Chapter 36

1.1K 92 6
                                    

Nagmulat ng mga mata si Karla at agad na sinuyod ng mga mata niya ang kinaroroonan.

Ang kanyang silid. Ngunit agad din pumasok sa isip niya ang binata. Ligtas ba ito?

Nagmamadali na lumabas siya ng kanyang silid hanggang sa matigilan siya ng makarinig ng dalawang nag-uusap sa sala.

"Panahon na siguro na sabihin mo na sa kanya,Zeil.."boses iyun ng kaibigan si Gannie.

Anong panahon na dapat nito sabihin? Sa kanya ba? Magkilala na ba ang mga ito noon pa?

Gulong-gulo ang isip niya.

"Kung tutuusin ikaw dapat ang nasa tabi niya hindi ako..kung gusto mo maaari ko naman sabihin sa kanya  ang lahat na pinakiusapan mo ako na bantayan siya upang lagi siya ligtas. Na ang mga binibigay ko sa kanya ay galing lahat sayo,"dagdag ni Gannie na kinatigagal niya.

Hindi makapaniwala sa narinig niyang iyun.

Si Zeil?

"Mukhang gising na siya,"anang ni Gannie.

Mabilis ang kilos niya at patakbo na pumasok sa kwarto niya at nilock iyun.

Humihingal na sumandal siya sa nakasaradong pintuan niya at awang ang mga labi na bumaling ang mga mata niya kung saan nakadikit ang lahat na mga postcard at photocard.

Lahat na mga binigay sa kanya na mga iyun ay galing kay Zeil?!

Nilapitan niya ang kinaroroonan ng mga iyun at tinignan ang dalawang letra iyun na palagi niya iniisip na initial nila ni Zeil...at...at totoo nga ba iyun?

Zeil at Karla ang ibig sabihin ng mga iyun.

Napukaw siya ng mga katok sa pintuan niya.

Ang kaguluhan sa isip niya ay napalitan ng pagdududa.

"Karla...are you wake up?"

Sumikdo ang puso niya ng marinig ang boses nito.

Naiinis na hinagod niya ang dibdib kung nasaan ang puso niya na nagwawala na.

Kumalma ka,heart...

"Are you okay?"

Natigilan siya at napatitig sa pintuan. Ang alaala na pilit niyang nilalabanan na wag ng gumuhit pa ay unti-unti ng lumilinaw sa balintataw niya.

Hindi totoo ang nakita niyang iyun. Hindi. Hindi. Hindi.

Napasinghap siya ng bumukas ang pintuan niya na kinagulat niya.

"I'm sorry...nag-aalala ako kaya binuksan ko na,"may pag-aalala sa tono nito.

"How did you get in?"

Matiim na nakatitig sa kanya ang mga mata nito.

Ang mga mata na mamisteryoso ang dating sa kanya.

Yes,right..mystery like what you saw!

Mariin niya naikuyom ang mga palad.

"Ask me,Karla.."

"Ayoko..ayoko,"mariin na iling niya.

"Alam kong narinig mo ang mga sinabi ni Gannie..."

Napasinghap siya sa sinabi nito. Muli naalala ang nakita niya kakaibang anyo nito.

"I don't care! Wala akong tatanungin sayo na kahit ano!"pagsigaw niya.

Gulong-gulo ang isip niya. Hindi na niya alam kung gusto pa ba niya malaman ang totoo.

"Karla..."

"No,Zeil! Ayoko. Ayokong maguluhan. Ayokong nakakaramdam ako ng bagabag,i hate it!"bulalas niya sabay talikod rito.

"Are you...mad at me now?"mahina nitong saad.

Kumabog ang dibdib niya at tila pinipilipit ang dibdib niya.

"N-naguguluhan ako.."

"Gusto mo ba bigyan kita ng oras? Kapag handa ka na saka tayo mag-usap muli?"masuyo nitong sabi.

Hindi siya sumagot. Nahihirapan siya mag-isip. Nilalamon ng alaala ng nakita niya ang pag-iisip niya.

"Totoo ba?"usal niya pagkaraan ng ilang sandali.

Hindi umimik ang binata kaya buong tapang na pumihit siya paharap rito.

Agad na tumalim ang mga mata niya rito upang pagtakpan ang tunay na nararamdaman niya ng makita ang mga mata nito ng puno ng pagsusumamo at pangamba.

"Totoo ba ang narinig ko? Matagal na kayo magkakilala ni Gannie?"pagtatanong niya sabay lahad ng palad sa kanang bahagi niya. "Ang mga ito? Sayo ba galing lahat?"

"Oo lahat ng sagot.."

Mariin niya naipikit ang mga mata at agad din naman nagmulat ng maalala ang kakaibang nilalang na iyun.

Agad na nagtaasan ang mga balahibo niya sa katawan.

"Nanggamit ka pa ng ibang tao para lang sakin? Hindi ako makapaniwala,"saad niya sa sarili.

"Natatakot ako na lapitan ka dahil...baka ayaw mo magulo ang pinili mo na mapag-isa,"wika nito na kinatingin niya rito.

"Minanipula mo ang lahat,"tahasan niyang saad.

"Hindi ako makakapayag na hindi kita maprotektahan,Karla..."mariin nitong sabi.

"Hindi ko alam,Zeil.."malamig niyang saad.

"Wala ako maisip ngayon dahil gulong-gulo ako..ha..hayaan mo muna ako...ulit...ng mag-isa,"saad niya.

Pilit na pinapatatag ang sarili na huwag bumigay. Pinatili niya na maging matigas sa harapan nito.

"You scared me...now,"mahina nitong sabi.

Natigilan siya at napatitig sa mukha ng binata. Nasa mga mata nito ang sakit.

Sakit na naramdaman din niya.

"Ayoko na maramdaman mo iyun sakin..pero alam ko mangyayari naman yun,"saad nito sa sarili.

Nanatili siyang nakatitig rito.

"Kapag handa ka na...pwede natin pag-usapan ang nakita mo...kagabi,"anito.

Kumabog ang dibdib niya na banggitin nito iyun.

"I..i want to be alone now,"pagtataboy niya rito.

Matagal na tumitig ito sa kanya at iniiwas niya ang mga mata rito. Kitang-kita niya sa mga mata nito ang samu't-saring emosyon.

"Please,leave me alone now,"mariin niyang saad sabay talikod na rito.

Bakit ganito? Kakasimula lang nila pero nasa ganito na sila ngayon?

Naguguluhan siya!

"I want you to know...na mahal na mahal kita,Karla.."

Halos tumigil ang pagtibok ng puso niya sa sinabi ng binata.

"Lahat gagawin ko para sayo...kung sa tingin mo na minanipula kita. Nagawa ko yun dahil mahal kita..na sa akin ka lang,"anito.

Agad na pinigilan niya ang sarili na lingunin ito.

Gusto ba nito na masiraan na siya ng bait ngayon?!

She hate him!

Napukaw siya ng pagsara ng pintuan at doon na nagsimula na magsipatakan ng mga luha niya.

Gusto niya ito lingunin at habulin pero...nahihirapan siya. Sa tuwing tumitingin siya sa mukha nito naalala niya ang nakita niya ng gabing iyun.

Ang hindi kapani-paniwala na nasaksihan niya. Isang eksena na sana ay isang panaginip lang pero...kalokohan lang yun.

She saw him...nakita niya ang kakaibang nilalang na iyun na naging ito na hindi kapani-paniwala  na mangyayari yun!

Napakaimposible.

Sana talaga panaginip na lamang iyun nakita niya.

Nasasaktan siya...dahil nakakaramdam siya ng pangamba at....takot para rito.

Paint my Love :  Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon