Hindi mapakali si Zeil mula ng ipaalam sa kanya ng Ate Valerie niya na nakatulog sa pagod mula sa pag-iyak si Karla. Ayon sa Ate Valerie niya may masakit raw ito. Iyun daw kapag malapit ng dalawin ang isang babae. Alam niya ang tungkol sa bagay na yun kaya sigurado siya na masakit ang nararamdaman nito.
Hindi na nakasabay sa hapunan si Karla sa kanila. Hindi siya sanay na hindi nila ito nakakasabay sa hapag-kainan.
Pero magbubukod na siya. Kailangan mo ng masanay ngayon..
Ang pinagtataka lang din niya ay kung bakit hindi binigyan ng Ate Valerie niya ng mahusay na tsaa si Karla. Isang tsaa na gawa sa rosas na may kakayahan na makapag-ibsan ng kahit anong sakit sa katawan ng dalhan nito ng hapunan ang huli.
Hmm...itanong mo kaya.
Inabangan ni Zeil ang Ate Valerie niya na makalabas ito ng nursery room kung saan pinatulog na nito ang pamangkin niya.
"Oh,Zeil.."agad na bungad nito ng makita siya sa labas ng nursery room.
"May itatanong lang po sana ako,Ate Valerie.."
Tinitigan siya nito bago ito napabuga ng hangin.
"Sa baba tayo,"yakag nito.
Sumunod siya rito pababa sa salas. Nang makarating sila roon. Tinungo nila ang papuntang hardin at nanatili lang sila nakatayo sa gilid ng nakasarang sliding room kung saan tanaw ang simpleng hardin nila na napapanglawan ng malamlam na ilaw.
Nakahalukipkip na hinarap siya ng Ate Valerie niya.
"Anong itatanong mo?"umpisa nito.
Bumuga muna siya ng hangin. Pumihit siya paharap rito habang nakapamulsa ang mga palad niya sa suot na sweatpants.
"She's not in pain,right?"
Hindi agad umimik ang Ate Valerie niya pero matiim ito nakatitig sa kanya.
"Sobrang nag-aalala ka ba sa kanya?"pagtatanong nito pagkaraan ng isang sandali.
Sinalubong niya ang kulay brown na mga mata nito na kakulay din ng kanyang mga mata.
"Ate Valerie..para ko na po siyang kapatid kaya...nag-aalala po ako sa kanya,"aniya.
Ingat sa sasabihin! Si Ate Valerie yan!
Tumango-tango ito pero tila may gustong ito malaman mula sa kanya base sa pagkakatitig nito sa kanya. Ang kislap ng mga mata nitong nang-aarok.
"Nakita ko kasi na wala kayong binigay sa kanya na inumin para maibsan ang sakit niya ng dalhan niyo po siya ng pagkain kanina,"saad niya upang mapukaw ito sa tila tahimik na panghuhuli nito sa kanya.
Relax..marinig lang niya na kinakabahan ka..mabubuking ka!
"Okay. Wala siyang sinabi sakin kung bakit siya umiiyak ng makita ko siya sa may likod ng building kanina,"anang ni Ate Valerie.
"Baka po may nanakit sa kanya,Ate Valerie,"nangangamba na niyang turan.
Ngumisi ang Ate Valerie niya.
"Wala,Zeil. Kung meron baka hindi lang alam na may nasasaktan siya,"mahiwaga nitong sabi sabay kibit ng balikat.
Kinunotan niya ito ng noo.
Tumawa ang Ate Valerie niya na tila bang isang Joke lamang ang sinabi nito.
Natatawang ginulo nito ang buhok niya.
"Huwag ka na mag-aalala. Minsan talaga ganun kami mga babae. Bigla na lang nagiging emosyunal,"saad ng Ate Valerie niya.
Hindi siya kuntento sa sinabi nito. Sigurado siya na may malalim na dahilan kung bakit umiyak si Karla na hindi naman nito ugali dahil sa pagiging brat nito.
Kahit anong subok niya na matulog ay hindi siya dalawin ng antok.
Masyado mo kasi siya iniisip kaya hindi ka makatulog. Puntahan mo na kaya!
Naikuyom niya ang mga palad. Nakaupo siya sa may paanan ng kama niya at tanging liwanag lang ng buwan ang panglaw sa silid niya.
Sige na...maaga ka pa babangon bukas. Baka sumablay ka sa painting niya!
Hindi na niya tinikis ang sarili agad na lumabas siya ng kanyang silid.
Kinaugalian na ni Karla na hindi ito naglalock ng pintuan kaya buong ingat na pinihit niya pabukas ang doorknob.
Agad na sumalubong sa kanya ang malamlam na ilaw mula sa lampshade nito na nasa gilid ng kama nito.
Payapang natutulog na ang dalaga pero naroon pa rin ang bakas na umiyak ito.
Nanatili siya nakatayo sa gilid ng kama nito at tahimik na pinagmasdan ang natutulog na dalaga.
Gusto niya malaman kung ano nararamdaman nito o may isang bagay ba ito na kinikimkim?
Bakit hindi man lang ito magsabi sa kanya gayun malapit naman sila isa't-isa?
Hindi niya gusto iyun. Gusto niya alam niya ang lahat-lahat rito.
Paano kung napakapersonal niyun. Gaya ng sayo. Wala dapat na kahit sino ang makakaalam. Sigurado ako na ganun din siya..
Tahimik na napabuntong-hininga na lamang siya.
Basta sisiguruduhin niya na walang nanakit rito.
Kinabukasan,inabangan niya ito gumising at naghintay siya sa labas ng silid nito.
Nang bumukas ang pintuan nito agad na natigilan ito pero ng makabawi inirapan naman siya nito.
Hindi siya pinansin nito ng isara na nito ang pintuan.
Naikuyom niya ang mga palad.
Sobrang nag-alala siya rito kahapon pero hindi lang niya matanggap na tila ba pinapakita nito na wala siyang pakielam roon!
Agad na sinundan niya ito at bago pa ito makarating sa may hagdanan. Inabot niya ang siko nito ng kinabigla nito.
"B-bakit ba?"nabigla nitong turan.
Hindi niya binitawan ang siko nito.
"May nanakit ba sayo kahapon kaya ka umiyak?"seryoso niyang tanong rito.
Nag-iwas ito ng tingin pero ng ibalik nito ang mga mata sa kanya. Masama na ang tingin nito sa kanya.
"Hindi ba sinabi naman ni Tita Valerie na masakit ang puson ko?"mataray nitong sagot sa kanya.
Mariin na tinitigan niya ito. Bigla ito nag-iwas ng mga mata at binawi sa kanya ang hawak niyang siko nito.
"Hindi ko alam kung bakit parang pinapalabas mo na may inililihim ako?"saad nito.
"Wala ba?"
Napaangat ito ng tingin sa kanya pero tumalim ang mga mata nito.
"Kung meron man. Bakit ko naman sasabihin sayo?"mataray nitong sabi."Oo nga pala.. baka talagang umiyak na ko dahil may nanakit na sakin dahil dun sa Cassy na yun. Lahat ng babae kahapon sa school. Inggit na inggit sa kanya baka nga maging bayolente na sila dahil dun at ako pagbuntungan nila,"dugtong nito.
Napabuga siya ng hangin. "Hindi ko naman hahayaan mangyari yun,"aniya.
Umismid ito. "Talaga ba? Na hindi ako sasaktan?"
"Oo,"agad na tugon niya.
"Talaga lang ha. Ako? Hindi mo hahayaan masaktan? Sana nga..sana nga,Zeil.."mariin nitong saad sabay talikod na sa kanya.
Bakit parang may iba pang pangkahulugan yung sinabi niyang iyun?
Marahas na napabuga ng hangin si Zeil.
Hindi niya alam. Basta ang alam niya. Ayaw niya may mabago sa kanila ni Karla.
Ang hirap sa kanya lalo pa nga at nalalapit na ang pag-alis nito para bumukod.
Bakit ba minsan ang komplikado ng mga babae eh noh?
BINABASA MO ANG
Paint my Love : Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)
WilkołakiZeil Rostov,twin brother of Zeid Rostov. Magkapareho man ng pisikal na anyo malaki naman ang pagkakaiba ng kanilang ugali at hilig. Zeil love to paint na tila ito na ang kanyang buhay. He is so amazing painter. So Artistic. Tila buhay na buhay ang b...