Chapter 12

980 89 14
                                    

Malakas ang buhos ng ulan na sinuong ni Zeil ang kagubatan sa anyong lobo niya.

He's so frustrated and feeling in pain.

Masakit na marinig na galit sa kanya ang isang babae na pinahahalagahan mo..hindi lamang pinahahalagahan. Pinapangarap mo na makasamang habambuhay na walang kahit anong komplikadong sitwasyon pero alam niyang napakaimposible.

Ayos lang yan..may itinakda naman sa atin,Zeil.

Humihingal na tumindig ang lobo sa dulong bahagi ng bangin na siyang hangganan ng kagubatan iyun.

Malakas pa rin ang pagbuhos ng ulan. Hindi alintanan ang kulog at kidlat na sumasabay sa galit ng kalikasan.

Kailangan niyang ilabas ang napakasakit na pakiramdam na ito.

Sa gitna ng pagguhit ng kidlat ay ang pagpapakawala ng lobo na si Zeil ang nakakagambalang ingay na siyang sumabay sa ingay ng kapaligiran.

Kinabukasan,mabigat ang pakiramdam ni Zeil kung kaya hindi na niya nagawa pang bumangon ng maaga upang ipagpatuloy ang tinatapos na painting.

Hindi naman ako nagkakasakit pero ikaw,Zeil..kaya apektado ako..untag ng lobo niya.

Bago pa man makabangon si Zeil. Inatake na siya ng paghatsing kasunod ng pag-ubo. Agad na may kumatok sa pintuan niya at bumukas iyun.

"Zeil.."mahinang tawag sa kanya ni Zeid.

Nanghihina na bumangon siya sa kama at umupo sa gilid ng kama. Lumapit sa kanya ang kakambal at sinapo nito ang noo niya saka naman siya umubo at humatsing muli.

Napabuga ng hangin ang kakambal niya.

"Sasabihin ko kay Ate Valerie may sakit ka. Magpahinga ka lang dito,"may pag-aalala sabi ni Zeid.

"Salamat,Zeid.."paos ang boses niyang sabi.

Muli napabuga ng hangin ang kakambal.

"Bakit ka ba lumabas kagabi. Alam mong malakas ang ulan?"hindi na natiis nitong sermunan siya.

Hindi siya sumagot.

"Hindi ko alam pero may kakaiba akong nararamdaman sayo. Kambal tayo,Zeil. Konektado tayo sa isa't-isa. Alam mong mag-aalala ako para sayo,"seryoso nitong sabi.

Tiningala niya ang kakambal na matiim na nakatunghay sa kanya.

"Salamat,Zeid. Ayos lang naman ako. Matagal na din kasi mula ng hindi ako nakaligo sa ulan..kami,"pagdadahilan niya.

Mariin na tinitigan siya nito na tila duda ito sa sinabi niya. Hindi niya binali ang tingin sa mga mata nito dahil gusto niya ipasiguro dito na iyun lang ang dahilan niya. Na wala ito dapat ipag-alala.

Isang bagay na magkaiba sa inyo ni Zeid. Magaling kang magtago ng nararamdaman..

Muli ito napabuga ng hininga. Masasalamin sa kulay brown nitong mata ang pag-aalala.

"Pasaway ka talaga,"saad na lang nito saka nagpaalam upang sabihan ang Ate Valerie nila.

Hindi naman nagtagal ay pumasok ang mga ito sa silid niya. May bitbit na pagkain si Zeid at ang Ate Valerie naman niya ay isang tray na may laman na mainit na tsaa.

"Ayokong nagkakasakit na kahit sino sa inyo dalawa,Zeil.."may pag-aalalang untag ng Ate Valerie niya.

Sinapo nito ang noo niya at pisngi saka pinatakan ng halik ang noo niya.

"Kumain ka muna saka inumin mo itong tsaa,"anang nito.

Agad naman siya sumunod at todo naman alalay sa kanya ni Zeid na siyang gawain nito kapag nagkakasakit siya. Ganun din naman siya rito kapag may nararamdaman ito.

Paint my Love :  Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon