Chapter 27

988 93 15
                                    

Kung hindi lamang magiging makasarili siya nanaisin ni Zeil na makiusap kay Karla na huwag muna ito pumasok sa trabaho dahil mas gusto niya na magpahinga na muna ito kahit na tiyak naman na magaling na ang paa nito.

Mahina ka pala eh...tudyo ng wolf niya.

Agad na pinalis ni Zeil ang pagkayamot niya sa sinabi ng wolf niya.

"Kaya ko naman magdrive dahil okay na ang paa ko,"untag sa kanya ni Karla.

Agad na bumaling ang mga mata niya rito mula sa unahan. Nakataas ang isa nitong kilay na tila hindi nito nagustuhan ang nakita nito sa kanya.

Alright,mukhang napagmalian niya yung pagkayamot mo sa sinabi ko..

Shut up,wolf.

"I will be your driver today,Karla.."sabi niya rito.

"Paano ka mag-ienjoy habang nandito ka? Mabobored ka lang kung gagawin mo ito,"anito.

Nagkibit siya ng balikat. "Ikaw ang pinunta ko dito kaya hindi yun boring,"saad niya habang nasa unahan na ang atensyon niya.

Hindi man niya nakita ang naging reaksyon nito naulinigan naman niya ang pagkabog ng dibdib nito.

Tumikhim ito. "K-kahit na,"mahina nitong sabi.

Sinulyapan niya ang dalaga. "Pitong taon,Karla..ganun katagal na hindi tayo nagkaroon ng pagkakataon na magkasama...makapag-usap,"saad niya at mas lalo lamang lumakas ang kabog ng dibdib nito.

Natahimik ang dalaga at hinayaan na lamang niya na balutin sila ng katahimikan.

This is your chance..dapat sinusulit. Walang sinasayang na oras.

He sighed. Inabot niya ang nakakuyom nitong kamay na nasa ibabaw ng hita nito. Napasinghap ang dalaga sa ginawa niyang iyun.

Pinagsalikop niya ang mga daliri nila. "Nilalamig ang kamay ko,"aniya.

Ang matapang nitong anyo ay hindi makikita sa mga oras na yun.

Kung hindi lamang siya pamilyar sa pamumula ng magkabila pisngi nito malamang aakalain niya na dahil lamang yun sa lamig.

Karla is blushing now.

Alam niya yun. Sa dami ng babae na nagkakagusto sa kanya pamilyar na pamilyar na sa kanya iyun.

Hindi naman umimik ang dalaga at hinayaan lang nito hawakan niya ang kamay nito na may balot ng gwantes.

Hindi naman tayo tinatablan ng lamig pero kung mahahawakan mo naman siya. Chance mo nga naman..

Nanatiling hawak niya ang kamay nito hanggang sa makarating sila sa ospital na pinagtatrabuhan nito.

Pinagbuksan niya ito ng pintuan at mahinang thank you ang inusal nito na hindi tumitingin sa kanya.

Gumuhit ang isang ngiti sa mga labi niya habang pinagmamasdan ang dalaga na tahimik lang na tinatahak ang daan papasok sa hospital.

Umagapay siya sa paglalakad rito at nang marating nito ang private office nito saka lamang ito tumingin sa kanya .

"Salamat,Zeil.."

Nginitian niya ang dalaga. "Anything for you,Love...later,susunduin kita,okay?"aniya.

Alam niya tatanggi pa rin kaya inunahan na niya ito.

"Nasa akin ang susi mo..and aagahan ko ang pagpunta dito,"aniya sabay tago ng susi sa bulsa niya.

Napabuga na lamang ng hangin ang dalaga.

"Bahala ka na nga,"may pagtataray nitong turan.

Mabilis na dumukwang siya upang patakan ng halik ang noo nito na kinatigilan ng dalaga.

"Have a nice day..don't skip your lunch,okay?"habilin niya rito saka mabilis na iniwan na niya ito.

Magaan ang pakiramdam niya hanggang sa makalabas siya ng hospital at makasakay ng kotse.

Ano na ang next move niya?

He can hold her now na wala man lang ito protesta. So,ibig sabihin niyun..binibigyan siya nito ng karapatan na gawin niya iyun kahit walang permiso nito.

Someone is happy now!

Yeah, he is so very happy. Ang tagal niya hinintay ang pagkakataon na ito.

Hindi na muna niya iisipin kung ano ang mangyayari kapag tuluyan na nila naamin sa isa't-isa ang tunay na damdamin na mayroon sila para sa isa't-isa.

Nang mag-red light nahagip ng matatalas niyang mga mata na sa kabilang kalsada ang isang delivery truck na pagiwang-giwang.

Hindi maganda ang pakiramdam ko.

Hindi siya nagdalawang-isip pa na bumaba ng kotse kahit alam niyang magiging malaking gambala iyun sa mga sasakyan na nasa likuran niya.

Mabilis ang mga hakbang niya na tinungo ang lugar kung saan nakita niya ang paparating na delivery truck na wala sa tamang linya.

Ilang metro na lang ang layo ng matanaw niya na tatahakin nito ang isang coffee shop. Sa labas niyun may isang mag-anak na  naroroon.

Hindi talaga maganda ang susunod na mangyayari!

Hindi na niya hinintay pa na makarating pa doon ang sasakyan iyun kaya mabilis ang kilos na tinakbo niya iyun. Wala na sa kontrol ang nagmamaneho at dinig niya ang pagpapanik nito pati na rin ang nilalagpasan nito.

Do it now!

Huminto siya sa unahan ng truck at inilapat ang magkabilang palad sa unahan ng truck upang pigilan ito sa pagsulong.

May mga nagtitilian na at nagsisigawan sa pagkabigla..at nakakasaksi sa ginawa niyang pagpipigil sa truck.

"No brake! No brake! No brake!"nagpapanik na sabi ng nagmamaneho.

Napapaatras siya dahil hindi maipreno ng driver ang truck.

Come on!

Hindi na sana niya iisipin kung ano ang sasabihin ng mga makakasaksi sa gagawin niya para lamang maiiwas ang truck na tumama sa coffee shop na balak niyang buhatin ang truck sa kabilang kalsada kung wala tatamaan na kahit ano ng may bigla may isang bulto na tumabi sa kanya at tumulong na pigilan ang pagsulong ng truck.

Hindi na niya mabigyan pansin kung ano ang itsura ng lalaki na tumulong sa kanya. Nakasumbrero pa na itim ito.

Nagkakagulo ang lahat ng tuluyan ng huminto ang truck ilang hakbang ang layo mula sa coffee shop. Bago pa man dumumog ang mga tao mabilis ang kilos niya na umalis roon at ganun din ang lalaki na tumulong sa kanya.

Nasa unahan niya ito at nakasunod lamang siya rito. Nasa direksyon din iyun kung saan iniwan niya ang kotse ni Karla.

"Thank you for helping me,"untag niya rito na hindi sila tumitigil sa paglalakad palayo sa kinaroroonan ng truck na ngayon ay pinakakaguluhan na.

Nag-angat ng isang kamay ang lalaki na hindi lumilingon sa kanya pero agad na natigilan siya ng makilala ang sinenyas nito bilang tugon gamit ang kanan kamay nito.

Palagi iyun ginagawa ng kanilang ama. Iyun daw ang gesture bilang pagtugon sa kahit ano bilang isang panginoon.

That man with a black cup put his right hand and waving it slowly.

"Kuya Zayne..."usal niya sa kawalan habang tinatanaw ang mabilis na paglayo ng bulto nito.

Ang daya...bakit hindi man lang siya nabigyan ng pagkakataon na mayakap man lang ang Kuya Zayne niya.

Paint my Love :  Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon