Chapter 22

1K 81 7
                                    

Sa isang coffee park dinala ni Karla sina Zeid at Zeil. Iyun ang paborito niyang tambayan lalo na kapag umuulan ng snow. The place is very huge. May palaruan para sa mga bata. Mayroon din kung saan ka pwedeng magskating board o magskater. Iyun ang pinakadinadayo. Ang skating area.

"I'm sure marunong ka magskating ngayon?"untag ni Zeid sa kanya.

Napapagitnaan siya ng magkambal nasa kaliwang bahagi niya si Zeil na tahimik lang habang sumisimsim sa hawak nitong kape. Nakatanaw sa mga nag-i-skating ilang hakbang ang layo mula sa kinaroroonan nila.

"Busy ako sa pag-aaral,Zeid.."tugon niya rito.

"Seryoso?"di makapaniwala nitong turan.

Tinaasan niya ito ng isang kilay. "Bakit? Ikaw? Marunong ka ba?"

Ngumisi ito. "Expertise ko kaya mga extreme sports,natry ko na tumalon sa mataas na gusali gamit lang ang lubid sa training ko,"pagmamalaki nitong sabi.

"Talaga lang ha,"saad niya at pigil ang sarili na ipakita rito na mangha siya sa nalaman niya mula rito.

Marami na talaga nangyari at nagbago.

"Si Zeil,marunong yan,"pagnguso nito sa katabi niya.

Napalingon siya rito bigla. Agad naman nito sinalubong ang gulat niyang reaksyon.

"Zeil,turuan mo kaya si Karla magskating,"saad ni Zeid na kinabilis ng pagtibok ng puso niya.

"Libre ko na entrance natin tatlo,"agad na pagtalikod ni Zeid.

Nagsisimula na naman siya makaramdam ng pagkabagabag.

Relax ka,gorl..move on ka na di ba? Bakit parang affected pa rin?

Palihim na pinuno niya ng hangin ang dibdib saka nag-iwas ng tingin rito at bumaling sa kung saan natatanaw si Zeid.

"Ayaw mo ba itry?"untag nito sa kanya.

Napalunok tuloy siya ng wala sa oras.

Di ka pa nakamove on,gorl..

Naikuyom niya ang mga palad na nanlalamig na sa suot niyang makapal na gwantes.

"Kung ayaw mo,ayos lang. Sasabihin ko kay Zeid,"anito.

"Hindi naman kasi ko marunong talaga,"agad na bulalas niya bago pa ito makahakbang para sundan si Zeid.

Agad na nilingon siya nito.

"Ahm,gusto ko nga itry kaso lagi naman ako mag-isa..ayoko mapahiya sa mga tao kasi di naman ako marunong talaga ,"saad niya na hindi tumitingin rito.

"If you want..i can teach you and guide you,"masuyo nitong sabi na kinaangat niya ng tingin rito.

Matiim ito nakatingin sa kanya. "Gusto mo ba?"

Sige na,gorl..ngayon lang ulit kayo nagkasama after 7 years! Patunayan mong nakamove on ka na at hindi ka affected sa kanya!

Taas-noo na matapang niyang sinalubong ang mga mata ni Zeil na mababanaag ang pagsuyo roon.

Mas lalo lang bumilis ang tibok ng puso niya kaysa kumalma iyun.

Huwag mo ng pansinin si heart mo..anang ng isip niya.

"Okay. Lagot ka sakin kapag napilayan ako,"mataray na sabi niya rito.

Umangat ang isang sulok ng mga labi nito. "Don't worry,I'll take care of you,"masuyo nitong sabi.

Agad na kinondena niya ang sarili na makaramdam ng...kilig.

Affected nga..

Shut up,mind!

"Let's go? Kinakawayan na tayo ni Zeid,"untag sa kanya ni Zeil.

Kalmante na tumango siya at nauna ng tinungo kung saan naghihintay sa kanila si Zeid.

Nang makalapit sila agad na iniabot sa kanila ni Zeid ang harmless na susuutin nila bago sila papasukin sa skating area.

Tinitigan niya iyun. Alam naman niya kung para saan at kung paano iyun suutin pero kinakabahan siya baka hindi siya matuto!

Napapitlag siya ng may kumuha sa hawak niya.

Napakurap-kurap siya ng walang sabi-sabi na ito na mismo ang nagsuot ng mga iyun sa kanya. Sa sobrang lakas ng kabog ng dibdib niya napatitig na lamang siya sa ginagawa nito sa pagsusuot sa kanya ng mga harmless.

Sa magkabila niyang siko sa tuhod at ang huli ang skating shoes. Nakaluhod ang isang tuhod nito sa sahig habang siya naman ay nakaupo.

"A-alam ko naman kung paano suutin mga ito eh,"untag niya kay Zeil.

Nag-angat ito ng tingin sa kanya matapod masecured nito ang skating shoes niya sa magkabilang paa niya.

"Gusto ko makasiguro na maayos at mahigpit ang pagkakalock nila. I don't  want you to get hurt,"saad nito na siyang kinapitlag ng puso niyang kanina pang nagwawala.

Tumikhim siya. "Bata pa rin ba tingin mo sakin?"turan niya sabay pukol ng masamang tingin rito.

Napasinghap siya ng ipatong nito sa ibabaw ng ulo niya ang isa nitong kamay at humaplos sa buhok niyang nakapusod.

She miss that. Aminado siya na sobrang namiss niya ang gesture iyun ni Zeil na lagi nito ginagawa noon magkasama pa sila. Pitong taon..ganun katagal niya hinahanap-hanap iyun at ngayon naranasan niyang muli.

"You are very beautiful woman now,Karla.."buong suyo nitong sabi habang matiim ang mga mata nito sa kanya.

Sa sinabi nito tila ba nakalimutan na niyang huminga pa.

"Sana all,sweet!"

Napukaw siya ng marinig ang boses ni Zeid. Agad na napahiya siya sa sarili.

"Ituloy niyo na lang kasweet-an niyo sa loob,dali! Excited na ko magpakitang-gilas sa mga chicks na nandito!"anang ni Zeid.

Nalukot ang ilong niya sa sinabi nito. "Babaero,"bulalas niya sabay irap dito na tinawanan lang siya.

Nagtangka siyang tumayo pero dumulas ang suot niyang skating shoes sa sahig pero alisto si Zeil. Bago pa man siya matumba sa sahig nasalo na siya ni Zeil.

Umawang ang mga labi niya sa pagkabigla at..kaba.

Ramdam na ramdam niya ang init ng katawan nito. Mas tila komportable pa siya sa init ng sinisingaw ng katawan nito kaysa sa kinaroroonan nila.

Ayan na...nagkakamalisya na siya..

Nanlaki ang mga mata niya ng matauhan. Tila nakuryente na napalayo siya sa katawan nito pero nakahawak ito sa isang braso niya para alalayan.

"I..kaya ko ng tumayo mag-isa,"naiilang na saad niya.

"It's alright,alalayan kita,Karla.."mariin nitong saad.

Gusto sana niya magprotesta pero sa huli nanaig ang kagustuhan ng puso niya.

Di ka nga talaga nakamove on..

Shut up,sabi mo ngayon lang ulit kami nagkasama?!

Sabi ko nga...pero..wag na ulit ma-fall.

Tila nasisiraan na siya ng bait dahil kinakausap niya ang sariling isip.

Patunay lang na matino ka pa na hindi ka pa marupok!

Bit she miss him. Ang lahat-lahat rito.

Paint my Love :  Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon