Zeil know Zeid doing it on purpose. Nagpakawala siya ng malalim na hininga. Aaminin ni Zeil na dagdag ng lakas ng loob ang kakambal sa kanya sa ganitong isyu niya sa buhay.
Si Zeid lang ang tanging nakakaalam ng pagsinta niya kay Karla. Although na magkambal nga sila at malakas ang sense and intuition nila sa isa't-isa hindi pa rin niya mapaniwalaan na alam ni Zeid ang lihim niyang iyun.
"Akala ko pa naman magiging close na ulit tayo ngayon nasa ibang bansa na siya..tsk! Madalang na nga lang tayo nagkakasama,kambal eh! Siya pa din ang pader sa closeness natin eh!"may hinanaing saad ni Zeid.
Kunot ang noo na hinarap ito ni Zeil mula sa pinipinta niya. Ngayon lang ulit ito nakapagbisita sa kanila mula sa training nito.
"Hanggang ngayon umaakto ka pa din bata..hindi ba yan naalis mula sa training mo?"tugon ni Zeil dito.
Ngumisi ito. "Syempre hindi no! Inborn na yun,kambal!"
Napailing si Zeil. Tuluyan ng hininto muna ang pagpipinta para bigyan ng atensyon ang kakambal.
"Hindi ka talaga nag-girlfriend? Sabi ni Ate Valerie ang dami daw chicks na nanliligaw sayo lalo na kapag may exhibit ka! Meron pa ngang bumili ng isang painting mo ng triple ang halaga with dinner date kaso anyare?"usisa ni Zeid kay Zeil.
Napabuga ng hangin si Zeil. "Ayaw ko lang mapahiya si Ate Val. Siya ang may pakana ng with dinner date na yun,"naiiling na turan ni Zeil.
Ngumisi si Zeid. "Isang heredera ang nagkainteres sayo,kambal!"
"Hindi sa painting ko,Zeid..alam mo yan. May kasamang halaga at espesyal sakin ang bawat detalye ng pinipinta ko kung naappreciate niya yun baka pa.."dismayadong saad ni Zeil.
"Hmm..baka pa? Imposible din yun kahit na maappreciate niya yun..siya nga hindi naappreciate ang pinipinta mo eh pero siya pa din ang gusto mo,"wika nito na kinatigil ni Zeil.
Nanunudyong nginisihan ni Zeid si Zeil.
"Bata palang tayo..alam ko na,Zeil.."saad ni Zeid. "Alam ko nagpipigil ka lang dahil kina Ate Valerie at Kuya Harold..pero kung ako ang tatanungin mo..wala naman masama dun eh..di naman natin siya kadugo..oo nga,parte siya ng pamilya natin pero,kambal..wala pinipili ang pag-ibig. Huwag ka mag-alala kung saan ka masaya susuportahan kita!"
Nabawasan niyun ang pag-aalala ni Zeil na kahit papaano ay nasa likod niya si Zeid.
"Wala si Zeid?"
Agad na napabaling si Zeil kung saan naroon si Karla. Nakapantulog na ito habang nasa may pintuan nito.
"Hindi siya makakauwi ngayon,"tugon niya.
Nanlaki ng bahagya ang mga mata ng dalaga.
Hindi naman siguro siya natatakot satin eh noh?
"Bakit daw hindi siya uuwi?"tila may pangamba sa tono nitong sabi.
"Hindi niya sinabi,"tugon niya agad.
"Ganun ba..okay,matutulog na ko,"paalam na nito.
"Okay,Goodnight,Karla.."pahabol niya sabi bago nito maisara ang pintuan.
"Goodnight..."tugon nito na hindi siya nililingon saka nito tuluyan sinara ang pintuan.
Masaya sana kung may goodnight kiss...
Napailing na lang si Zeil sa sinabi ng wolf niya saka isinandig ang ulo sa sandalan ng sofa kung saan siya matutulog. Nakatitig sa kisame.
Anong plano bukas? Wala si Zeid at oras na para sa da moves mo!
BINABASA MO ANG
Paint my Love : Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)
Manusia SerigalaZeil Rostov,twin brother of Zeid Rostov. Magkapareho man ng pisikal na anyo malaki naman ang pagkakaiba ng kanilang ugali at hilig. Zeil love to paint na tila ito na ang kanyang buhay. He is so amazing painter. So Artistic. Tila buhay na buhay ang b...