Chapter 26

977 85 7
                                    

Inaasahan na ni Karla na makakaramdam siya ng sakit kinaumagahan pero ganun na lamang ang pagkagulantang niya ng makita na tila walang nangyari sa kaliwang paa niya.

Awang mga labi na nakatitig sa paa niya. Napakaimposible!

Paanong wala siya naramdaman sakit roon samantalang nakaraan gabi lamang ay halos mamilipit siya sa sobrang sakit niyun ng aksidenteng madulas siya sa banyo!

No way!

Bumukas ang pintuan ng silid niya at niluwa niyun ang gwapong mukha ni Zeil.

Dala ng sobrang pagkamangha wala sa sarili niya na tumayo siya at lumapit sa binata.

"Zeil,look! M-magaling na ang paa ko! Hindi na siya masakit! Hindi ko alam kung paano nangyari pero...pero..magaling na siya,"manghang saad niya na hindi makapaniwala sa nangyari iyun.

Isang ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Zeil na siyang kinatigil ni Karla. Natuliro siya ng makita ang ngiting iyun na siyang lalong nagpagwapo pa sa gwapo na nitong mukha.

Nahigit niya ang hininga kasabay ng  napakabilis na pagtibok ng puso niya ng umangat ang isa nitong kamay at haplusin ang buhok niya.

"Masaya ako na okay na ang pakiramdam mo..ayokong nasasaktan ka,Karla..that's making me hurt more kapag nakikitang nasasaktan ka,"masuyo nitong wika na siyang lalo nagpabilis ng tibok ng puso niya.

Halos hindi na nga siya makahinga para na nga siya aatakehin sa puso! Good thing wala na siya sakit sa puso!

Kainis ka,Zeil!

Nang makabawi mula sa pagkatulala agad na nag-iwas ng mga mata ang dalaga. Nanunuot kasi ang kulay brown nitong mga mata  na tila ba hinihigop nito ang kaluluwa niya.

Hindi lamang yun pati ang puso niya!

Palihim na pinuno niya ng hangin ang dibdib.

"Ahm,hindi ko alam kung paano nangyari,"usal niya sabay iwas ng tingin rito at tinuon ang paningin sa paanan niya.

"Mula kay ina ang gamot na siyang nagpagaling sa paa mo,"saad nito na kinaangat ng paningin niya rito.

"T-talaga?"hindi nakapaniwalang saad niya.

Nakangiti na tumango ang binata. "Yes...palagi may dala niyun si Zeid dah sa trabaho niya kaya lagi siya pinapadalhan ni ina ng ganun uri ng gamot,"anito na siyang lalo kinamangha niya.

"S-salamat.."anas niya at muli inatake ng pagkailang.

"Nagluto ako ng breakfast natin,come on..baka lumamig na ang niluto ko,"anito saka masuyong kinuha ang kamay niya at hinila siya palabas ng kwarto niya.

Tanging nagawa na lamang niya ay mapatingin sa mga kamay nila na hawak nito habang hila-hila siya ng binata patungong kusina.

Nadatnan nila si Zeid na nauna ng kumakain.

"Morning,Guys!"bati nito habang may laman ang bibig nito.

Agad na napasimangot siya ng kindatan siya ni Zeid ng mabilis nitong sulyapan ang pagkakahawak ni Zeil sa kamay niya.

"Maupo ka na,"masuyong untag ni Zeil sa kanya na pinaghila pa siya ng upuan na katapat ni Zeid na ngayon ay nakangisi na. May kislap ng panunudyo ang ngisi nito kaya naman inungusan niya ito.

"Kamusta ang paa mo?"untag ni Zeid sa kanya.

Napabuga siya ng hininga. Hindi maganda na mag-away sila sa harap ng pagkain lalo pa't ang aga-aga.

"Okay na,"maiksi niyang sagot.

Pinaglagyan siya nì Zeil ng pagkain sa plato. Garlic fried rice at tosino.

Hindi makatingin rito na umusal siya ng pasasalamat.

"Mabuti naman kung ganun. Sobrang nag-alala sayo si Zeil. Nagmadali pa kong umuwi dahil parang magwawala na si Zeil kapag hindi ako kaagad umuwi,pronto!"saad ni Zeid na kinatingin niya rito.

Nakangisi na kinindatan siya ni Zeid. Agad na gumalagabog ang dibdib niya ng umupo sa tabi niya ang binata.

Heart...kumalma ka nga!

"Zeid,stop talking..kumain ka na lang dyan,"saway ni Zeil rito.

Isang mahinang tawa ang tinugon ni Zeid rito.

"Opo,boss!"natatawang tugon agad nito sa pananaway ng kakambal nito.

Lihim na kinalma ni Karla ang sarili. Inabot niya ang isang baso tubig at ininom iyun. Napangalahati niya iyun. Iinom pa sana siya ng kunin sa kanya ni Zeil ang baso na kinatigil niya.

"Mabubusog ka niyan sa tubig hindi ka pa kumakain,"masuyo nitong saad at napatingin na lamang sa ginagawa nito.

"Come on,eat.."utos nito ng iumang sa kanya ang kutsara na may laman sinangag at maliit na piraso ng tosino.

Isang mahinang tawa ang pumukaw sa kanya at agad na masama ang tingin ang pinukol niya sa kaharap.

"Tapos na ko,kumain..ako na maghuhugas pagkatapos niyo kumain!"mabilis na tumayo ito at iniwan sila sa kusina.

"Love.."

Mabilis na napabaling siya sa binata ng marinig ang tinawag nito sa kanya.

Wala tuloy sa sarili na sinubo niya ang kutsara na nakaumang sa harapan niya.

Love...

Pilit na pinipigilan ni Karla na makaramdam ng kilig.

Yes,kinikilig siya!

Iyun ang pangalawang beses na tinawag siyang Love ni Zeil!

Aktong susubuan siya muli ni Zeil mabilis na kinuha niya rito ang kutsara. "A-ako na,Zeil..."aniya at sunod-sunod na sumubo.

"Dahan-dahan lang baka mabilaukan ka,"pukaw sa kanya ni Zeil.

Puno ang bibig na sinulyapan niya ang binata na may nakakaaliw na ngiti ang nakapaskil sa gwapo nitong mukha.

Tulirong napatitig siya sa gwapong mukha ni Zeil. Abala na ito sa pagkain samantala siya nakatitig na lamang rito habang dahan-dahan na ngumunguya.

This is not fair. Sanay siyang mag-isa kumain pero ngayon may kasama na siya hindi lamang kung sino lang ito.

Kasama lang naman niya ang taong na siyang dahilan kung bakit hindi mapakali ang sistema at puso niya. Na siya lang may kakayahan na buhayin ang lahat-lahat na dapat mabuhay.

"Why?"pukaw nito sa kanya na kinalaki ng mga mata niya dahil nahuli siya nitong nakatitig rito.

Wala sa oras na inabot niya ang napangalahati tubig na ininom niya kanina at mabilis na inubos iyun.

"B-busog na ko..ahm,uh..ma...maliligo na ko. May pasok pa ko.."naiilang na saad niya.

Tumango naman ito kaagad. Bago pa man siya makaalis pinigilan siya nito sa siko niya.

"Ako na maghahatid sayo at magsusundo. Hindi pwede mapwersa ang paa mo kaya ako na mangmamaneho para sayo,"sabi nito na kinasikdo ng puso niya.

"W-wala ka bang...pupuntahan?"

Nagkibit ito ng balikat. "Wala. Dito lang ako. Ikaw lang ang rason kung bakit nandito ako...kami ni Zeid,"matiim ang titig nitong sabi.

Tumikhim siya para iwaksi ang nararamdaman kilig.

"Ahm,okay. Ikaw ang bahala,"aniya sabay mabilis na iniwan ito sa kusina.

Naipikit niya ng mariin ang mga mata habang mabilis na tinutungo ang silid niya.

Sobrang bilis ng tibok ng puso niya. Humihingal tuloy siya ng maisara niya ang pintuan pagkapasok niya sa silid niya.

Malaya na niyang pinakawalan ang kanina pa niyang pinipigilan na ngiti...at kilig.

Kainis ka talaga,Zeil!

Nakakarami ka na!

Malaki ang ngiti na tinungo na ni Karla ang banyo para maghanda sa pagpasok niya sa ospital.

Paint my Love :  Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon