Simula

1.9K 123 11
                                    

Nabalot ng pag-aalala ang damdamin ni Zeil ng malaman ang nangyari sa kanyang Ate Valerie. Agad na nagtungo sila sa ospital na pag-aari ng kaibigan ng kanyang Ate Valerie at ng kanilang ama.

Kahit sa murang edad pa lamang siya o ng kanyang kakambal na si Zeid ay maihahanay sila na may mataas na IQ..bukod sa naiiba sila sa mga ordinaryong tao.

Ang uri nila bilang mga lobo. Ang taglay na talino nila ay kaakibat na ng pagiging lobo nila maliban sa matalas ang kanilang senses.

Naiiba man sila hindi sila sinanay ng kanilang mga magulang na iba sila sa mga tao.

Kailangan nila maging pantay at hindi abusuhin ang kanilang taglay na lakas o kakayahan sa mga tao.

Tahimik na pinagmamasdan niya ang kanyang Ate Valerie na mahimbing na natutulog. Nakapalibot rito ang kaniyang ina,ama at ang kakambal niyang si Zeid.

Bakas sa anyo ng mga ito ang pag-aalala para sa kanilang Ate Valerie. Lalo na ang kanilang mahal na ina na labis ang pag-aalala sa nangyari sa kanilang Ate Valerie. Hindi nito binibitawan ang kamay ng panganay na anak.

Agad na napukaw sila sa ilang katok na agad naman binuksan ng kanilang ama. Lumipat sa tabi niya ang kakambal na si Zeid. Tahimik ito sa kabila ng pagiging agresibo at makulit nito dahil kakambal niya ito ay alam niya at ramdam niya na nag-aalala ito sa kanilang Ate Valerie.

"Ang tagal gumising ni Ate Val,"usal nito. Nasa mukha nito ang lungkot at pag-aalala.

"Kailangan niya magpahinga ng mabuti,Zeid.."pag-aalo niya rito.

Napabuga ito ng hangin at hindi na umimik pa. Iyun ang gusto niya sa kakambal. Tumatahimik lang ito kapag nag-aalala o nalulungkot..na madalang mangyari.

Napabuga na din siya ng hininga. Napalingon siya ng maulinigan ang boses ng isang batang babae.

"Tita Val,miss na kita,"saad nito na mahihimigan ang lungkot sa boses nito.

Nasa likuran nito ang isang may edad na babae kaya hindi niya masyado makita ang mukha ng batang babae lalo pa at nahaharangan ng kanyang ina ang pwesto nito.

"Huwag ka mag-alala,hija..kailangan lang magpahinga ni Tita Valerie,"saad ng kanyang ina.

"Kapatid po ba kayo ni Tita Valerie?"

Napatingin sila ni Zeid sa isa't-isa ng marinig ang tanong na iyun mula sa batang babae.

"Ang ganda niyo po gaya ni Tita Valerie..ikaw po? Kuya kayo ni Tita Valerie?"

Hindi na nakatiis ang kakambal niya. Lumapit ito sa mga ito at siya nanatili naman sa kinauupuan.

"Ikaw siguro yung tinuturuan ni Ate Val noh?"pagsabad ng kakambal niya.

"Ako nga,ikaw? Kapatid ka niya? Sabi niya may kakambal siya kapatid. Nasaan ang kakambal mo?"sunod-sunod nitong tanong.

Agad na nilingon siya ni Zeid at tinuro siya nito.

"Ayun siya!"

Kuryuso na lumapit ang batang babae sa kinauupuan niya.

"Siya si Zeil,kakambal ko. Ako naman si  Zeid. Karla ang pangalan mo di ba?"si zeid.

Hindi nito nilingon ng batang babae na Karla ang pangalan.

Madalas ito ikwento sa kanila ng Ate Valerie niya.

She look like an angel. Hugis-puso ang mukha nito. May isang biloy sa kaliwang pisngi. Lumilitaw kapag nagsasalita ito.

"Magkamukha nga kayo,"saad nito habang titig na titig sa kanya.

Agad na umupo sa tabi niya si Zeid at inakbayan siya.

"Syempre kambal kami eh!"may pagmamalaking tugon ng kakambal niya rito.

Umismid ang batang babae at sumimangot.

"Pero tahimik siya. Ikaw hindi?"puna nito.

"Mukha lang pareho samin pero magkaiba kami ng ugali,"tugon ni Zeid.

"Halata naman eh,"may pagtataray nitong tugon kay Zeid.

"Hija,karla..maging friendly ka,kapatid sila ng Tita Valerie mo,"untag ng may edad na babae rito.

Nanlaki ang mga mata nito na may mahahabang pilikmata. Tila napahiya ito.

"Hindi ka friendly?"bigla pagtatanong ni Zeid rito.

Sumama ang tingin nito sa kanila.

"Hindi. May sakit ako kaya lagi ako nasa bahay,so..wala akong kaibigan,"anito na mahihimigan ang pagkadismaya.

"Eh di pwede mo kami maging friend!"

Tinitigan nito ang kakambal niya at maya-maya lumipat sa kanya ang tilang mapanuri nitong mga mata.

"Ayoko makipagkaibigan sa boys lalo na kung makulit,"deretsahan nitong sabi.

"Ganun? Ang boring naman nun!"komento ni Zeid.

"Hindi ako boring baka ikaw yun,batang makulit!"

Bumaling sa kanya si Karla sabay irap sa kanya at bumalik na ito sa kasama nito.

Nagkatinginan sila ni.Zeid sa isa't-isa.

"Hindi sinabi ni Ate Valerie na mataray at maldita ang Karla na kinukwento niya satin,"mahinang saad ni Zeid sa kanya.

Napabuga siya ng hangin sa sinabi ni Zeid at hinayon ng mga mata niya ang kinaroroonan ng batang babae.

Iyun nga din ang nakita niya sa pag-uugali nito pero wala naman siya pakielam sa bagay na yun dahil iyun ang taglay ng isang tulad nito.

Tahimik na lamang na pinakatitigan niya ang batang babae at hindi na pipansin pa ang pagkuha nito sa atensyon niya.

Paint my Love :  Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon