Chapter 32

992 86 6
                                    

Kay Zeil lang siya nakaramdam ng salitang pangamba,pag-aalala at takot. Ang lalaki lang iyun ang nagdudulot sa kanya ng mga emosyon na yun sa kanya. Nasaktan din siya dahil din rito pero ang makitang may ibang babae na gusto makalapit rito. Ang dating Karla na manhid at sanay na na may mga kababaihan na umaaligid rito ay hindi na ngayon tulad noon. Tila umakyat ang dugo niya sa ulo ng makita niya si Zeil habang mahigpit na yakap-yakap ng babaeng pasyente niya.

Ilang araw na rin ang nakalipas mula ng mangyari ang eksena iyun at para hindi na magkaproblema pa nakiusap na lamang siya na palitan siya bilang doktor nito at napagbigyan naman siya para na rin sa katahimikan ng ospital. Hindi na rin siya nangangamba dahil nadischarged na rin ito isang araw na ang nakakalipas.

"Doktora! Okay na,pwede na kayo maaga umuwi,"pagsungaw ng ulo ng kanyang assistant nurse.

Agad na sinulyapan niya ang suot na relong-pambisig. Pasado alas tres pa lang ng hapon at naisipan niya na siya naman ang magluto ng hapunan nila na mula ng makasama niya si Zeil hindi na siya nakahawak pa ng kaldero at sandok kaya ngayon pinagbigyan na siya nito na siya naman ang magluluto para sa kanila dalawa.

Dadaan muna siya ng groceries stores. Agad na naghanda na siya upang mag-out na. Mabuti na lamang wala siyang masyado pasyente ngayon.

Palabas na siya ng ospital ng magring ang phone niya at makitang si Zeil ang tumatawag. Agad na sumikdo ang puso niya.

Kalma,Heart..si Zeil lang yan.

"Hello?"

"Sure ka na hindi na kita sasamahan magrocery?"

Agad na may gumuhit na ngiti sa mga labi niya sa sinabi ng binata.

"Zeil...di ako maliligaw dito,"aniya na sinamahan ng pagtataray.

May malalim na buntong-hininga ito pinakawalan bago ito sumagot. "Alright,basta tawagan mo ako kaagad kapag pauwi ka na,"may himig na pag-aalala nitong sabi.

May sinusupil na ngiti sa mga labi niya na napairap sa hangin. "Opo,Daddy.."sarkasmo niyang saad.

"Seryoso ako,Love.."puno ng kaseryosohan nitong sabi.

Nakagat niya ang pang-ibabang labi. "Okay na..pasakay na ko ng taxi,bye.."

"Mag-iingat ka.."

May ngiti sa mga labi niya ng matapos ang tawag at agad naman siya nakasakay ng taxi at nagpahatid sa grocery store.

Gusto niya ipagluto ito ng natutunan niyang putahe mula ng manatili siya sa lugar na ito.

Pagkamili niya agad na nagtungo siya sa waiting shed. Maaga pa kaya madalang pa lang ang tao sa paligid.

Bitbit ang mga pinili niya na matyagang naghintay ng masasakyan taxi hanggang sa may humintong kulay itim na kotse sa harapan niya. Hindi niya ito pinansin dahil baka may hinihintay lamang ito. Bumukas ang pintuan sa driver's side ng kotse at natigilan ng makilala kung sino ang bumaba roon.

Agad na tumaas ang isa niyang kilay ng lumapit ito sa kanya. Magaling na magaling na ito hindi gaya ng itsura nito na nasa ospital pa ito.

Maganda ang babae lalo na ngayon maayos ang pananamit nito na alam niyang branded. Base sa pananamit nito sigurado siya na isa ito sa mga kabataan na lagi sabay sa uso at kung ano pa man na trending.

"Magandang Hapon,doktora!"friendly nitong bati sa kanya ng makalapit ito sa  kanya.

Tinanguan niya ito.

"Uuwi ka na po?"

Hindi natinag ang mataray na hitsura niya sa pagtatanong nito. Alam niya may agenda ito sa pagtatanong nito.

Paint my Love :  Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon