Chapter 23

1K 95 13
                                    

Pigil-pigil ni Zeil na mapangiti habang hinihintay na bumitaw si Karla sa kinakapitan nito. Hinayaan niya ito makatayo mag-isa gaya ng kagustuhan nito pero kanina pa ito nakakapit roon at pinagtitinginan na sila ng mga naroroon pero balewala naman iyun sa dalaga.

"Sakin ka na kumapit. Akong bahala sayo,"untag niya rito.

Masama ang tingin nito sa kanya. "I can do it,Zeil..hindi na ko bata ,okay!"pagtataray nito sa kanya.

Napangiti siya sa pagtataray nito. Natigilan ito pero agad napalitan ng pagsama ng tingin sabay irap sa kanya.

Yan yung namiss mo sa kanya,Zeil! Alingawngaw ng lobo niya.

Sinubukan nitong bumitaw ng dahan-dahan at tinimbang ang sarili upang makatayo ng maayos.

Hindi pa man ito tuluyan nakakabitaw agad itong muli napakapit ng dumulas ito ng kaunti.

"Ohmygod! Kapag ako napilayan talaga,patay sakin ang Zeid na yun!"pabulong nitong sabi.

Zeil is so happy to see her like the way she is before. Sobrang namiss niya ang ganun atityud ng dalaga.

Lumapit siya rito at walang ano-ano kinuha niya ang braso nito at ang isa naman kamay niya ay gumapang sa kabilang balikat nito upang maalalayan ito sa pagtayo.

Nahigit nito ang hininga sa ginawa niyang iyun. Magpoprotesta sana ito ng dumulas ito at mabilis ito napakapit sa kanya.

"Huwag mo kong bibitawan! Kapag binitawan mo ko,patay ka sakin!"kabadong-kabado turan nito habang mahigpit na nakahawak sa isa niyang braso. Halos sumiksik na ito sa kanya.

Bakit bigla ata uminit...?

"Don't worry,hindi ko hahayaan na masaktan ka,pangako yan. Let me guide you,"masuyo niyang sabi sa dalaga.

Nag-angat ito ng tingin sa kanya at tila noon lang nito natanto ang ayos nila. Agad ito napatayo ng tuwid at dahil sa biglaan paggalaw muntikan na itong mabuwal patalikod kung hindi lamang siya naging mabilis sa paghaklit sa beywang ng dalaga at ilapat sa katawan niya ang katawan nito malamang bumagsak na ito paupo.

Hindi naman niya hahayaan na masaktan ito kahit na nababagabag na ang buo niyang sistema sa pagdidikit ng kanila mga katawan.

Isang malakas na singhap ang kumawala sa mga labi ng dalaga. Nanlalaki ang mga mata nito sa kabiglaan.

"Okay ka lang?"halos pabulong niyang sabi.

Wala naman malisya,Zeil..

Tila nanunuyo na nga ang lalamunan niya dahil sa kakaibang pakiramdam na umuusbong sa katawan niya.

May kung anong kakaibang sensasyon na unting-unti gumagapang sa bawat himaymay ng ugat niya.

Hindi tayo inosente..pero tama bang makaramdam tayo nito sa kanya?

Napahigpit ang yakap niya sa dalaga.

Ito ang unang beses na nayakap niya ang dalaga. Kailanman ay hindi sila naging ganito kalapit sa isa't-isa sa pisikal na aspeto.

Napakabilis ng tibok ng puso niya at ganun din sa dalaga.

This is for real,Zeil..pareho kayo ng nararamdaman ngayon?

"Z-zeil.."pagsambit nito sa pangalan niya. Naipikit niya ang mga mata at mas niyakap niya ang dalaga na muli nitong kinasinghap.

Gusto niyang namnamin ang malambot nitong katawan. Hindi niya alam kung mauulit pa na mayakap niya ito.

"Z-Zeil.."muli nito usal sa pangalan niya sa paraan na tila nahihirapan na itong huminga.

Baka sobrang higpit na ang yakap mo,Zeil..

Agad na natauhan siya. Hinawakan niya ito sa magkabilang braso upang maitayo niya ito ng maayos.

Nang magkalayo ang mga katawan nila. Nakayuko lang ang dalaga. Hindi ito makatingin sa kanya.

"Okay ka lang ba?"untag niya rito.

"O-okay lang ako,"mahina nitong sagot na hindi nag-aangat ng mukha sa kanya.

"Karla,"pagtawag niya sa pangalan nito.

Unti-unti nag-angat ito ng mukha sa kanya pero iwas ang mga mata nito sa kanya.

Is she blushing o...nilalamig lang siya? Ang pula ng pisngi niya,Zeil!

Nangingiti na ikinulong niya ang hugis-puso nitong mukha sa magkabilang palad niya na nababalutan ng makapal na gwantes. Mabilis itong napakapit sa magkabila niyang braso na tila ba takot na takot ito mabuwal at doon na nakadepende ang buhay nito.

Naningkit ang mga mata nito sa kanya.

"Namumula ka..are you cold?"naniniyak niyang tanong rito although may ideya na siya kung bakit ito namumula.

He feel it and hear it. Her heart. Napakabilis ng pagtibok niyun. Alam niyang hindi dahil yun sa takot..ramdam niya rito kung ano ang nararamdaman niya habang magkalapit sila sa isa't-isa.

"Malamang,malamig rito eh,"sagot nito.

She's lying..

Pigil niya na mapangisi. Tumango siya at pinatili na hawak niya ang mukha nito. Hindi rin naman ito nagpoprotesta na.

"Mawawala din ang lamig kapag nagskate ka na,"untag niya rito.

Napalunok ito. "A-alam ko..pero naninimbang pa ko eh,"saad nito na sa pagkakataon iyun ay hinayaan nito na makita niya na may kinatatakutan ito.

Masuyong ngiti ang pinukol niya rito na siyang kinatitig nito sa kanya.

"If you trust me..hold me..and i promise,i won't let you fall and get hurt hanggat nakahawak ka sakin hinding-hindi ka masasaktan,hindi ko hahayaan mangyari yun,"sinsero at masuyo niyang sabi rito.

Maya-maya pa ay tumango ito na nagdulot sa kanya ng saya.

Sa oras na kumapit na siya sayo wala ng kawala,Zeil...anang ng wolf niya na nakini-kinita niya na nakangisi sa kanya.

Inilahas niya ang isang kamay niya rito at bumaba roon ang mata nito at dahan-dahan inabot iyun ng dalaga. May ngiti sa mga labi niya na agad niya hinawakan ito ng mahigpit sa kamay at inalalayan ito.

Dumulas siya paatras at ang isa naman kamay niya ay inilahad niya rin at agad din iyun inabot ng dalaga. Magkaharap sila ng dalaga habang magkahawak-kamay.

"Hawak ka sakin ng mahigpit,love.."saad niya at bago ito makareak sa huling sinabi niya. Hinila niya ito habang paatras siyang gumagalaw.

Napatili ang dalaga ng bilisan niya ang pagpapadulas ng paatras.

"Zeil!!!"tili nito sa pangalan niya ng bitawan niya ang isang kamay nito at hilahin ito.

"Zeil!!!"tili muli nito na siyang kinatawa niya hindi kasi nito namamalayan na kaya na nitong bumalanse mag-isa.

"Uncle Harold! Tita Valerie!"tili nito dahil pasulong na ang sahig na gawa sa yelo kaya bumubilis na.

Hindi niya naman ito binitawan gaya ng pangako niya rito. Maya-maya pa ay natanto na nito na kaya na nitong magpadulas.

Nanlalaki ang mga mata na bumaling ito sa kanya.

"Kaya mo na?"

Awang ang mga labi nito na namamanghang napatingin sa paligid saka gumapang ang ngiti sa mapupula nitong mga labi.

Lumingon ito sa kanya na may ngiti sa mga labi.

Siya naman na tila naengkanto ng masilayan ang ngiti nito. Tila ba nahipnotismo siya ng  ngiti nito.

Magkahawak-kamay pa rin sila kahit na kaya na nitong mag-isa gumalaw at naienjoy na nitong magpadulas. She laughing now dahil enjoy na enjoy na ito.

Iyun ang eksena na hindi niya makakalimutan ang makita itong tumatawa at masayang-masaya habang hawak niya ang kamay nito na tila bang habang nasa piling niya ito ay nasa ganun anyo ang dalaga.

Masaya at may ngiti sa mga labi.

His love.

His beloved,karla. Ang babaeng nagbigay ng kulay sa mundo niya.

Paint my Love :  Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon