Come on ..baka pauwi na rin siya..pero hindi maganda ang pakiramdam ko..
Pilit na kinakalma ni Zeil ang sarili sa kabila ng nararamdaman ng kanyang wolf. Malakas ang instinct nila at sana walang masama nangyari sa dalaga. Kanina pa niya hinihintay na dumating ang dalaga ngunit iniisip niya na baka nahirapan ito sumakay ng Taxi o di naman kaya marami ito nakasabayan na mamili sa store.
Pero..hindi talaga maganda ang nararamdaman ko!
Napakuyom ng mga palad si Zeil. Kinuha niya ang celpon at tinawagan ang dalaga. Ilang beses pa nagring ang kabilang linya bago nito nasagot ang tawag niya at agad na nakahinga ng maluwag si Zeil.
"Hey,Love...pauwi ka na ba?"bungad agad niya saka lumabas ng bahay upang tanawin kung may paparating na sasakyan.
Matagal bago may sumagot sa kabilang linya. Nagsisimula na naman kabahan at mag-aalala si Zeil.
"Zeil..."
Agad na nangunot ang noo ni Zeil kasabay ng pagsingkit ng mga mata niya. Kilala niya ang may-ari ng boses na yun.
"Bakit mo hawak ang telepono ni Karla?"matigas at malamig niyang sagot.
"Pwede ba tayo magkita?"malambing nitong sabi na lalo kinasingkit ng mga mata niya dahil binalewala nito ang tanong niya.
Napahigpit ang hawak niya sa aparato na nakalapat sa tainga niya kung nasa harapan lamang niya ang babae malamang nakita na nito kung gaano siya kagalit rito.
"Nasaan si Karla?"
Malambing na tumawa ang babae. "Natutulog pa siya eh,"anito na may talim sa tono nito.
She's crazy!
"Anong ginawa mo sa kanya?"mariin niyang sabi.
"Hmmm...wala naman pinatulog ko lang naman siya pero huwag ka mag-aalala hindi naman siya nasaktan. Pwede ba tayo magkita habang tulog pa siya?"malambing nitong sabi.
Napatiim-bagang si Zeil sa inaasal ng pobreng babae.
Baliw nga ang babae yun! Kapag may nangyari masama kay Karla. I swear hindi mo ako mapipigilan sakmalin ang babae yun!
Kung sa ibang pagkakataon lamang na hindi siya nag-aalala at natatakot ngayon baka nagselos na siya sa wolf niya..pero alam niyang iisa lang sila nararamdaman ng wolf niya.
He's crazy,too but in a good way!
Kinalma muna niya ang sarili bago niya tinugon ang babae sa kabilang linya.
"Don't you dare to hurt her,Miss..i swear hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sayo,"banta niya sa babae.
"Elsa,my name is ELsa! Call my name first,please?"tugon nito.
Pinuno muna niya ng hangin ang dibdib at napipilitan na sinunod ito.
"Elsa, "usal niya at bigla tumili ang babae sa kabilang linya.
"Ang sarap naman pakinggan ng name ko from you,"maarte nitong sabi.
"Saan ko kayo pupuntahan?"pagbabalewala niya sa sinabi nito.
"Ititext ko sayo ang address..and please bring me a chocolate and flower,"anito sabay patay ng tawag niya.
She's really a crazy!
Nagvibrate ang phone niya. Ang address na kinaroroonan nito ang pinadala mensahe pero muli nagvibrate ang phone niya. May pinadala muli itong mensahe.
Kapag hindi mo ko dinalhan ng chocolate and flowers hindi mo makikita si Doktora..I'm serious,my honey. Kiss!
Napahigpit ang hawak niya sa phone at namumuo na ang galit sa dibdib niya para rito.
Hindi siya pinalaki ng kanyang ina at ama na manakit ng tao lalong-lalo na kung isang babae pero...hindi siya magdadalawang-isip na gawin yun kapag kinakailangan.
Mapatawad sana siya ng kanyang magulang sa gagawin niya kapag nangyari yun. Hindi niya hahayaan na may taong manakit kay Karla.
Wala..kahit na sino pa. Handa siya maging bayolente at pumatay para sa kaligtasan ng babaeng kaytagal na niyang inaasam na makasama.
Bitbit ang isang bouquet na iba't-ibang uri ng mga bulaklak at isang hugis na parisukat na tsokolate na bumaba siya sa kotse ng marating niya ang sinabing address na pinadala nito.
Hindi pa man siya nakakalapit sa malaking gate ay bumukas na iyun. Ang nakangiti ng ubod ng tamis na si Elsa ang nagbukas niyun.
"Aww! So sweet!"tuwang-tuwa nito sabi na sinabayan pa ng paglundag.
Nanatili siya matigas ang anyo at nakatayo lang. Lumapit ang dalaga at yumakap sa braso niya.
"Sa wakas masosolo na kita!"malambing nitong sabi habang nakatingala sa kanya. Nanatili nasa unahan ang tingin niya.
"Come on! Baka lumamig na yung pinaluto kong dinner natin!"anito sabay hila sa kanya.
Walang emosyon na nagpatianod siya sa dalaga.
"Tada! Nagustuhan mo ba ang set-up?! Ako ang gumawa ng lahat na ito!"
Nanatiling blanko ang anyo niya pero nanatiling masaya ang babae.
"Nasaan si Karla?"
Agad na natigilan ang babae. Nagkibit ito ng balikat. "Baka pauwi na siya. Nang magising siya kanina agad na hinayaan ko na siya umuwi,"anito.
Naningkit ang mga mata niya. Pinaglalaruan siya ng dalaga.
"Promise! Pinauwi ko na siya. Hindi naman ako masamang tao eh. Gusto ko lang naman na makasama ka saka nagawa ko lang naman patulugin siya kasi ayaw niya pumayag na makasama ka eh.."anito sa maliit na boses na tilang bata ang asta.
Marahas siya bumuga ng hangin. "Hindi tama ang ginagawa mo,Elsa. Nakakasakit ka ng iba para masunod lang ang gusto mo,"aniya.
Biglang tumalim ang mga mata nito sa kanya nawala ang masiyahin anyo nito.
"Hindi ko naman siya sinaktan eh! Gusto lang naman kita makasama may masama ba dun?!"galit nito sigaw sa kanya.
Napailing siya saka tinalikuran ito. Mas mainam na lumayo na siya rito bago pa may magawa siya rito pinipigilan lamang na pagiging babae nito na sumabog siya sa galit.
Bago pa man siya makarating ng pintuan agad na yumakap ito sa kanya.
"Hindi pa tayo nagdi-Date! Huwag mo akong iiwan!"emosyunal nitong sabi.
"Pakiusap,Elsa..ayaw ko makasakit lalo na sa isang babae. Let me go now,"malamig niyang sabi sa huling salita.
"Lahat na lang kayo mga lalaki. Iniiwan ako! Pero hindi na ko papayag ngayon na ako lang ang masaktan dapat kayo din mga lalaki. Dapat maranasan niyo rin masaktan at iwan ng taong pinakamamahal niyo!"mariin nitong sabi.
Sino ang makakaisip sa susunod na gagawin ng isang babae na may kakaibang isip.
May kung ano na bumaon sa braso niya at ng sulyapan niya iyun ay may hawak itong injection.
She's crazy!
Bago pa man kumawala ang wolf niya ay nagdilim na ang paningin niya.
Sana lamang ay ligtas na makauwi ang babae pinakamamahal niya.
BINABASA MO ANG
Paint my Love : Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)
WerewolfZeil Rostov,twin brother of Zeid Rostov. Magkapareho man ng pisikal na anyo malaki naman ang pagkakaiba ng kanilang ugali at hilig. Zeil love to paint na tila ito na ang kanyang buhay. He is so amazing painter. So Artistic. Tila buhay na buhay ang b...