Karla is still trembling. Pero mas nakakapagpahina sa kanya ay ang matapos na magkaharap at magkausap muli sila ni Zeil.
It's been 7 years!
Pitong taon na ang lumipas ng huli sila magkausap nito. Napakalaki na ng pinagbago ni Zeil.
He's look so matured now. Tila nga mas tumangkad pa ito. He's so look manly now lalo na stubbles nito pero...hindi lamang iyun ang nagbago rito. He's sound a strict now. So authorative. Dominant but yet..mysterous.
His eyes. Napakalalim na niyun kung tumitig.
Hindi na niya magawa na makipagtitigan rito ng matagal dahil pakiramdam niya mababasa nito ang nasa isip niya.
Marami nagbago rito.
Pero hindi nagbago ang nararamdaman mo sa kanya,gurl...
Napasinghap si Karla sa sinabi ng isip niya. Nang maalala ang huli pag-uusap nila kanina ni Zeil. Napakalamig ng tono nito..at hindi niya matanggap yun.
Nakakapikon!
Naiinis siya kay Zeil kung bakit...bakit nagpakita pa ito sa kanya!
Nag-init ang magkabilang sulok ng mga mata niya. Bakit kailangan mabuhay muli ang damdamin niya para rito ng ganun kabilis?!
Napukaw si Karla ng may kumatok sa pintuan at bumukas iyun. Agad na kinalmante niya ang sarili.
"Doktora!"paglapit sa kanya ng assistant niya.
Pinuno muna niya ng hangin ang dibdib saka kalmante na tinungo niya ang desk niya.
"Sino po yung tumulong sa inyo? Ang gwapo! Tapos kambal pa! Doktora,boyfriend niyo po yung hinila niyo kanina?!"untag nito sa kanya.
Mariin niya naipikit ang mga mata at marahas na bumuntong-hininga saka niya hinarap ang nang-uusisang assistant niya.
"Tsismosa mo,"mahinahon niyang sabi rito.
Napahiya naman ito at napangiwi na nagpiece sing ito sa kanya.
"Curious lang po..kasi kayo po pinag-uusapan ngayon ng lahat..yung gwapong lalaki,Doktora.."
Pinag-ekis niya ang mga braso sa harapan at tinaasan ito ng isang kilay. Hindi naman natinag ang assistant niya. Sanay na ito sa ganun gesture niya.
"Niligtas niya ang buhay ko kaya marapat lang na gamutin kaagad siya kaya hinila ko siya kaagad papunta rito ..boyfriend kaagad?"mataray niyang saad.
Nginisihan siya nito. "Nakita ko po kasi ang itsura niyo ng makita yung gwapong lalaki na nagligtas sa inyo. Sobrang alalang-alala po kayo sa kanya! Saka tinawag niyong,Zeil..tama ako sa pangalan di po ba? Kasi yung kamukha nung Zeil may tattoo na astigin,Zeid ang pangalan na tinawag niyo,"mahaba nitong wika.
Napabuga na lang siya ng hangin. Napakahusay talaga nitong assistant niya!
Kung alam lang nito ang nararamdaman niya ngayon baka mas lalo lang ito mang-usisa!
"Saka nakita ko po na dumating si Sir G---"naputol ang sasabihin nitong ng bigla na lang bumukas ang pintuan.
Kung hindi lamang sa mga tattoo nito agad na nakilala niyang si Zeid iyun.
He looks so rug and badboy.
Nakita niya na natulala naman ang assistant niya rito.
Nakataas ang kilay na hinarap niya si Zeid.
"Ah,may nakalimutan ako,"anito sabay dampot sa kulay itim na bag.
"It's nice to see you,again,Karla..kaso mukha hindi ka naman masaya na nakita mo kami ulit ni Zeil,"turan nito sa kanya.
"Excited pa naman si Zeil na magkausap ulit kayo,"dagdag nito na kinabilis ng puso niya sa sinabi nito.
Nginisihan siya nito. Ang ngisi nitong mapang-asar na pinakaaayaw niya rito.
"H-hindi ko alam na excited siya. Hindi halata,"anang niya sa mataray na tono.
"Excited yun,natorpe lang..i mean,baka nahiya lang. Alam mo na tagal na din kayo hindi nagkausap eh,"anito.
Mas bumilis ang tibok ng puso niya sa sinabi nito.
"Hindi na kita aabalahin. Ako na bahala sa nangyari kanina,"untag nito sa kanya.
"Ano ba ang trabaho mo ngayon? Tattoo artist? Hindi bagay sayo. Mukha kang nanggaling sa kulungan,"mabilis na saad niya bago ito tuluyan umalis.
Tumawa ito sa sinabi niya pero sinamaan niya ito ng tingin. Hindi naman talaga enteresado rito gusto lang niya may sabihin pa ito tungkol sa kakambal nito.
"Isa na kong agent ngayon and i can be a soldier if needed,Karla,"may pagmamalaki nitong sagot sabay ngisi sa kanya.
Inismiran niya ito pero kahit papaano naman masaya siya para rito dahil natupad na nito ang pangarap nito.
"I don't like your tattoos..it's look so kadiri,"maarte niyang saad na malakas nito kinatawa.
"Astig kaya tignan!"nakangisi nitong tugon.
Mas lalo niya ito sinimangutan.
"Si Zeil,marami na siyang exhibit na nasalihan at lagi ubos agad ang obra niya. Yung kinikita niyun napupunta sa Heart-Giving foundation,"saad nito na kinatigil niya.
Iyun ang foundation na sinusuportahan nila kung saan din doon siya palagi nagdadaos ng kaarawan niya.
Nakangisi si Zeid habang nakatitig sa kanya. "They miss you..."makahulugan nitong sabi. Pakiramdam niya may laman ang sinasabi nito.
Tumikhim siya. "I..i know,that foundation is getting bigger now,Uncle Harold told me,"usal niya.
Tumango-tango ito. "Yeah,Zeil is always go there on behalf of you,"anito na kinatigil niya.
"H-ha?"
"Every year of your birthday,"anito na kinamaang niya.
"Sige,baka naiinip na si Zeil sa kotse,see you around!"mabilis na paglabas nito sa opisina niya.
Tama ba ang narinig niya?
Tradition niya na icelebrate ang birthday niya taon-taon sa foundation iyun at sa 7 years na nanatili siya rito sa ibang bansa tanging pangangamusta na lamang ang nagagawa niya pero hindi niya alam yun. Hindi sinasabi ng Uncle Harold niya na dinadaos pa rin pala ang nakasanayan niya gawin sa pamamagitan ni Zeil.
That was so suprising.
Muli na naman tumibok ng ubod ng bilis ang puso niya na maisip ang ginagawa ni Zeil sa araw ng kaarawan niya.
Move on na,di ba?
Naipikit niya ng mariin ang mga mata. Yes,move on na siya pero...nakakainis kasi naman!
Bakit kailangan maramdaman niya ulit ang damdamin iyun.
Ayy marupok ka,gorl..
Nilingon niya ang assistant niya para madivert ang isip niya ng magsalubong kaagad ang mga kilay niya ng makitang tulala pa rin ang nurse.
"Joy?"malakas na tawag niya rito na agad naman natauhan.
Napakurap-kurap pa ito. "Dok?"
Nagtataka na kinunotan niya ito ng noo. "What happen to you? Bakit parang kanina ka pa tulala diyan?"
Tsk,oa ha,natulala ng makita lang si Zeid?
"Dok? Tulala po ba ko? Hindi ko po alam eh,nakikinig po ako sa sinasabi niyo,"nalilito nitong sagot na kinalito na niya.
Sumakit na tuloy ang ulo niya. Dumagdag pa itong assistant niyang hindi alam na natulala kay Zeid.
"Forget it,i want coffee,please,"mahinahon niyang utos.
"Yes,Doktora!"agad na talima nito.
Napasuklay tuloy siya sa buhok niya kasabay ng pagbuga ng hininga at namalayan na lamang niya na siya naman ngayon ang tulala sa kawalan.
BINABASA MO ANG
Paint my Love : Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)
Kurt AdamZeil Rostov,twin brother of Zeid Rostov. Magkapareho man ng pisikal na anyo malaki naman ang pagkakaiba ng kanilang ugali at hilig. Zeil love to paint na tila ito na ang kanyang buhay. He is so amazing painter. So Artistic. Tila buhay na buhay ang b...