Chapter 8

1K 90 5
                                    

Malinaw na malinaw ang narinig niya sa mga sinabi ni Karla sa Uncle Harold nito.

She want to be independent.

Isa lamang ang ibig sabihin niyun. Gusto nito magsarili. Tumira sa isang bahay ng mag-isa.

At hindi niya nagustuhan iyun.

Pero wala naman tayo magagawa kung iyun ang gusto niya..untag ng wolf niya.

Naikuyom niya ang mga palad. Nakatayo pa rin siya sa tapat ng pintuan ng silid ng dalaga.

Nag-alala siya kanina ng sabihin ni Zeid na umiiyak raw si Karla. Marahil dahil hindi nito mabuksan ang pintuan ng painting room niya.

Nilock na niya iyun dahil ayaw niya makita nito ang isang bagay na gusto niya ibigay rito kaya kinailangan niya iyun gawin.

Ipaliwanag mo na lang kapag nagkausap kayo..

Dehado siya dun. Siguradong hindi na naman siya nito papansinin.

Agad na umatras siya ng maramdaman ang paglapit ng mga yabag sa pintuan.

Bumukas iyun at si Kuya Harold niya ang bumungad.

"Zeil,"bati nito sa kanya.

Nasa likuran nito si Karla.

Nakahalukipkip at walang emosyon ang mukha nito pero kitang-kita ang pamumugto ng mga mata nito.

Umiyak nga siya!

"Pinasunod ako ni Ate Valerie,Kuya.."untag niya.

Ngumiti si Kuya Harold sa kanya. Inakbayan nito ang pamangkin at tila bang hangin lang siya na hindi nito pinansin.

Napabuga na lamang siya ng hangin sa inakto nito.

Nilock mo kasi eh..

Para din naman sa kanya yun.

Laglag ang balikat na sumunod na siya sa mga ito.

Hindi pa man sumisikat ang araw. Sinimulan na niya ang pagpinta. Isang larawan ni Karla na palihim niyang kinuhanan.

Dinampot niya ang isang pocket size picture. That's a stolen shot.

Kuha iyun sa isang private resort noong mag-outing silang lahat.

Nakatayo si Karla sa may dalampasigan habang nakatanaw sa papalubog na araw. Bahagyang tinatangay ng hangin ang mahaba nitong buhok at ang laylayan ng suot nitong kulay puting bestida.

She's look like a angel habang napapanglawan ng pangdapit-hapon na araw ang kabuoan nito.

Isang kahangang-hanga larawan iyun para sa kanya.

Iyun ang napili niyang ipinta. Walang nakakaalam na may kuha siya nito ng larawan.

Gusto niya maging perpekto ang pagpinta niya sa dalaga.

Nasa dulo pa lang siya ng hagdanan narinig na niya ang boses ni Karla. Weekend ngayon kaya kumpleto sila ng araw na iyun.

"Talaga,Uncle?! Ngayon mo ako sasamahan maghanap ng condo na lilipatan ko?"puno ng pananabik na sabi nito.

"Aww,ngayon pa lang mamimiss na kita! Dalaga ka na talaga!"anang ng Ate Valerie niya.

"Lagi naman po ako bibisita,Tita Valerie eh,"tugon ni Karla sa Ate Valerie niya.

"Malapit ng tumahimik ang bahay na ito. Si Zeid,bago magpasukan,papasok na  siya ng PMA,"anang ng Ate Valerie niya. Mahihimigan sa boses nito ang lungkot.

"Magkikita-kita pa naman po tayo,Tita Valerie. Saka sigurado naman bakasyon din si Zeid panget kaya uuwi din siya dito,"anang ni Karla.

"Totoo yun?"untag sa kanya ni Zeid mula sa likuran niya.

Paint my Love :  Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon