Aminin man ni Karla o hindi. Pinipigilan lamang niya na ipakita ang totoong nararandaman niya. Sobrang saya at puno ng kilig ang buong isang linggo niya na inasikaso siya ni Zeil. Pinagluluto siya nito at hinahatiran ng meryenda. Hatid-sundo din siya nito sa ospital. Aminado siya na sa loob ng mga araw na iyun na nakasama niya si Zeil at nagkakasolo sila ay hindi na bumalik sa normal na pagtibok ang puso niya.
"Morning,"pagbati sa kanya ni Zeil ng madatnan niya ito sa kusina na abala sa paghahanda ng almusal nila.
"Morning,"tugon niya at agad na hinanap ang kakambal nito.
"Hindi pa bumabalik si Zeid,"saad nito na tila nabasa ang nasa isip niya. Bigla tuloy siya nakaramdam ng pagkapahiya.
"Ah,ganun ba.."mahina niyang saad.
"Umupo ka na,"anito at agad naman siya tumalima.
Gaya ng ginagawa nito. Ito na ang naglagay ng pagkain sa plato niya na hinahayaan na lamang niya.
"May gagawin ka ba mamaya?"untag nito sa kanya ng umupo na rin ito sa kaharap ng inuupuan niya at naglagay ng pagkain sa plato nito.
"Bakit?"
"Camping tayo?"anito na kinatigil niya.
"Camping?"
Tumango ito. "Yes,maganda magcamping ngayon. Wala ng snow,"anito na may ngiti sa mga labi nito.
Napakabilis na naman ng tibok ng puso niya. Never pa siya nagcamping!
Gustong-gusto niya maranasan talaga yun!
Tumikhim siya at kalmante na tumingin sa binata na nakatingin sa kanya na tila hinihintay nito ang magiging tugon niya.
"Saan naman?"
"May alam ko kung saan pwede mag-camp,"anito.
"Ahm,sige..okay sakin,"saad niya.
"Good. After lunch alis na tayo medyo malayo din dito,"anito na agad na kinatango niya.
Napuno ng excitement si Karla. Sa wakas mararanasan na niya...kasama pa niya si Zeil.
Ay ang saya!
First time niya na umakyat sa isang kabundukan at matarik pa ang dinadaanan nila pero kulang na nga lang buhatin siya nito kapag nakikita siya na nahihirapan iwasan ang mga naglalakihan ugat.
"Gusto mo ba pahinga muna tayo?"untag sa kanya ni Zeil pagkaraan na alalayan siya nito makatawid sa malaking ugat.
"Malapit naman na tayo,okay lang. Kaya pa,"aniya.
Pinakatitigan siya ni Zeil na siyang kinailang niya. "What?"sita niya rito.
"Okay,bubuhatin na lang kita,"anito sabay squat sa harapan patalikod sa kanya na kinalaki ng mga mata niya.
"Hindi na! Kaya ko pa maglakad,Zeil.."saad niya.
"Sige na..alam kong masakit na ang paa mo,"anito na nilingon siya.
Yes. Masakit na ang mga paa niya at mga binti.
"Come on,"untag nito sa kanya.
Kagat ang pang-ibaba labi na nagdadalawang-isip na sundin ang gusto nito pero sa huli nanaig ang pagiging mapride niya.
"Kaya ko maglakad,"taas-noo niyang sabi sabay lakad. Sa pagmamaldita niya hindi niya inaasahan ang susunod na nangyari.
Malakas na tili ang kumawala sa mga labi niya ng matalisod siya. Bago pa man tumama ang maganda niyang mukha kung saan may mainit at matitigas na braso ang pumalibot sa katawan niya.
BINABASA MO ANG
Paint my Love : Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)
Kurt AdamZeil Rostov,twin brother of Zeid Rostov. Magkapareho man ng pisikal na anyo malaki naman ang pagkakaiba ng kanilang ugali at hilig. Zeil love to paint na tila ito na ang kanyang buhay. He is so amazing painter. So Artistic. Tila buhay na buhay ang b...