Chapter 45

1.3K 102 5
                                    

Ang bawat araw na lumilipas mas lalo pinaparamdam sa kanya ni Zeil ang pagmamahal nito at saya. Wala na siyang ibang hihilingin pa dahil nasa kanya na ang lahat. Ang pamilya ng Uncle Harold niya,ang in-law nito at higit sa lahat si Zeil.

Agad na gumuhit ang isang napakatamis na ngiti sa mga labi niya ng matanaw ang pagdating ng kasintahan sakay ang isang puting kotse. Araw-araw siya nito sinusundo sa hospital pagkatapos ng duty niya. Napagdesisyunan niya na mag-applya na lamang muli kaysa bumalik pa siya sa dating pinapasukan niya. Agad na natanggap siya sa hospital na pag-aari ni Doktora Sana'a. Ang doktorang siyang nagpagaling sa kanya. Ang siyang dahilan kung bakit wala na ang sakit niya sa puso.

Napukaw siya ng makarinig ng mahinang tili at napalingon siya roon agad naman nagsitalikuran ang tatlong nurse na nakatayo sa gilid ng entrance. Napailing na lang siya. Sanay na siya na tila mala-artista ang peg ng kasintahan sa tuwing sinusundo siya nito.

Magkanobyo ka ba naman ng ubod ng gwapo eh!

"Love.."

Agad na bumaling siya sa pagtawag ng kasintahan. Kinuha nito ang kamay niya at pinagsalikop nito ang mga daliri nila.

"Let's go?"untag nito sa kanya.

"Yes,tara na!"agad na tugon niya at kumapit siya sa braso nito kung saan magkasalikop ang mga daliri nila.

Gusto niya irapan ang mga babaeng nakatingin sa kanila at sabihing  "Ang ganda ko!"

Pagkasakay nila sa kotse agad nito ikinabit sa kanya ang seatbelt niya. Inuunahan siya nito lagi at ayon rito gusto ni Zeil na ito ang lagi magkakabit sa kanya niyun at alam na niya ang kasunod niyun.

Isang mariin na halik ang ginawad nito sa mga labi niya at kumapit ang isa niyang kamay sa batok nito. She's aware of his next move kaya lagi na siya nakahanda roon at nakatugon kaagad sa halik nito.

"How's your day,Love?"tanong nito pagkaraan magparte ang mga labi nila.

"Masaya! Ang daming bata na laging naiexcite na makita ako!"magiliw niyang sagot.

Natatawang hinarap na nito ang manobela. "Obviously,Love..."

Natawa siya ng mahina sa tinuran nito. Lagi siya masaya sa tuwing tapos na ang trabaho niya imbes ba naman kasi mapagod siya o mastress siya lang ata ang laging hyper at masaya after her duty. Masaya sa loob ng ospital dahil sa mga pasyente. Mas nakakamangha na ang mga pasyente nila ay mga walang kakayahan na mapagamot ang kanila mga anak o kamag-anak. Isa iyun sa kinamamangha sa ospital na pag-aari ng pamilyang Dornan. Mapapabilang ang ospital na iyun sa kinikilalang ospital sa bansa dahil sa ganda at maayos na pamamalakad lalo na sa mga pasyente. Iniisip nga niya marahil may kung anong hiwaga na nababalot sa loob ng ospital kaya lagi maganda ang vibes sa loob imbes na stress at lungkot.

Napukaw siya ng huminto na ang kotse saka lang siya natigilan ng makita ang kinaroroonan nila.

"Bibisitahin natin sina Mama at Papa?"lingon niya sa kasintahan.

"Yes,Love.."agad na tugon ni Zeil.

Ang huli niyang nakita ang magulang ni Zeil ay ng bumisita ang mga ito sa bahay ng  Uncle Harold  niya dalawang linggo na ang nakakalipas.

Doon ay nagkaroon ng family dinner at inanunsiyo ni Zeil ang opisyal na relasyon nila sa harap ng mga magulang nito. They insist ti call them,ina at ama pero dahil maarte siya Mama at Papa ang tawag niya sa mga ito at natatawang hinayaan na lamang siya ng mga ito.

Inalalayan siya nito makababa ng sasakyan at agad na pinagsalikop ang mga daliri nila at masuyo siyang hinila patahak sa loob ng mahiwagang gubat.

"May gusto ako itanong,"untag niya kay Zeil habang magkaagapay sila naglalakad.

Paint my Love :  Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon