Hindi pa man nakakabawi sa pagkabigla si Gannie mula sa pagkakatilapon sa madilim na parte ng parking area ng may pumalibot naman braso sa leegan ng binata at tila bakal iyun na pumalibot sa kanya mula sa likuran ng binata.
"Hindi ka tumupad sa usapan!"puno ng panganib na saad ni Zeil ng makorner nila ito ni Zeid.
"Gusto mo ata ng match eh?"saad naman ni Zeid na nanatiling nakasakal ang brado nito kay Gannie.
"Teka nga! Tinatakot niyo ko dalawa ah! Hindi ito patas,mga anak ng dating panginoon!"bulalas nito ng makabawi ito sa pagkabigla.
Matalim ang mga mata ni Zeil na nakatitig kay Gannie. Hindi niya matanggap ang ginawa nito.
Simula pa lang binalaan na niya ito sa oras na gumawa ito ng ikakagalit niya pagsisihan nito iyun. Wala siyang pakielam kung kauri pa niya ito!
"Wrong moves ka kasi!"singhal ni Zeid rito.
"Magpapaliwanag ako,okay?!"turan nito.
Mariin pa rin nakakuyom ang mga palad niya. Wala siyang hinayaan na kahit sinong lalaki ang makalapit kay Karla para ligawan ito dahil agad niya iyun hinaharangan na lingid sa kaalaman ng dalaga.
Mula ng piliin nito na mag-aral sa lugar na ito agad na sinundan niya ito kahit malaking abala iyun sa pag-aaral niya. Walang nakakaalam sa ginagawa niyang iyun maliban kay Zeid na minsan na lang sila magkasama dahil sa pinili nitong propesyon. Sa tuwing magkakasama sila kasama niya nga ito kapag gusto niya makita si Karla. Pitong taon iyun ang ginagawa niya.
Binabantayan niya ito mula sa malayo. Si Gannie lang ang pinagkatiwalaan niya ng malaman niyang isa din itong lobo. Mahirap na nga sa kanya ang makita ang dalaga sa malayo na hindi man lang niya malapitan tapos susuwayin pa siya ng Gannie ito!
Napatiim-bagang siya. Nagpupuyos pa rin sa galit at selos ang kalooban niya sa nasaksihan.
"Kalma na tayo,okay?! Ngayon na nga lang ulit tayo nagkita-kita eh"pukaw sa kanya ni Gannie.
Binitawan na ito ng kakambal niya kaya naman nakahinga na ng maluwag si Zeid. Pinakiramdam naman siya nito dahil guilty ito sa ginawa nitong kapangahasan.
"Uh,sa loob na tayo mag-usap-usap?"untag nito sa kanya.
"Zeil,gutom na ko!"untag naman sa kanya ni Zeid.
Kinalma muna niya ang sarili bago siya tumango.
"Whew! Akala ko katapusan ko na!"bulalas ni Gannie.
"Raulo ka eh!"buska naman ni Zeid rito saka inakbayan ito habang nauna na ang mga ito sa kanya patungo sa pag-aari nitong restaurant.
Sa rooftop ng restaurant nito sila pumuwesto. Hindi na muna iyun pinaukopa sa mga costumer dahil kapag naroroon sila ni Zeid. Solong-solo nila iyun. Saka malaya nila mapag-uusapan ang dapat pag-usapan na walang nakakarinig ng iba kahit pa dayuhan pa ang mga kumakain roon.
Agad na pinaghain sila ng makakain pero ang Rose wine ang una niyang dinampot habang si Zeid naman abala na sa pagkain nito.
Rose wine na din ang kay Gannie. Magkatabi sila nito nakatayo at nakatanaw sa nagkikislapan ilaw mula sa mga sasakyan at gusali.
"Matagal ka ata hindi nakabisita dito?"simula nito tanong sa kanya.
"Dahil sa exhibit kaya hindi kaagad ako nakabalik dito,"agad na sagot niya.
Tumango ito saka bumaling sa kanya paharap. "Ano na plano mo?"
Hindi siya kaagad nasagot. Marami siyang plano pero hindi niya alam kung saan siya magsisimula.
Napapangunahan siya ng pangamba. Pangamba na baka tuluyan ng lumayo sa kanya si Karla sa oras na malaman nito ang pinaggagawa niya.
"Hindi naman habambuhay ganito lang kayo,Zeil.."pukaw sa kanya ni Gannie.
"Hindi madali sakin 'to,"saad niya.
"Lahat naman bagay o sitwasyon hindi madali eh..pero nasa atin pa rin ang paraan kung paano natin ito mapapadali,"komento nito. "Pitong taon na ang pinalipas mo,Zeil..ano? Ilang taon pa ba ang hihintayin mo bago ka magparamdam kay Karla?"dugtong nito.
Napainom siya sa inumin na hawak niya.
"Hindi sa nagrereklamo ako noh..kaso kapag pinatagal mo pa ito magagalit din siya sakin at ayoko mangyari yun,Zeil. Naging malapit na din sakin si Karla,"anito na kinasama niya ng tingin rito na agad naman nito nahalata.
"Don't worry...parang batang kapatid na ang turing ko sa kanya. Nakakatakot ka naman tumingin,"agad na paliwanag nito.
Marahas siya napabuga ng hangin. Masisisi ba niya ang sarili? Hindi siya malaya na iparamdam sa dalaga ang totoong nararamdaman niya para rito samantalang ito nagagawa nito na dapat siya lang!
"To be honest,Zeil..ang mga babae madali yan mapamahal sa kapwa nila. Paano na lang kung nahuhulog na pala ang loob ni Karla sakin? Eh di yare na?"
"Anong sinabi mo?!"singhal niya rito na kinatawa nito.
"Wait! Ang sinasabi ko lang yung posibleng mangyari,Zeil. Alam mo yan! Walang imposible sa mundong ito gaya ng napakaimposible na may mga tulad natin na nabubuhay rito. Ang punto ko lang kung patatagalin mo pa ito baka bigla magbiro ang tadhana at umibig siya sa ibang lalaki,"pagpapaliwanag nito.
Natigilan siya sa huling sinabi nito. Tila siya nanlamig.
Pero siya ang babaeng itinakda satin. Posible bang umibig pa siya sa iba?
Mariin niya naikuyom ang mga palad. "Wala siya damdamin para sakin,"maya-maya usal niya.
Hindi umimik si Gannie. Nakatitig lang ito sa kanya.
"Hindi niya ko gusto,"dagdag niya.
Ang mapait na katotohanan..
"Paano ka naman nakakasiguro? Hindi ka naman gumagawa ng paraan para mapaibig mo siya?"komento nito.
"Ayaw maniwala kasi ni Zeil sakin. Alam ko noon pa lang may nararamdaman na ko kakaiba sa dark Angel na yun magaling lang talaga magtago!"bigla pagsabad ni Zeid sa kanila.
"Talaga? Gaya ng ano?"kuryusong tanong ni Gannie rito.
Lumapit si Zeid sa kanila. Inakbayan siya nito.
"Sa amin dalawa ni Zeil..si Zeil ang genious pero...tanga pagdating sa feelings ng iba,"nakangising sabi ni Zeid sa kanya.
Tumawa naman si Gannie.
"Sabihin natin magaling ako kumilatis ng babae,although medyo bata pa tayo pero alam kong may gusto sayo si Karla,"anito sabay kindat sa kanya.
Seryosong tinitigan niya ito na may kaakibat na pagbabanta hindi ginagawang biro ang pinagdadaanan niya.
Nginisihan siya nitong muli.
"Sang-ayon ako sa sinabi ni Gannie,kambal..hindi mo malalaman kung hindi mo susubukan. Sorry pero sasabihin ko na napakaduwag mo,Zeil.."matapat nitong sabi.
"Sabihin natin na naduduwag ka sa maaaring maging reaksyon niya sa oras na malaman niya kung ano ka,"anang ni Gannie.
"Well,pag-ibig lang ang siyang makakatanggap sa tunay natin katauhan..kung tunay na may pagmamahal siya sayo madali na niya matatanggap ang pagiging lobo mo.."aniya ni Zeid.
"Tama. Gaya ng mga pinagdaanan ng mga magulang natin,"segunda ni Gannie.
Nabuhayan siya ng pag-asa sa kaalaman iyun pero...hindi talaga siya sigurado kung pareho ba sila ni Karla na may pagtingin sa isa't-isa.
O baka tama si Zeid na manhid talaga siya?
Baka Tinatanggi lang natin na meron talaga gaya ng magkasama pa kayo na may napupuna na tayo kakaiba sa kanya.
Yung pagbilis ng tibok ng puso niya kapag magkasama kayo?
Oras na siguro para magpakalalaki siya.
BINABASA MO ANG
Paint my Love : Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)
WerewolfZeil Rostov,twin brother of Zeid Rostov. Magkapareho man ng pisikal na anyo malaki naman ang pagkakaiba ng kanilang ugali at hilig. Zeil love to paint na tila ito na ang kanyang buhay. He is so amazing painter. So Artistic. Tila buhay na buhay ang b...