Sobrang talim ng mga mata ni Zeil habang nakatitig sa kaibigan na si Gannie. Kausap nito sa celpon si Karla. Panay ang ngiwi nito habang nagsasalita. Siya naman ay tahimik na nakikinig sa pag-uusap ng dalawa. Nasa harapan siya nito. Katatapos lang niya gawin punching bag ang kaibigan dahil sa nararamdaman pagkatapos ng pag-uusap nila ni Karla.
"Pasensya na..hindi kita makamusta ng personal,uh,kasi may emergency meeting sa resto eh,"masuyong saad ni Gannie sa kausap na kinasama ng tingin niya lalo rito.
May pinipigilan naman ngiti ang loko.
"You sure,you okay? Maybe tomorrow,I'll visit you,okay?"anito.
"Alright,bye for now.."paalam na nito.
"Okay. Calm down,Zeil.."pukaw nito sa kanya. "So? You okay now?"pagtanong naman nito pagkaraan.
"Medyo,"mariin niyang tugon.
Nanlaki ang mga mata nito. "Baka hindi kaagad mawala pasa sa mukha ko..magtatanong sakin yun bukas kung saan ko ito nakuha,"turan nito.
"Then,don't meet her tomorrow,"mariin niyang tugon dito na kinailing na lang nito.
"You're jealous or what?"nanantiya nitong tanong.
"I..i don't know,"tugon niya sabay baling kung saan natatanaw ang mga gusali mula sa rooftop ng ospital na iyun.
Nababalot ng mga snow ang buong kapaligiran at hindi alintana sa kanila ang lamig niyun. Well,they are still wearing a jacket.
"Be a man,bro!"
Marahas siya napabaling rito na kaagad naman nagtaas ng kamay. "I mean..ito na ang oras para palayain na yang tunay na nararamdaman mo sa kanya..tumatanda na kayo ni Karla. Hindi na dapat nagpapaligoy-ligoy pa,"seryoso nitong sabi.
Naikuyom niya ang mga palad. Tinapik nito ang balikat niya.
"She's still single because i know there's someone keep in her heart...like you,"mataman nitong saad.
"She's here,"napukaw siya ng magsalita si Zeid sa tabi niya.
Nasa tapat sila ng bahay ng dalaga at doon sila naghintay ni Zeid rito.
Agad na kinalma niya ang sarili ng bumukas ang pinto ng kotse nito at bumaba roon ang dalaga.
Natigilan ito at mababakas ang gulat sa mukha nito.
Gumagawa ng usok ang bawat paghinga nito dahil sa lamig. She's wearing a thick coat and bonet.
"We're cold!"bulalas ni Zeid na pumukaw rito.
Nanlaki ang mga mata nito. Saka nagmamadali na nagtungo sa pintuan nito.
"Ang lamig! Sobra!"pagpaparinig nito sa dalaga na ngayon at sinususian na pabukas ang pintuan nito.
Nasa likuran sila nito at binuksan ng dalaga ang pinto pabukas saka humarap sa kanila ni Zeid.
Si Zeid na umaaktong na nilalamig talaga!
It's him idea na sa bahay sila ni Karla magstay. Damn,di niya alam kung tama ba na sinunod niya ang plano nito.
"A-ano ba ang ginagawa niyo rito?"
"Wala kami hotel na matutulugan eh,fully book kaya naisipan na dito na muna kami. Ilang araw lang naman bago bumalik satin,"si Zeid.
Sumulyap sa kanya si Karla. She look not comfortable pero may pag-aalala na dumaan sa mga mata nito.
"Bakit ba kasi nagpunta-punta kayo rito hindi kayo kaagad nagpabook sa hotel?"
"Biglaan eh,ngayon lang may time..sige na,may jetlag pa kami oh! Tapos ang lamig pa!"
Muli sumulyap sa kanya ang dalaga at agad din iniiwas ang tingin sa kanya.
"Alright,"anito sabay talikod sa kanila upang mauna ng pumasok sa loob.
Nginisihan siya ni Zeid. "Thanks me,later,kambal.."saad nito at nauna ng pumasok sa nakabukas na pintuan.
Hindi ito ang unang beses na makakapasok siya sa bahay ng dalaga. Siya mismo ang naghanap ng lugar na ito at nirekomenda niya sa Kuya Harold niya na ito ang bilhin para sa dalaga.
Dinahilan lamang niya na alam niya ang lugar na ito na minsan na magtravel siya para sa pagpipinta niya pero ang dahilan talaga ng pagtatravel niya ay para makita ang dalaga.
"Marunong ka na magluto?"tanong ni Zeid ng makapasok siya sa loob.
"Ano tingin mo sakin hindi?"pataray na sagot ni Karla rito.
Napangiti siya. Kahit may kunting inggit siya sa kakambal niya dahil wala nagbago sa dalawa para rin mga aso't-pusa ang mga ito samantala siya tila may nakatayong mataas na pader na sa pagitan nila ng dalaga.
Agad na napalis ang ngiti niya.
Matitibag din yan...alingawngaw ng wolf niya.
"Zeil! Magluluto si Karla,anong gusto mo?!"pukaw sa kanya ng kakambal.
Agad na hinayon ng mga mata niya ang dalaga na nasa kusina. Tila hinihintay din nito ang isasagot niya dahil nakatayo lang ito sa may center island ngunit iwas ang tingin sa kanya.
"Ikaw na magluto,Zeid..galing pa sa trabaho si Karla,"tugon niya kay Zeid na napangisi naman.
"You're right. Cease fire muna tayo dalawa. Ako na lang magluluto para satin,magpahinga ka na muna,ako na bahala rito,"agad na talima ni Zeid.
"Baka di ka masarap magluto,"tugon rito ng dalaga.
Naikuyom niya ang mga palad. Nasa salas lang siya samantala ang mga ito nasa kusina na akala mo hindi nagkalayo ng pitong taon. Ganun pa rin samantala siya. Nakikiramdam lang sa mga ito!
That's so fucking unfair!
Kalma lang,Zeil..tyaga lang makukuha mo ulit ang loob niya.
Agad na nagtama ang mga mata nila ng dalaga ng iwan nito si Zeid sa kusina na abala na roon.
Wala naman itong imik na nagpatuloy na at tinungo ang silid nito.
Marahas siyang napabuga ng hininga.
Bakit hinayaan niya na umabot sila sa ganito?
Gusto niya tuloy magsisisi na hinayaan niya na maging malayo na ito sa kanya.
Wala naman masama. You give her dreams..her want. Hindi mo naman siya iniwan eh. Lagi ka naman nasa tabi niya kahit hindi niya alam..
Yeah,right.
Pero tama sina Zeid at Gannie,iba pa rin kung mismong harapan niya pinaparamdam iyun. Pitong taon siya nagtila isang stalker nito dahil palihim lamang siya nagmamatyag at nagbabantay rito.
Ano kaya sasabihin nito kapag nalaman nito ang kalokohan niyang iyun?!
"Help me here,kambal..ikaw na magluto para maimpress sayo si dark angel..second move 'to"pagkonekta sa isip niyang sabi ni Zeid.
Agad na tinungo niya ang kusina. Nakangisi na nakasandal ito sa gilid ng lababo.
"Sarapan mo ah!"anito sabay kindat sa kanya.
Playing as a cupid ang kambal niya.
BINABASA MO ANG
Paint my Love : Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)
Hombres LoboZeil Rostov,twin brother of Zeid Rostov. Magkapareho man ng pisikal na anyo malaki naman ang pagkakaiba ng kanilang ugali at hilig. Zeil love to paint na tila ito na ang kanyang buhay. He is so amazing painter. So Artistic. Tila buhay na buhay ang b...