Mainit na mainit ang magkabila pisngi ni Karla habang nasa harapan ng salamin. Nagpaalam siya kay Zeil na kailangan niya gumamit ng restroom at nang mailabas niya at makita ang sarili sa harapan ng salamin saka lang nagsink in sa kanya kung gaano niya naenjoy ang pag-ice skating kasama si Zeil habang magkahawak-kamay.
Napaawang ang mga labi niya dahil namumula talaga ang magkabila niyang pisngi at mainit pa ang pakiramdam niyun.
Nagbablush hindi yan sa dahil lamig..dahil yan sa kilig..untag ng isip niya.
Mas lalo umaawang ang mga labi niya. Iniangat niya ang isang palad kung saan nararamdaman pa rin niya ang mainit at malaking kamay ni Zeil.
Mas lalo nag-init ang balat niya. Buong mukha na niya!
Natauhan lang siya ng bumukas ang isang pinto ng cubicle at lumabas ang isang babae na gumamit roon. Mabilis na naghugas siya ng kamay at nag-ayos lang saglit at lumabas na roon.
Agad na hinanap niya si Zeil at Zeid. Si Zeid naman bigla na lang nawala. Agad naman niya nakita si Zeil pero naningkit ang mga mata niya ng makita na hindi ito nag-iisa at hindi si Zeid ang kasama nito.
Isang babae na halatadong nakikipagflirt kay Zeil. Alam niya ang ganun galawan ng isang babaeng gusto makuha ang atensyon ni Zeil.
Marami na siyang hinarangan babae at sinupladahan para lang tantanan si Zeil.
Hindi mukhang dayuhan ang babae. Malamang pilipino ito.
Go girl..namiss mo rin naman may sungitan at dispatsahin babae kapag may nalapit sa kanya..
Oo. Namiss niya yun..pero hanggang doon na lang ba ang papel niya? Ang maging kontrabida at antribida sa mga babaeng naghahangad na mapansin ng taong gusto nila? Ganun din ang papel niya sa kaibigan si Gannie. Nagpapanggap na nobya nito para lang tigilan ito ng mga babae ayaw itong tigilan.
Pero hindi labag sayo kapag si Zeil ang usapan..
Naningkit ang mga mata niya ng makitang hinawakan ng babae ang isang braso ni Zeil.
Feeling close na oh...
Nagmamadali ang hakbang na tinungo niya ang kinaroroonan ng mga ito. Hindi naman umiimik si Zeil pero kilala niya ito. Hindi ito lumaking bastos sa mga babae.
Taas-noo at nakahalukikip ang mga braso sa harapan na bigla na lamang siya pumagitna sa mga ito na kinabigla ng babae at napaatras pa na siyang gusto niyang mangyari.
Ang makalayo ito kay Zeil.
Ganyan nga..walang lalapit. Ikaw lang lalapit kay Zeil..nanunukso sabi ng isip niya.
"Pagod na ko..nasaan na si Zeid?"saad niya at sinadya na tila wala siyang ginawa sa babaeng nasa likuran niya.
Naningkit ang mga mata niya ng makita na tila pinipigilan lang nito na mapangiti.
Para saan naman kaya yun?
"Excuse me?"untag ng babae nasa likuran niya.
Agad na nilingon niya ito na nakataray mode pa rin.
"Ano yun,Miss?"
"Hindi ka ba magso-sorry? Bigla ka na lang sumingit nag-uusap kami,"mataray na nitong turan.
Mas lalo niya pinakita kung sino siya. Her dark angel side.
"Oh? I'm sorry..mukha kasing hindi interesado yung kinakausap mo na kausapin ka ng dumating ako eh..my bad,naistorbo ko ang pakikipag-usap mo sa kanya,"sarcastic niyang tugon rito.
Tila naman napahiya ang babae sa sinabi niya. Nginisihan niya ang babae na kinaawang ng mga labi nito saka niya nilingon si Zeil na tahimik lang pero bakas sa mukha nito na tila nasisiyahan ito sa ginawa niyang iyun. Tinaasan niya ito ng kilay.
"What?"untag niya rito.
Isang maliit na ngisi ang gumuhit sa mga labi nito saka umiling. Agad naman nagreak ang puso niya sa nakita niyang iyun.
"Hanapin na natin si Zeid,"anito na may munting ngiti sa mga labi nito.
Nilingon muna niya ang babae pero wala na ito roon.
Buti nga sa kanya. Better luck next time na lang..sa ibang guy nga lang,girl.
Napasinghap siya ng may biglang may kumuha ng isa niyang kamay. Napaawang ang mga labi niya ng hilahin na siya ni Zeil at hindi na nito binitawan ang kamay niya.
Holding hands while walking..
Hindi niya magawng magreak basta ang nararamdaman lang niya ay tila siya nakalutang sa alapaap habang magkahawak-kamay kamay sila ni Zeil.
Ganito pala ang pakiramdam na hawak ang kamay mo ng taong na may malaking puwang sa puso mo.
Patunay lamang na hindi ka talaga nakamove on...
Matatauhan na sana siya at tigilan na ang kahibangan niya ng biglang magkagulo sa kung saan.
Agad na natigilan sila sa paglalakad ng may mga nagsitilian.
"Help! Please,call ambulance!"malakas na sigaw ng isang babae.
"Anong nangyayari?"kuryusidad niyang sabi.
Humahangos na lumapit sa kanila si Zeid.
"May hinimatay na lalaki..baka matulungan mo habang tumatawag pa sila ng ambulansya,"anang ni Zeid.
Agad na umiral ang pagiging doktora niya. Mabilis na lumapit siya sa kinaroroonan ng nag-uumpukan.
Lumuhod siya sa gilid ng may edad ng lalaki. Nasa kabilang bahagi naman ang umiiyak na babae na marahil ay asawa nito.
Inilapat niya ang kabilang tainga sa dibdib nito upang pakinggan ang heart beat nito.
Mahina ang heart beat nito. Agad na natanto niya na mild heart attack ang nangyari rito.
"Are you a doctor? What happen to my husband?"umiiyak na tanong ng babae.
"Mild heart attack,Ma'am, "deretsahan niyang sagot rito.
"Oh no..this is a second time but he said he's just a tired..he don't want to go see a doctor,"umiiyak na saad nito.
Tumango siya at tinuon ang atensyon sa wala pa ring malay na asawa nito. Muli niya pinakinggan ang heartbeat nito. Mahina pa rin iyun.
"His heart beat is still weak,Ma'am.."saad niya habang binubuksan niya ang makapala na jacket nito.Ginawa niya ang unang dapat na gawin upang bumalik sa normal ang pulso ng isang tao. Inilapat niya ang isang palad sa dibdib nito at tamang lakas at diin ang ginawa niyang pagpump sa dibdib nito.
Nakailang ulit siya bago bumalik sa normal na tibok ang puso ng wala pa rin malay na lalaki.
"Thank you so much!"pagpapasalamat ng babae sa kanya ng iassure niya na maayos na ito at hintayin na lamang ang ambulansya para maidala ito sa malapit na hospital to make sure na mas magiging mabuti ang kalagayan nito.
Napukaw siya ng may humaplos sa ulo niya at nalingunan niya si Zeil.
"You save his life..like an angel,"mangha nitong turan.
"It's my job,"tugon niya.
"With a good heart,"sabi nito.
Good ba siya?
Kanina yung ginawa niya sa babae na kumakausap rito. Good ba siya dun?
"Baka magkatuluyan na kayo niyan ha!"
Nahigit ata nìya ang hininga sa biglaan pagsabi niyun ni Zeid na malaki ang ngisi sa kanila.
Mabilis ang tibok ng puso niya na tumingin siya kay Zeil. Mataman ito nakatingin sa kanya na lalo lamang nagpabilis sa pagtibok ng puso niya.
Ang lalim na pagtitig nito sa kanya. His brown eyes telling something to her.
Yung ba sinabi ni Zeid na tila ba gusto nitong mangyari.
Oh no! Assuming na yan,Karla..kanina possessive ang peg ngayon naman assumera na ang peg!
Paano nga kung sila nga ang magkatuluyan?
Umaasa na naman siya...
BINABASA MO ANG
Paint my Love : Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)
WerewolfZeil Rostov,twin brother of Zeid Rostov. Magkapareho man ng pisikal na anyo malaki naman ang pagkakaiba ng kanilang ugali at hilig. Zeil love to paint na tila ito na ang kanyang buhay. He is so amazing painter. So Artistic. Tila buhay na buhay ang b...