ba?"muli niya pagtatanong sa anak tungkol sa painting.
Nakatingala sa kanya ang anak.
"Nagustuhan ko naman po...pero syempre doktor pa rin po ang gusto ko paglaki!"deretsahan nitong sagot.
Napalingon siya kay Karla at nakangisi ito sa kanya. Napailing naman siya. Namana ng anak nila ang lahat ng pisikal na anyo niya pero...
"That's my son,Love! Like Mommy like Son!"may pagmamalaki bulalas ng asawa niya.
BINABASA MO ANG
Paint my Love : Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)
Hombres LoboZeil Rostov,twin brother of Zeid Rostov. Magkapareho man ng pisikal na anyo malaki naman ang pagkakaiba ng kanilang ugali at hilig. Zeil love to paint na tila ito na ang kanyang buhay. He is so amazing painter. So Artistic. Tila buhay na buhay ang b...