Chapter 17

1.1K 94 7
                                    

Kumalma ka na..nasukol na yung taong nanakit kay Karla!angil ng kanyang lobo.

Kalmante man siyang tingnan nagpupuyos sa galit ang puso niya ng malaman na nasa panganib ang dalaga. Sa loob ng pitong taon na magkalayo sila nito hindi niya hinayaan na may masamang mangyari rito kahit ang magtangka na ligawan ito ng kahit sino hindi niya pinapalampas. Malaki ang parte ni Gannie sa pagpoprotekta niya sa dalaga . Pinagpapasalamat niya yun ng malaki sa kaibigan.

Ngunit ngayon sa kabila ng galit na nararamdaman niya sinisisi din niya ang sarili. Ngayon na nga lang ulit niya ito nabantayan ng personal saka pa hindi niya ito agad na protektahan!

He want to kill that guy,for real!

"Kumalma ka na,Zeil..lusutan mo yang balak na paggamot niya sa sugat mo hilom na uy!"untag sa kanya ng kakambal gamit ang isip na komonekta iyun sa kanya.

Agad na natauhan siya. Nasa loob na siya ng opisina nito at halos natataranta pa nga ito sa pagkuha ng panglinis sa sugat niya.

Nilapitan niya ang dalaga at natigilan ito ng unahan niya ito sa pagdampot sa first aid kit nito.

"Ako na ang maglilinis sa kanya,"si Zeid na agad na kinuha naman sa kanya ang kit.

Hindi naman nagreklamo pa ang dalaga. Panay ang bukas-sara ang mga palad nito na bahagya pang nanginginig.

"Umupo ka muna..nanginginig ka,"untag niya rito.

Tila naman napahiya ang dalaga ng mapuna niya ang panginginig nito.

"Napanood ko yung video. Nice moves,doktora!"bulalas ni Zeid habang nililinis kuno ang sugat niya.

Pumiksi siya na parang nasaktan sa ginagawa nito upang kuhanin ang atensyon nito.

Nginisihan lang siya ng magaling sabay baling kay Karla na tahimik lang nakamasid sa kanila.

"Adrenaline rush kaya ganyan ang impact,"puna nito sa panginginig ng dalaga.

Pinigilan lang niya ang sarili na singhalan ang kakambal. Hindi niya alam kung namiss lang nito makipagtalo sa dalaga o talagang manghang-mangha ito.

Marahas na napabuga ng hangin ang dalaga.

"Ano ba ang ginagawa niyo rito?"saad nito sa kalmanteng tono.

Sabay na napatingin sila sa isa't-isa ni Zeid.

"Dinadalaw ka?"pagsagot ni Zeid pagkaraan rito.

Umingos ang dalaga.

Mukhang nakalma na nito ang sarili.

"Wala naman ako sakit..at doktor ako,"pataray nitong tugon.

Tumawa si Zeid. "Pero mataray ka pa rin,"deretsahan sabi ni Zeid.

"Zeid.."mababa ang boses na pagtawag niya rito.

Nakangisi naman na bumaling sa kanya ang kakambal.

"Ayan,tapos na! Pwede ba kong mag-apply ng assistant mo,Dok?!"

Kunti na lang mapipikon na siya kay Zeid.

Baka selos? Untag ng lobo niya.

Pasimple niyang binangga ang kakambal ng bumaling siya sa dalaga. Natawa naman si Zeid sa inakto niya.

"Sa labas muna ako. Makikitsismis lang ako!"mabilis na paalam nito.

Napangunot ang noo niya ng mapuna na tila pipigilan ito ng dalaga kung hindi lang mabilis na tumalikod si Zeid malamang nasabi na nito ang gusto nitong mangyari.

Paint my Love :  Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon