Karla can't sleep.
Kanina pa din niya pinakikiramdaman kung nakauwi na si Zeil na kasama nito ang kakambal na si Zeid at naiinis na naiirita siya dahil hindi niya alam kung saan nagpupunta ang mga ito kapag magkasama na aalis sa gabi!
Pwede naman tanungin..simplehan lang.
Untag ng isip niya.Umismid siya sa sinabi ng isip niya. Baka ano pa isipin niyun sa kanya. Lalo na si Zeid na malakas mang-asar sa kanya. Hindi na talaga sila magkakabati ng lalaking yun.
Masama na nga ang loob niya na hindi niya ito pinapansin mula ng makauwi sila mula sa eskwelahan.
Tsk.
Nang hindi na siya makatiis. Lumabas siya ng silid niya at tinungo ang silid ni Zeil na nasa katapat lang ng kwarto niya at sa kaliwang pintuan naman ay kay Zeid.
Sandali lang siya sa loob.
Maingat na pinihit niya anh doorknob ng kwarto ni Zeil at luminga muna bago siya tuluyan na pumasok sa loob. Maingat din niya sinara ang pintuan at agad na binalot siya ng pamilyar na amoy ni Zeil.
Kinapa niya ang switch ng ilaw sa kaliwang bahagi ng pintuan at ng makapa iyun agad na binuhay niya anh ilaw. Mabilis na bumaha ang liwanag sa buong silid ni Zeil.
Hindi ito ang unang beses na pumasok siya sa silid ni Zeil na hindi nito nalalaman.
Wala pa rin nagbabago sa ayos ng silid nito na isa sa gusto niya kay Zeil. Ang pagiging organisado nito. Nasa ayos lahat ng mga libro nito sa pag-aaral na nakapatong sa study table nito. Ultimo mga ballpen at marker nito ay maayos na nakahilera sa mesa.
Napangiti siya ng makita ang mga iyun. Gold ang kulay ng mga iyun na walang duda na iyun ang paborito nitong kulay.
Maingat na dumaan ang hintuturo niya sa mga nakahilerang ballpen at marker.
Natigil ang mga mata niya sa mga papel na may iba't-ibang kulay. Naningkit ang mga mata niya. Hindi na niya kailangan hulaan kung ano ang mga papel na yun.
Lukot ang ilong na dinampot niya ang mga iyun at inisa-isa ng pasada ng tingin.
"Tsk,parang mga bata..baduy,"komento niya habang binabasa ang mga love letter na para kay Zeil mula sa mga admirer nito.
"Pare-pareho lang naman ng sinasabi,ano? Binabasa pa niya mga 'to?"kausap niya sa sarili habang binubuklat ang mga papel na iisa lang naman ang sinasabi.
Kesyo,crush na crush kita. I like you,Zeil. Sana maging friends tayo someday.
Napatirik ang mga mata niya sa mga baduy na confession ng mga babaeng walang inatupad kundi pag-aksayahin ng oras ang ganitong bagay kaysa mag-aral.
"Kasi hindi naman kayo papatulan ni Zeil. Nagsasayang lang kayo ng tinta,"bulalas niya at tinigilan na ang pagbabasa sa mga iyun.
Ibabalik na sana niya iyun muli sa ibabaw ng mesa ng may kapilyahan na naman siya naisip. Napangisi siya ng mahagilap ang trash bin na nasa may gilid lang ng mesa.
Agad na tinapon niya ang mga papel roon.
"Itatapon rin naman niya yun,"aniya.
Hindi na naisip kung magtaka man ang binata kunģ bakit iyun nawala sa mesa nito.
Hindi naman importante yun sa kanya eh.
Taas-noo na lumabas na siya ng silid ni Zeil. Mahirap na baka maabutan pa siya roon ng binata.
Pagkabukas niya ng pintuan nanlaki ang mga mata niya ng marinig ang boses ni Zeid.
Oh no,bilisan mo!
Mabilis ang tibok ng puso niya na sinara ang pintuan pero hindi pa man siya nakakalapit sa pintuan ng silid niya nakita na siya ng magkambal.
Kaysa pagdudahan. Kinalma niya ang sarili at umakto na kakalabas lang niya ng silid niya.
"Bakit gising ka pa?"sita agad sa kanya ni Zeid.
Tinaasan niya ito ng isang kilay at humalukipkip rito.
"Pake mo ba? Nauuhaw ako eh,"mataray niyang sagot rito.
Kinunutan siya nito ng noo. "Tsk,paano kang lalaki niyan late ka na natutulog,"saad nito na puno ng pang-aasar.
Bago pa man siya makasagot dito mabilis na nabuksan nito ang pintuan ng silid nito. Mapang-asar na nginisihan siya nito na lalong kinainis niya rito.
"Ako na kukuha ng tubig,wag ka na bumaba..madilim na sa baba,"untag sa kanya ni Zeil.
Agad na napabaling siya rito. Ang inis niya kay Zeid ay napalitan ng pagkabagot.
Sinimangutan niya ito. "Magkambal nga kayo ng panget na yun. Hindi na ko batang paslit,okay?"
"Alam ko yun. Alam kong hirap ka makakilos sa madilim kaya ako na kukuha ng tubig mo,"giit nito.
"Bubuksan ko na lang mga ilaw,"mababa ang tono na sabi niya pagkaraan at ilag ang mga mata niya rito.
Matiim kasi ito nakatingin sa kanya.
Pumintig ang puso niya ng maramdaman ang paglapit nito sa kanya.
Kalma ka lang,Karla!
Napasinghap siya ng haplusin nito ang ibabaw ng ulo niya at humagod iyun sa buhok niya.
Napaangat siya ng tingin rito. Matangkad si Zeil kaya nakatingala siya rito.
Agad na nagtama ang mga mata nila. Ang mga mata nito ang pinakagusto niya rito.
Hindi niya alam kung bakit gustong-gusto niya ang mga mata nito na kulay brown. Kung tutuusin parang napakamisteryoso ng mga matang iyun.
"Ayoko lang mapano ka sa baba. Kaya ako na kukuha ng tubig para sayo,okay?"masuyo nitong sabi.
Napalunok tuloy siya. Tuluyan na talaga siyang nauhaw sa sobrang intense ng pagtitig nito sa kanya.
Kanina na inis at bagot na nararamdaman niya ay nawala sa bawat paghagod ng palad nito sa buhok niya.
Lagi nito iyun ginagawa sa kanya na tila ba nakasanayan na nito iyun gawin.
"Galit ka pa ba sakin?"bigla nitong tanong.
Napahugot siya ng hininga.
Magagalit? Naiinis lang naman siya.
Sa...sitwasyon.
Umiling siya bilang tugon.
"Okay. Pumasok ka na sa kwarto mo,kakatok na lang ako,"anito.
Muli siyang tumango bilang tugon.
His magic caress makes her good girl.
Iyun ang bagay na paniguradong hahanap-hanapin niya.
Itutuloy mo ba talaga ang plano mo?
May isa siyang bagay na gustong ihiling sa kanyang Uncle Harold.
Nakapagdesisyon siya na gawin iyun para sa sarili niya...para sa puso niya.
BINABASA MO ANG
Paint my Love : Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)
LobisomemZeil Rostov,twin brother of Zeid Rostov. Magkapareho man ng pisikal na anyo malaki naman ang pagkakaiba ng kanilang ugali at hilig. Zeil love to paint na tila ito na ang kanyang buhay. He is so amazing painter. So Artistic. Tila buhay na buhay ang b...