Chapter 1

1.5K 97 3
                                    

Agad na napahinto sa paghakbang si Zeil papasok sa painting room na personal na pinagawa ng kanyang brother-in-law na si Harold na asawa ng kanyang Ate Valerie. Magkakasama sila sa iisang bahay na siya kahilingan ng kanilang Ate Valerie na manirahan kasama ito at ng kanyang kakambal na si Zeid sa siyudad kung saan malaya sila ni Zeid na makakahalubilo ang mga tao at mamuhay sa labas ng black forest.

Ngayon ay nasa kolehiyo na sila ni Zeid at siya ay nag-aaral sa Esferial University kung saan Dean roon ang Ate Valerie niya. Isa sa unibersidad na pag-aari ng isang prinsesa ng Mundong-Colai bukod sa probinsiya nga ay mayroon na rin sa siyudad kung saan nga doon siya nag-aaral kasama ang senior high school na si Karla. Ang pamangkin ng Kuya Harold nila.

"Gustong-gusto mo talaga binubwiset mga gamit ni Zeil rito,lakas din ng tupak mo sa ulo eh noh!"

Napukaw siya ng marinig ang sinabi ng kakambal niyang si Zeid. Kakarating lang niya mula sa unibersidad at heto na naman nagtatalo ulit ang dalawa.

Naunang umuwi sa kanya si Karla at mukhang si Zeid ang napakiusapan na sunduin ito.

Naghihintay ng resulta si Zeid sa magiging resulta ng entrance exam nito sa pinasukan nitong Academy.

Zeid wants to be a agent.

Kapag nakapasa ito siguradong magkakahiwalay sila at hindi magkikita ng matagal.

"Pake mo ba! Bakit ka ba laging kontra ng kontra sa trip ko ha?"mataray na tugon ni Karla sa kakambal niya.

Bago pa mga ito magkasigawan pumasok na siya sa loob ng painting room niya at hindi na siya nagulat pa ng makita ang isa sa sinisimulan niyang i-paint ay ginalaw ni Karla o mas sabihin pinakielaman nito. Napagtrip-an na naman nito galawin ang pinipinta niya. Hindi lamang ito ang unang beses na ginawa nito na pakielaman ang mga pinta niya. Noong lumipat sila ni Zeid at dito nga sa kwarto ito ay ginugugol niya ang sarili sa pagpipinta at dahil may kamalditahan ito wala itong pakielam na manggulo sa kanya na labis na kinaiinis ni Zeid at mapasahanggang ngayon nakaugalian na talaga ni Karla na makielam sa mga pinipinta niya.

Zeid can't believe that dahil pinapalampas lang niya.

Zeid don't like Karla,well,hindi naman sa punto na sinusumpa na nito ang dalaga. Naiinis,hindi..o mas madaling sabihin nagseselos ito sa huli dahil may pasensya siya sa dalaga na hindi matanggap ng kakambal.

Kapag kasi ginugulo siya ni Zeid. Nagagalit siya at hindi niya ito pinapansin na ayaw na ayaw ni Zeid na ganun siya rito kaya ngayon naiintindihan niya kung bakit inis ang kakambal sa dalaga.

Sabay na napalingon sa kanya ang dalawa ng makapasok siya sa loob.

Mabilis na nilapitan siya ni Zeid.

"Look! Pinakielaman na naman niya yung pinipinta mo,Zeil!"pagsusumbong sa kanya ni Zeid.

Zeid sometime being childish lalo na kapag gusto nito makuha ang simpatya niya.

Kalmante lang ang anyo na sinulyapan ang tinuturo ng kakambal niya. Nakahalukipkip at nakatikwas ang isang kilay ng dalaga habang nakatingin sa kanila ni Zeid.

Hindi pa niya natatapos ang pinipinta niya at mukhang hindi na niya magagawan iyun ng paraan para maayos pa.

"I just to try na mas maging dark pa yung kulay green kaya lang bigla kasi siya sumulpot at nagulat ako kaya natapon sa canvass yung pintura,"paliwanag nito sa mataray na tono. Masama ang tingin na tinapunan nito ang kakambal niya.

"Sabihin mo pakielamera ka lang talaga!"kontra ni Zeid rito.

Naningkit ang mga mata ng dalaga kay Zeid at hindi naman nagpatinag sa titigan ang kakambal.

Marahas siyang napabuga ng hangin. Ang ayaw sa lahat yung may nag-aaway sa harapan niya at hindi na siya nasanay sa dalawang ito.

"Okay. Itatapon ko na lang,"mahinahon niyang saad.

Marahas na napabaling sa kanya si Zeid.

"Kaya nasasanay yang batang na yan kasi hinahayaan mo,"patuyang sabi nito sa kanya.

Kalmante lang na bumaling siya kay Zeid.

Naiintindihan niya ang nararamdaman nito kaya ayos lang maging ganun ang tono nito sa kanya.

"Sinong bata? I'm not child anymore! Ilang buwan na lang debut ko na noh!"mataray na bulalas ni Karla.

"Yeah,right..isip bata pala,"sarcastic na tugon ni Zeid at bago pang makasagot ang dalaga mabilis ng nakalabas ng silid na iyun si Zeid.

"I hate you! I hate you,old man!"inis na inis na sigaw na pahabol ni Karla sa kakambal.

Muli siyang nagpakawala ng hangin at nilapitan ang painting na ginalaw nito.

Tahimik na inalis niya iyun sa kinapapatungan. Wala siyang choice kundi itapon na lamang iyun.

"Kasalan kasi ni Zeid.."

Napalingon siya ng magsalita ang dalaga sa mahinang tono.

Nakayuko ito at magkasalikop sa likuran nito ang mga kamay nito.

Pumihit siya paharap dito habang hawak ang painting na sinabuyan ng pintura.

"It's alright...uulitin ko na lang saka may iba akong naisip na ipinta kaya ayos lang,"mahinahon niyang tugon rito.

Napaangat ito ng mukha sa kanya. Ang mataray nitong mukha ay naging mukhang anghel na.

Her heart-shaped face na gustong-gusto niyang sana ipinta pero...alam niyang limitado iyun lalo pa at pamilya na niya ito.

Pero wala naman masama kung ipipinta mo di ba? Biglang pag-alingawngaw ng kanyang lobo.

"Talaga?"duda nito at unti-unti ng naniningkit ang mga mata nito sa kanya.

Tumango siya. "Yes,"agad na tugon niya.

Humalukipkip ito. Ang mukhang anghel na anyo nito ay muli nagbalik sa pagiging Dark Angel na naman,iyun ang tawag ni Zeid rito.

Naalala niya na sinabi ni Zeid. Paano naging mukhang anghel ang mukha nito na salungat sa ugali nito. Zeid called her Dark Angel.

"So,i don't need to say sorry ?"saad nito.

Nagkibit siya ng balikat. "It's up to you,"tugon niya.

"Tsk,since it's accidentally,so..i don't need to say sorry to you. Ang dapat mag-Sorry si Zeid panget,"anito sabay ismid nito.

Napailing na lang siya.

"Alright,"tugon na lamang niya.

Alam niyang hindi gagawin iyun ni Zeid.

Unfair naman kasi...kung alam lang niya..anang ng lobo niya.

Agad na iwinaksi niya ang iniisip ng lobo niya. "How's your study today?"pagtatanong niya rito.

Sumimangot ito. "Recitation! Saka may assignment kami. Mathematics! I hate it!"inis nitong turan.

Tumango-tango siya. "You want me to help you? Bago ako magreview,"offer niya rito.

Tumaas ang mata nito na tila pinag-iisipan pa.

"Okay,"anito sabay talikod at lumabas ng silid niya.

Napailing at napabuga siya ng hangin.

Ito lang ang magagawa niya para mapagbigyan niya ang sarili na magkalapit sila nito. Isang nakababatang kapatid ang pilit na pinaiiral niya na pagtrato niya rito.

Right..because She's off-limits!

Napapailing na tinitigan niya ang nasayang na painting na ginagawa niya.

Paint my Love :  Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon