Napabuga ng hininga si Karal ng mapansin ang pananahimik ng kasintahan niyang si Zeil. Ang awkward tuloy nila. Naningkit ang mga mata niya. Kung makaarte ito parang siya lang may gusto na mangyari yun!
Nakakagigil ah!
Hindi na siya nakatiis. Tumigil siya sa paglalakad kaya nabitin ang paglalakad nito dahil hawak nito ang kamay niya. Ayaw niyang makita sila ng ganito ang aura nila..niya!
"What's wrong with you?"agad na sita niya rito. Pinaningkitan niya ito ng mga mata.
"Don't pretend na hindi mo alam kung ano ang ibig sabihin ng tanong ko,"mataray niyang sabi rito ng hindi ito sumagot.
Binawi niya ang kamay niya na hawak nito pero hindi nito iyun binitawan.
"Kapag hindi ka sumagot. Hindi mo mahahawakan ang kamay ko,"banta niya rito.
Napabuga ito ng hangin na tila problemadong-problemado.
Mas lalo naningkit ang mga mata niya. Siya nga dapat magmukhang problemado dahil masakit pala!
"I'm sorry..nag-aalala lang ako,"sagot nito pero iwas ang mga mata sa kanya.
"Para saan?"agad na turan niya.
"Love.."saad nito at napahugot ng malalim ng hininga. Hirap na hirap ang itsura nito.
"Bakit? Hindi mo ba gusto na may nangyari satin?"agaran na tanong niya rito na kinaangat ng mga mata nito sa kanya.
Nagsalubong ang mga kilay nito. "No,of course not! I...Love..baka magalit sakin si Kuya Harold kapag nalaman niya na.."
Agad na nahulaan niya ang pinag-aalala nito. Kaagad siya nakaramdam ng gaan na iyun lang pala ang problema nito.
Napabuga siya ng hangin." Anong gagawin natin? Nagmamahalan naman tayo,"mahinahon niyang sabi.
"Yes,Love..kaso napakaespesyal ka para kay Kuya Harold. Wala pa siya ideya tungkol satin,"saad nito na mahihimigan ang pangamba sa kung ano ang magiging reaksyon ng Tito Harold niya.
Hindi siya nakakibo. Bigla tuloy siya nag-alala. Hindi niya alam kung magugustuhan nito ang tungkol sa kanila ni Zeil.
"Pero..ipaglalaban kita. Kung magagalit siya sakin tatanggapin ko pero hindi ibig sabihin niyun na hahayaan ko na hadlangan niya tayo,"masuyo nitong sabi.
Nakagat niya ang pang-ibaba labi. Iba talaga ang pakiramdam kapag may nagmamahal sayo na hahamakin ang lahat para sayo.
"Haharapin natin si Uncle Harold. Saka nandyan naman si Tita Valerie,eh.."palakas loob niyang sabi.
"I know,Ate Val can help us pero laban natin 'to,"puno ng determinasyon na sabi nito na kinangiti niya.
Kilig na kilig sa kasinseruhan at sa pagmamahal nito sa kanya.
"Okay,"aniya at saka hinila siya ni Zeil upang yakapin.
Hindi man magtanong si Tita Valerie. Alam niyang may ideya na ito sa kung ano na naganap sa kanila ni Zeil lalo pa nga at magkasama sila nito magdamag. Nakakaramdam tuloy siya ng hiya dahil malakas ang senses nito kaya paniguradong may naaamoy ito!
Hindi pa naman siya naliligo!
"We're here!"anunsiyo nito ng huminto ang kotse na ito mismo ang nagmaneho samantala magkatabi sila ni Zeil sa backseat kapwa tahimik.
Agad na napatingin sila sa labas ng bintana at makitang lumabas ang Uncle Harold niya. Nagmamadali ito.
"Ate Val.."untag ni Zeil sa Ate nito.
Nakangisi na nilingon siya nito.
"Ano yun?"
"Don't do anything para mapapayag siya,"may babala at seryosong sabi ni Zeil rito.
BINABASA MO ANG
Paint my Love : Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)
LobisomemZeil Rostov,twin brother of Zeid Rostov. Magkapareho man ng pisikal na anyo malaki naman ang pagkakaiba ng kanilang ugali at hilig. Zeil love to paint na tila ito na ang kanyang buhay. He is so amazing painter. So Artistic. Tila buhay na buhay ang b...