Chapter 40

1.2K 107 6
                                    

Sleep.

Maingat na nagpakawala ng buntong-hininga si Zeil sa sinabi ng wolf niya.

How can he sleep?

Magkatabi sila ni Karla. Pumihit siya patagilid ng higa paharap sa natutulog na dalaga. Mas lalo naging maamo ang mukha nito dahil sa mapayapang pagkakatulog nito.

Sleep..

May nararamdaman siya na pilit niyang pinipigilan bago pa man iyun kumalat sa sistema niya at baka...hindi niya makontrol ang sarili. Oo,nagkasama na sila ng dalaga na sila lang dalawa at nakayanan niya ang udyok ng...

Oh come on! Sa tingin mo gugustuhin niya may mangyari sa inyo ngayon?

Napakurap-kurap si Zeil sa sinabi ng wolf niya. Hindi niya gugustuhin na gawan ito ng labag sa kalooban nito. Hindi niya gagawin yun!

Aminado siya. He wants her! Sa pagiging lobo niya natural na ang makaramdam niyun sa oras na matagpuan mo ang nakatadhana sayo!

Maingat na bumangon siya. Hindi siya makakatulog. Opisyal na may label ang ugnayan nila ni Karla kaya mas tumitindi ngayon ang pagnanais niya na maangkin ito!

"Zeil?"

Agad na nilingon niya ang nagising na dalaga.

"Nagising ba kita?"masuyo niyang tanong at bumalik sa kinahihigaan nila. Hinila nito ang kumot na may nakaimprintang paboritong cartoon character ng kanyang ama na si spongebob hanggang sa leeg nito.

"Aalis ka?"tanong din nito.

Banayad na hinaplos niya ang ulo nito habang nakadungaw sa maganda nitong mukha.

"Magpapaantok lang sana ako,"matapat niyang sabi.

"Hindi ka makatulog,"saad nito na tinanguan niya.

"Dito ka lang,"saad nito sa himig ng paglalambing.

Be honest! Sabihin mo sa kanya ang dahilan kung bakit gising ka pa!

"Love..baka hindi talaga ako makatulog,"sabi niya.

"Bakit? Hindi ka sanay na may katabi?"pagtatanong nito.

Napatiim-bagang na lamang siya. Nahigit niya ang hininga ng bumangon ang dalaga at nakipagtitigan sa kanya na mas nagbigay ng malaking kalbaryo sa kanya.

He silently groan.

"Nagresearch ako,"maya-maya saad nito.

"Research ng ano?"

"Tungkol sa tulad mo..ahm,kasi kuryuso ako. Hindi ko aakalain na may mababasa ako tungkol sa inyo kahit alam ng lahat na isa lamang yun kwento o haka-haka.."sabi nito.

"Ano naman ang nabasa mo tungkol sa tulad namin?"tanong niya.

"Bukod sa malakas at matalas ang senses niyo. Kusa din naghihilom ang sugat niyo kaya ba hindi hinayaan ni Zeid na gamutin kita noon dahil makikita ko yun?"

Agad na tumango siya at tumango din ito.

"Bukod dun..may nabasa pa ko,"anito sabay iwas ng tingin sa kanya.

We'll knew it!

"Ahm,tungkol...sa..mating,"saad nito sa wakas.

Napalunok tuloy si Zeil ng wala sa oras. Bumibigat na rin ang paghinga niya.

Damn that mating!

"Are you...you know? What i mean?"nanantiya nitong tanong.

Sabihin mo na...ng matapos na paghihirap natin!

He don't know how to say it to her. Kung ano ang tamang salita ang sasabihin niya na hindi ito makakaramdam ng pangamba.

"I...i feel it now,"saad niya sabay iwas ng mga mata rito.

Ayaw niya makita sa mga mata nito ang pangamba.

"And...i can help you about it,right?"

Agad na napataas siya ng tingin sa sinabi nito.

"We're love each other and...that will happen because of love,"mataman nitong saad.

"Love.."tanging usal niya at ng makahagilap ng sasabihin saka siya muli nagsalita."I..w-we can do that when you already,Love.."

"What if I'm ready now? What if i want you to make love with me now?"may panghahamon nitong saad.

"Ayokong samantalahin ka..na tayo lang dalawa ngayon,"anas niya.

Bumuntong-hininga ito. "I know you are very gentleman,Zeil. Walang tatalo sayo dun na kahit sinong lalaki sa buong mundo..pero gagawin mo naman yun sa taong mahal mo eh,"pangaral pa nito sa kanya na kinakurap-kurap ng mga mata niya.

Nauulinigan niya na determinado ito na may mangyari sa kanila..at namamangha siya na aware ito sa ganoon usapin.

"I'm not innocent,Zeil..we're both consenting adult now..yeah,dapat kasal muna bago yun...but..ahm,magiging responsible naman tayo..ikaw,"anito.

Pinuno niya ng hangin ang dibdib. Pakiramdam niya naubusan siya ng hininga sa mga sinasabi nito.

Nahigit niya ang hininga ng sapuhin nito ang kabilang pisngi niya.

"Hindi ko sinasabi ito dahil iyun ang dapat mangyari..na iyun ang isa sa papel ko sa buhay mo bilang..mate mo,"seryoso nitong turan. "I...i can't deny it na gusto ko din,"pag-amin nito.

Nahigit niya ang hininga sa huli nitong sinabi.

"Nararamdaman ko din ang nararamdaman mo. That's what called We're mate.."

Isang masuyong ngiti ang gumuhit sa mga labi niya at pinangahasan na sakupin ang mga labi ng dalaga. Napakaswerte niya na ito ang babae na tinadhana sa kanya.

Pumulupot ang mga braso nito sa batok niya habang magkasanib pa rin ang mga labi nila.

Kapwa habol nila ang hininga ng magparte ang mga labi nila. Magkalapat ang mga noo nila.

Ikinulong niya sa pagitan ng mga palad niya ang mukha ng dalaga.

"I love you so much.."puno ng pagmamahal niyang sambit.

"Mahal na mahal din kita,Zeil.."agad na pagtugon nito.

Naging agresibo ang sunod na naging kilos nito na agad naman niya tinanggap habang magkasanib ang kanila mga labi. Maingat na inihiga niya ang dalaga na hindi napuputol ang paghahalikan nila. Buong ingat ang bawat kilos at galaw na tila bang isang babasagin na gamit ito.

Nagmaglapat ang kanilang mga katawan. Mahina at malalim na daing ang umalpas sa mga labi niya ng maramdaman ang malambot na katawan ng dalaga.

Dumiin ang paghalik niya sa mga labi ng dalaga at ganun din ang katawan niya na tila ba hindi pa sapat na maramdaman ang init at ang lambot ng katawan nito. Isang daing ang kumawala sa mga labi ng dalaga. Gumapang ang mga labi niya sa panga nito pababa sa leeg nito na agad naman nagpaubaya sa kanya upang malaya niyang maangkin ang balat nito roon.

Hindi na siya makakapagpigil pa. Sabik na sabik siya na maangkin ito.

Gagawin nila ang napakasakramentong pangyayari ito dahil nagmamahalan sila.

Sisiguruduhin niya na hindi lamang ang puso nito ang tuluyan niyang maangkin sa dalaga pati na rin ang katawan at kaluluwa nito na habam-buhay niya aalagaan at poprotektahan.

Mamahalin ng walang hanggan.

Paint my Love :  Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon