"Mas mainit pa ang titig mo kaysa sa kape na tinimpla mo eh,"natatawang untag ni Gannie kay Zeil.
Hindi nagbago ang ekspresyon sa mukha ni Zeil.
"May conference meeting kasi ko mamaya kaya maaga na lang ako nagpunta dito. Kakamustahin ko lang si Karla saka ayoko magtaka yun kung bakit hindi ako tumupad sa usapan na pupuntahan ko siya,"paliwanag ni Gannie.
"Madalas ka ba magpunta dito?"saad niya.
Sumimsim muna ito sa kape na tinimpla niya para rito.
"Hindi naman..we're both busy saka madalas kami magkita sa restaurant,di ba alam mo yun?"anito.
The fang of jealousy is still there. Nagseselos siya rito. Hindi na iyun mawawala pa. Ito ang nakasama ni Karla sa mga taon na sa malayo lang siya nakatanaw sa dalaga.
Muli naalala niya ang huling punta ni Karla sa restaurant nito kung saan pinangahasan ni Gannie na halikan ang dalaga na siyang kinadilim ng paningin niya sa kaibigan.
"That's our deal. Her place is off-limits to anyone including you,"mariin niyang sabi.
Ngumisi ito. "Yes,i know. Saka alam ko naman na nandito kayo eh,"anito na binuntutan ng pagkindat.
May sasabihin pa sana siya ng maramdaman nila na gising na ang dalaga.
"Gising na siya,"anang ni Gannie.
Agad naman nagreak ang puso ni Zeil.
Parang hindi kayo nagkita ah..panunudyo ng lobo niya.
Bigla nawala ang inis at selos kay Zeil ng maalala ang pagsilip ni karla ng nakaraan gabi sa kanila ni Zeid bago ito natulog.
Pabulong man na sinabi nito ang Goodnight,Zeil,na pinagpapasalamat niya na may matalas siyang pandinig at malinaw niya narinig ang binulong nito.
"Gannie?"
Napukaw si Zeil ng marinig ang boses ng dalaga. Gulat ito nakatingin sa kanila.
"Morning,Doktora!"agad na pagbati ni Gannie.
Gusto niya hilahin ito sa kwelyo at ilayo sa dalaga.
"Hindi ko alam maaga mo ko pupuntahan?"anang ng dalaga.
Ngumisi si Gannie rito.
Stop smirking to her!..Pagkonekta niya sa isip nito.
Agad naman inalis ni Gannie ang pagngisi nito sa dalaga saka tumikhim.
"Oo nga..may conference meeting kasi ko mamaya kaya inagahan ko na ang pagpunta rito,"tugon ni Gannie.
"Anong nangyari dyan sa gilid ng labi mo? Bakit may pasa?"puna nito.
Napigil ni Zeil ang hininga ng lapitan ng dalaga si Gannie at tinitigan ang pasa nito sa gilid ng mga labi.
Naikuyom niya ang mga palad.
Lumabas ka na nga muna baka gumawa ka ng eksena na hindi niya magustuhan! Utos ng wolf niya.
"Ahhh,ito ba? Ano,kasi..ah,may gulo kasi nangyari sa resto. Umawat ako kaso ayun,he-he!"paliwanag ni Gannie.
Naningkit ang mga mata niya sa kaibigan.
Patience,Zeil..hindi lang sanay yan magsinungalin ng harapan..
Gannie is look like a child habang nagdadahilan ito sa dalaga.
Tsk!
Pa-cute!
Hey,Zeil..alam mong di ako sanay magsinungalin ng harapan! Weakness ko yun! Pagkonekta nito sa isip niya na agad naman ikinakalma niya.
Masama na kasi ang tingin niya sa dalawa at agad naman siya natauhan ng makitang kunot ang noo ng dalaga na nakatingin sa kanya.
BINABASA MO ANG
Paint my Love : Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)
WerewolfZeil Rostov,twin brother of Zeid Rostov. Magkapareho man ng pisikal na anyo malaki naman ang pagkakaiba ng kanilang ugali at hilig. Zeil love to paint na tila ito na ang kanyang buhay. He is so amazing painter. So Artistic. Tila buhay na buhay ang b...