Sa buong buhay ni Karla hindi pa siya nakakita ng ganitong klaseng lugar. Oo. She know what look and kind of about the forest. So greenery and beautiful.
But not this kind of forest where she at now.
Sabi nila maganda daw ang isang paraiso at sa salita lang niya iyun naiimagine pero ngayon...kitang-kita na ng mga mata niya ang ubod ng gandang paraiso ito!
Manghang-mangha na nilibot ng mga mata niya ang buhay na buhay na kulay ng mga dahon at bulaklak. Tila hindi totoo!
"Is this for real?"hindi makapaniwala niyang usal habang nililibot ng mga mata niya ang buong kapaligiran.
"Ang lugar na ito ay hindi kailanman mapapasok ng mga ordinaryong tao,"turan ni Zeil.
Agad na bumaling siya sa binata. "T-talaga? At ayos lang na...nandito ako?"
Isang masuyong ngiti ang gumuhit sa mga labi ng binata. Ang ngiti na lalo nagpadagdag ng ganda ng paligid.
Mabilis ang tahip ng dibdib niya. Agad na nag-init ang mga pisngi niya na maalala na sinabi niya na mahal niya ito.
"Natulala ka na?"pukaw nito sa kanya sabay haplos nito sa pisngi niya.
Agad na kinalma niya ang nagwawalang puso. Tumalim ang mga mata niya ng may mahinang tawa ang kumawala sa mga labi nito.
"I'm sorry, love..dinig na dinig ko kasi ang galabog ng puso mo,"anito.
Nanlaki ang mga mata niya. Hindi niya dapat kalimutan na malakas ang senses ng isang tulad nito.
Sinimangutan niya ito upang pagtakpan ang pagkapahiya. Masuyo naman na hinila siya ng binata upang mayakap siya nito.
"Iyun lang naman. Hindi ko kailanman pangangahasan na basahin o kontrolin ka,i can't and i will not doing that. Ayokong magalit ka sakin at gusto ko natural na magustuhan mo ako,"saad nito habang yakap siya.
"W-wala naman nagbago..kahit hindi ka naman lobo..m-mamahalin pa rin naman kita,"saad niya.
"Ganun mo talaga ako kamahal?"may himig na panunudyo saad nito na kinapahiya niya sa sarili. Hinigpitan niya ang yakap rito na kinatawa nito.
Minsan talaga nakakabayolente kapag napapahiya ka.
Nadako ang paningin niya sa itaas ng mataas na puno. Napaawang ang mga labi niya. Hindi niya nakita iyun.
"Is that a tree house?"bulalas niya. Agad na humiwalay sa kanya ang binata at tiningala din ang tinitingala niya.
"Yes. Si ama ang gumawa,"may pagmamalaki nitong sabi.
"Ang taas! Paano niyo naaakyat yan?"kuryuso niyang tanong.
Nilingon siya ng binata.
"I will show you,"saad nito at saka nagsquat ito patalikod sa kanya. Nagtatakang dinungaw niya ang binata na nakatingala sa kanya.
"What?"
"Dadalhin kita dun,"anito na kinalaki ng mga mata niya.
"No way!"
"Mas maganda sa itaas,i promise. Alam mong hindi kita pababayaan,"masuyong sabi nito.
Kinakabahan man sumunod na siya dahil totoong hindi naman siya nito kailanman hinayaan na masaktan.
Yumakap siya sa likuran nito at tila wala kahirap-hirap na kinarga siya nito.
"I swear. Kapag nahulog tayo,lagot ka sakin! Isusumbong kita!"kinakabahan niyang bulalas.
Nilingon siya ng binata at mabilis na pinatakan ng halik ang nakaawang niyang mga labi.
"Sa tingin mo hahayaan kitang masaktan? No way,Love.."saad nito.
BINABASA MO ANG
Paint my Love : Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)
WerewolfZeil Rostov,twin brother of Zeid Rostov. Magkapareho man ng pisikal na anyo malaki naman ang pagkakaiba ng kanilang ugali at hilig. Zeil love to paint na tila ito na ang kanyang buhay. He is so amazing painter. So Artistic. Tila buhay na buhay ang b...