Wake up...wake up..
Nagmulat ng mga mata si Zeil ng paulit-ulit na ginigising ng wolf niya ang kanyang diwa. Agad na nasapo niya ang ulo ng makaramdam ng pagkahilo. Mariin niya naipikit ang mga mata sa biglaan pagbangon niya na nagdulot ng lalong pagkahilo.
Okay ka na? Kailangan na natin makaalis dito baka nag-aalala na siya satin!
Agad na nagmulat ng mga mata si Zeil. Sinuyod niya ng tingin ang buong paligid. Nasa isang kwarto niya. Mabilis na tinungo niya ang pintuan at nakahinga siya ng maluwag na hindi iyun nakalock.
Mabilis ang kilos niya.
Sana lang hindi na niya tayo mapigilan! Nanggigil ako sa ginawa niya satin!
Nasa salas na siya ng marinig ang boses ng dalaga.
"Saan ka pupunta?!"malakas nito sabi.
Bumaling siya sa kinaroroonan nito.
Nasa may mini-bar ito at may hawak na red wine.
"Aalis na ko..palalagpasin ko ang ginawa mo ito,Elsa..pero kapag pinigilan mo pa ko. Mapipilitan ako na saktan ka,"mariin at puno ng kalamigan na saad niya.
Tila naman hindi nabahala sa kanya ang dalaga.
Ako..hindi na ko makapagpigil hindi saktan ang baliw na yan!
Inubos nito ang hawak na wine at inilapag sa counter ang wala ng laman na wineglass saka walang emosyon ang mukha nito na bumaling sa kanya.
"Sa tingin mo papayag ako na iwan mo ako,"saad nito.
"Hindi mo ako pag-aari. At kilala mo kung sino ang nagmamay-ari sakin,"tugon niya rito.
Tumawa ang dalaga sa sinabi niya. "Hindi pa naman kayo kasal eh! Sakin ka na lang dahil sigurado naman na panghabam-buhay ang pagmamahal ko sayo. Iiwan ka din niya!"saad nito.
Wala emosyon na makikita sa mukha niya na tinitigan ang dalaga. Gusto niya ipakita rito na hindi siya nito makukuha.
"Isang kahibangan ang ginagawa mo ito,Elsa.."
Tumalim ang mga mata nito sa kanya. "Kahibangan? Masama bang magmahal? Ha?!"sigaw na nitong turan.
"Lahat kayo niloloko ako! Mahal kita,Zeil! Una pa lang kita nakita. Alam kong ikaw na ang lalaking gusto ko makasama habam-buhay!"pasigaw at desperada nitong sabi.
Humakbang ito pero agad na umatras siya upang hindi siya nito mahawakan na kinatigil nito.
Tumalim muli ang mga mata nito sa kanya.
"Hindi ka makakalabas sa bahay na ito dahil hindi mo gugustuhin na may masama mangyari sakin at alam ng mama ko na ikaw ang kasama ko ngayon,"pagbabanta nito.
Nagsisinungalin siya!
Nanatiling blanko ang mukha niya.
May kinuha ito sa likod ng suot nitong pantalon at makitang isang gloc 9 gun na baril iyun.
Baliw na talaga siya! Gawin mo na! Hipnotismuhin mo na yan ng makaalis na tayo rito!
"Mamili ka. Mananatili ka kasama ako dito o aalis ka pero..."saad nito sabay tutok ng hawak nitong baril sa sentido nito.
Damn her! Do it now!
"Magpapakamatay ako at ikaw ang pagbibintangan nila,"anito sabay guhit ng ngisi sa mga labi nito.
"Hindi lahat ng bagay nadadaan sa karahasan,Elsa..may pag-asa ka pang magbago at baguhin ang pananaw mo sa buhay. Hindi mo ba naiisip ang Mama mo?"
Come on,Zeil. Do it now!
Hindi mababago ng hipnotismo ang lahat. Limitado iyun.
Eh ano gagawin natin? Baliw na yan eh! Sigurado naman hindi mo sasaktan yan.
"Ikaw ba? Naiisip mo ba ko? Hindi ka ba nag-aalala sakin ngayon? Hindi ka ba natatakot na magpakamatay ako ngayon?"may pagmamakaawa na nitong sabi.
"Naaawa ako sayo,Elsa at sa iyong Mama.."aniya.
Tumawa ang dalaga. "Naaawa? Hindi ko kailangan ng awa mo! Kailangan ko ang mahalin mo din ako! Mahal na mahal kita,Zeil.."umiiyak na nitong sabi. Nanatili nakatutok sa sentido nito ang baril.
"May darating na para sayo,Elsa...hindi ako ang lalaking itinakda sayo,"usal niya.
"Ang sinasabi mo ba itinakda ka sa doktora yun?! Hindi! Sa akin ka itinakda! Sa akin ka nakatadhana!"sabi nito sa pagitan ng pagtawa at pag-iyak.
Darn. I'm tired of her.
"Hindi,Elsa...hindi ikaw ang nakatakda para sa akin,"seryoso niyang saad.
Tumawa ang dalaga habang lumuluha saka itinutok sa kanya ang baril nito.
"Sige. Kung hindi ka rin naman mapupunta sakin. Siguro sa kabilang buhay magkakasama tayo. Gusto mo yun? Ako,gusto ko yun! Atlis hindi niya tayo mahahadlangan roon!"nasisiraan na nitong sabi.
Naikuyom niya ang mga palad. Nanatili matiim na nakatitig sa luhaan mukha ng dalaga.
"Ano? Masaya yun di ba?"tumatawa nitong saad.
"Hindi kita kayang saktan,Elsa.."saad niya.
"Alam ko...kaya nga minahal kita eh,"anito.
Mariin siyang umiling. "Na hindi mo dapat maramdaman para sakin,"aniya.
"May magagawa ka ba dun?"
"Hindi tayo magkauri...at kailanman hindi mangyayari ang kagustuhan mo,"mariin niyang saad.
"Hindi makauri? So? Ano pala tayo? Bagay?"nakangisi nitong saad sabay tawa sa huli.
"Kailangan ko na umalis..hinihintay na niya ko,"aniya.
"Sige! Umalis ka! Magpapakamatay ako!"banta nito sabay tutok muli ng baril sa sentido niya.
"Magpapakamatay talaga ako!"
Isang masamang tingin ang pinukol niya rito.
Ginawa na niya ang lahat upang magbago ang isip nito..pero ubos na talaga ang pasensya niya.
"Masyadong matigas ang ulo mo.."
Bago pa man makareak ang dalaga. Malakas ito napasinghap sa nasaksihan nitong pagbabago niya.
Isang malaking nilalang na nasa harapan nito na kinalaki ng mga mata nito.
Nanantiya na tumitig ang malalaking mga mata ng lobo sa dalaga.
Shock na shock ito.
Bumagsak ang hawak na baril nito sa sahig. Putlang-putla ang dalaga at tila papanawan na ng malay.
Umangil ang lobo na kinasigaw ng dalaga.
"Halimaw!!!!!"
Ang sunod na nangyari ay nawalan ng malay ang dalaga. Kung hindi lamang siya naging maagap malamang tumama na sa sahig ang ulo ng dalaga.
"Zeil?"
Marahas siya napalingon sa may-ari ng boses na iyun.
Nanlaki ang mga mata niya at napaawang ang mga labi ng makita si Karla na nakatayo sa nakabukas na pintuan.
"Shit!!!!"
Napakurap-kurap siya ng mabilis na lumapit sa kanya si Gannie na sumulpot sa likuran ng dalaga.
Agad na binigay sa kanya ang suot nito jacket na mahaba na aabot sa sakong.
"She saw you,men..."usal ni Gannie sa kanya.
Nang sulyapan niya ito nanatili ito nakatayo sa pintuan at tulala.
Bigla na lamang ito nabuwal at agad naman niya ito nasalo at wala na ito malay sa bisig niya.
We're dead now...
BINABASA MO ANG
Paint my Love : Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)
LobisomemZeil Rostov,twin brother of Zeid Rostov. Magkapareho man ng pisikal na anyo malaki naman ang pagkakaiba ng kanilang ugali at hilig. Zeil love to paint na tila ito na ang kanyang buhay. He is so amazing painter. So Artistic. Tila buhay na buhay ang b...