Chapter 6

1K 88 0
                                    

Tapos na ang final exam nila kaya naman ganun na lang kaboring ang araw niya. Natapos na din niya ang clearance niya kaya naman imbes na manatili sa loob ng classroom nila na wala naman ginawa ang mga kaklase niyang babae ay ang magpapansin sa kanya. That's make him more boring.

May klase pa ang nasa sekondarya kaya abala ang lahat sa loob ng kani-kanilang klase.

Karla is a senior high school. May isang oras pa bago matapos ang klase nito kaya naisipan na muna niyang mag-ikot-ikot.

Pili lang ang kaibigan niya at may mga sarili naman ang mga itong kinakaaabalahan. Ayos naman sa kanya dahil mas gugustuhin niya na mapag-isa lalo pa at ayaw din naman niyang may makalapit sa kanya maliban kay Karla at Zeid.

Natigilan siya sa paglalakad ng may makita siyang isang babae hanggang beywang ang buhok nito na kulay asul. Dito sa Esferial University,walang bawal-bawal pagdating sa kung anong gusto mong suot o istilo ng pagdadala mo sa sarili basta priority mo ang pag-aaral. Ganun ka-Cool ang patakaran ng Ate Valerie niya na walang nakakaalam na kapatid niya ang Dean nila.

Abala ang babae sa pagbabasa sa bulletin board.

Naaamoy ko ang lobo sa kanya..

Agad na nilapitan niya ito. Tama ang lobo niya. Sigurado siya na isang lobo ang babae.

Aware sila na bukod sa kanila may ibang lobo pa na naninirahan sa mundong ito. Gaya ng mga prinsesa na pinili na mamuhay rito kaysa bumalik sa mundong-Colai.

Baka isa yan sa anak ng mga prinsesa!

Agad na nilingon siya ng babae. Kulay asul ang mga mata nito. She look like a foreigner because of her eyes and white skin. Maganda ang babae.

Nginitian siya nito. "Hi!"pagbati nito sa kanya.

Sigurado na alam nito na isa din siyang lobo base sa kislap ng mga mata nito.

The amusement.

Tinanguan niya ito. Napuna niya ang tattoo sa kanan braso nito. Nakasulat iyun sa sinaunang alpabeto. Ang alibata.

The word is i am a wolf.

Napukaw siya ng maulinigan ang mahina nitong pagtawa.

"Amazing. Ikaw ang kapatid ni Ms.Ledeo.."anito.

Agad na tumango siya. Naglahad ito ng palad upang makipagkamay.

"Ako nga pala si Cassy,"pagpapakilala nito.

"Anak ng isang prinsesa,tama?"saad niya at tinanggap ang pakikipagkamay nito.

Tumango ito. "Yes..my mom the princess of blue wolves district,"proud nitong sagot.

"It's nice to meet you,"aniya.

Isang bihirang pangyayari na makatagpo siya ng kalahi niya. That's so really amazing gaya nga ng sabi nito kanina.

"You study here?"aniya. Sigurado siya na hindi ito maliligaw rito kung hindi ito mag-aaral rito.

Tumawa ito ng mahina. "Yes. Nag-enrol ako kung anong available ng course,"anito.

"Hindi sila mahigpit sayo?"

"My Mom is...but my Dad is very cool!"anito.

"Zeil!"

Sabay sila napalingon ni Cassy sa tumawag sa kanya.

Si Karla.

Base sa anyo nito. Tila nagmadali ito at mukhang galit.

The dark angel is coming!

Matalim ang mga mata nito na tumingin kay Cassy pagkalapit sa kanila.

Paint my Love :  Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon