Chapter 4

1.2K 97 3
                                    

Walang imik at panay ang irap sa kanya ni Karla habang nasa hapag-kainan sila. Nasa katapat lamang niya ito nakaupo at napupuna iyun ng Ate Valerie niya at ang kambal naman niyang si Zeid ay mapang-asar na nginingisihan ang dalaga na hindi naman makareak dahil naroroon ang Tito Harold nito.

"How's your school,Karla?"untag rito ng Tito Harold nito.

Pasimple muna ito umirap sa kanya saka bumaling ng tingin sa Tito nito.

Nakangiti ito na sumagot. "Ayos naman po,Tito.."

Tumango naman ito. "Your Debut is too soon,may plano ka na ba ?"

Bigla naexcite ang dalaga ng tanungin iyun ng Tito Harold nito.

"Akala ko po hindi niyo na ko tatanungin tungkol dyan eh!"

Natawa naman ang mag-asawa. "Pwede ba yun? That's your 18th birthday,Karla. Importante ang edad na yan sa isang babae,"anang ng Tito Harold nito.

"So? Anong balak mo? Big party? What's the concept?"sunod-sunod nitong tanong.

"Hmm,okay lang po ba Uncle kung gaya lang taunan birthday ko? Paparty ako sa Charity na sinusuportahan natin?"

Napatitig siya sa dalaga. Isa iyun sa hinangaan niya kay Karla. Kahit na may pagkamaldita ito may mabuting puso ito lalo na sa mga batang may sakit sa puso na siyang dating pinagdaanan nito.

Malaki ang pasasalamat nila kay Dra. Sana'a sa paggaling nito na pinaniwalaan naman ng dalaga na napagaling ito ng medisina.

That's a big secret na ito lamang ang hindi nakakaalam.

"Saka po..gusto ko po bisitahin si Manang Lita!"

"That's all? Anything you want para masettled na natin,"anang ng Tito Harold nito.

She's a little spoiled from her Uncle in a good way..lalo na kapag nakakagawa at nakakapagdesisyon ito ng mabuti.

Nag-isip muna ang dalaga.

Lahat sila ay nakatutok ang atensyon rito.

"Ayaw ng 18 roses?"untag ni Zeid.

Napabaling ang mata rito ni Karla.

"Do i need that?"mataray na tanong nito sa kambal niya.

Nagkibit ng balikat si Zeid. "That's a girl wish na maranasan ang ganun concept kapag debut na nila..18 candles,18 gift and 18 roses,"anang ni Zeid.

Humalukipkip ang dalaga rito. "No need. Saka ayaw kita makasayaw,"anito sabay tirik ng mga mata.

Agad na inabot niya ang isang basong tubig upang ikubli ang nagbabantang ngiti sa sinabi ng dalaga.

Natawa naman ang Ate Valerie niya.

"Karla,"mahinahon na saway ng Kuya Harold niya rito.

Napanguso ang dalaga at tumahimik na lamang.

"Nagsasuggest lang eh,"pabulong na sabi ni Zeid.

Napailing na lamang siya.

"That's all?"untag ni Kuya Harold sa dalaga.

"Yes,Uncle!"

"Alright. Ipapasettled ko kaagad,"anang ni Kuya Harold.

"Thank you po!"

Iniirapan pa rin siya ni Karla hanggang sa oras na pahinga na nila. He went outside para magpahangin. Isang linggo din naging abala ang isip niya dahil sa final exam nila pero kung tutuusin perfect niya ang lahat ng exam kaso kailangan niya maging fair sa karaniwang istudyante at gusto din naman niyang maranasan kung paano magsunog ng kilay,ika nga na kasabihan sa mga istudyante.

May naisip ka na bang regalo para sa kanya? Pagtatanong ng wolf niya.

Taon-taon na kaarawan ni Karla ay isang simpleng regalo lang ang binibigay niya rito. Iyun ay walang iba kundi isang libro na makakatulong rito sa pag-aaral at hindi niya alam kung binabasa ba nito o hindi. Hindi niya tatangkain pa na itanong rito at baka..madismaya lamang siya.

Eh kung baguhin mo na ngayon tutal naman debut niya yun!

Umihip ang malamig na panggabi-hangin at nagulo niyun ang ang papahaba ng buhok niya na alon-alon dahil patapos na din naman ang taon hinayaan na niya humaba iyun hindi gaya ng kay Zeid. Clean cut lagi ito.

Sinuklay ng mga daliri niya ang buhok na banayad na tinatangay ng hangin.

Eh kung ipainting mo siya?

Agad  siya natigilan. Iyun ang bagay na iniiwasan niyang gawin. Napakahalaga sa kanya ng pinipinta niya dahil isa lamang ang ibig niyun sabihin. Buong puso at isip ang binibigay niya sa bawat hagod ng pain brush niya. Kung ipipinta niya ang dalaga. Malalaman agad ng pamilya niya ang tunay na damdamin niya para rito.

Napabuga siya ng hangin.

Isekreto mo na lang ibigay sa kanya!

Napaisip siya sa sinabi ng wolf niya.

Alam natin pareho na kahit hindi sabihin ni Karla...gusto niya na magkaroon ng painting na siya ang subject!

Totoo yun. Salamat sa matalas na senses nila mga lobo. Namamangha nga siya dahil hindi nagsasabi ang dalaga sa kagustuhan nitong iyun na ipinta niya ito.

May munting ngiti ang sumilay sa mga labi niya na siyang dinatnan ni Zeid.

"Kung hindi ka lang magagalit sakin gusto ko talaga malaman kung sino nagpapangiti sayo eh,"turan ni Zeid sa kanya.

"Bakit gising ka pa?"hindi pagpansin sa sinabi nito.

Napabuga naman ng hininga ang kakambal.

"Hindi pa ko inaantok eh. Magpapaantok sana ako sa kakahuyan,sama ka?"

Agad na tumango siya. Baka makatulong iyun para sa huling desisyon niya kung ipipinta ba niya ang dalaga o hindi.

"Paalam lang ako kay Ate Val.."anang ni Zeid na mabilis na pumasok sa kabahayan.

Napagawi siya sa balkonahe kung saan ang silid iyun ng dalaga. Agad na tumalikod sa kanya ang dalaga ng mapabaling siya rito.

Mawawala tampo niyan satin kapag nakita niya ang ireregalo mo!

"Unahan tayo!"pagsulpot ni Zeid.

Mabilis naman siya sumunod sa kakambal niya. Malaya nilang gawin ang kakayahan nila bilang lobo sa mga oras na iyun na wala sinuman na makakakita. Sa kakahuyan kung saan hindi naman kalayuan sa tinitirhan nila ay doon malaya nila nagagawa ni Zeid na magpalit sa anyong lobi nila.

Hindi nagtagal. Kasingbilis ng hangin na sinisikot-sikot nila ni Zeid ang kakahuyan sa anyong lobo nila na tanging ang buwan at mga bituin lamang ang saksi sa kanilang kakaibang anyong iyun.

Mapanabay na narating nila ang mataas na bangin.

Gaya ng kulay ng kanilang mga mata. Kulay brown din ang kulay ng kanilang balahibong lobo. Ang pinagkaiba lamang nila ni Zeid ay ang kulay gintong marka sa kanila.

Isang hugis gintong cresent ang marka ng kay Zeid sa bahaging noo nito samantala naman sa kanya ay hugis bituin na ginto rin na nasa may noo din.

Ayon sa kanilang ama. Ang marka iyun ang marka na pagiging dating panginoon ng kanilang ama na siyang dumadaloy sa kanilang dugo. Ang bituin at cresent na siyang makikitaa rin sa mundong-Colai.

Paint my Love :  Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon