Hello po,humihingi po ako ng pasensya at pang-unawa sa aking mabagal na pag-aupdate. Sobrang naging abala lang sa trabaho mula ng magbalik ulit ako sa gitnang-silangan. Pasensya na sana hindi kayo magsawa at mapagod sa pag-aabang ng mga susunod na eksena. Salamat sa lahat na naghihintay at nagbabasa!😍
Tinanaw ni Zeil ang walang hangganan na kagubatan mula sa kinatatayuan niyang tree house. Sa kabilang banda naman ay ang mahiwagang talon. Ito ang lugar kung saan nanatili noon ang kanyang ama na isa pang panginoon sa pagbabantay nito sa mga prinsipe ng mga lobo at kung saan naging saksi din ang lugar na ito sa pag-iibigan ng kanyang ina at ama.
Matutuwa siguro siya kung dadalhin din mo siya rito...
Isang buntong-hininga ang pinakawalan ni Zeil. Agad na may umusbong na kaba at pangamba sa puso niya. Ngunit mas nanginginbabaw ang takot.
Kung hindi ka niya matanggap..siguro naman tanggapin na lang natin.
Naikuyom niya ang mga palad. Miss na miss na niya ang dalaga. Mula ng makabalik siya dito na siya nanatili. Pinupuntahan na lamang siya ng kanyang ama at ina upang kamustahin pero nanatili ang mga ito na tikom ang bibig.
"Anak!"
Agad na dumungaw siya ng marinig ang boses ng ina.
Masuyong na nakangiti ang ina habang nakatingala ito sa kanya na may bitbit na basket.
Hindi nito kasama ang kanyang ama kaya agad na bumaba.
"Ina,"aniya sabay halik sa noo ng ina.
"Halika,doon na natin ito ilagay,"pagturo nito sa gilid ng talon.
Agad na kinuha niya rito ang basket at iginiya ang ina sa gilid ng talon kung saan may ginawang mesa at upuan na gawa sa kahoy.
Nang mailapag niya sa mesa ang basket agad na inilabas ng kanyang ina ang mga pagkain na nasa loob ng basket.
"Madami po ata,ina? Dalawa lang tayo ngayon?"puna niya habang sinusuri ang mga pagkain na nasa lamesa.
"Kaya niyo ubusin ito,"saad ng ina habang abala sa pagbubukas ng mga takip ng pinaglagyan ng mga pagkain..
Napakunot siya ng noo sa sinabi ng ina.
Niyo?
"Tayo po uubos nito?"naguguluhan niyang sabi.
Nag-angat ng tingin sa kanya ang ina. "Hindi,anak. Hinatid ko lang ito rito at aalis din ako pagkadating nila,"anang ng ina ng mas lalo pinagtakhan niya.
Bago pa man siya makapagtanong sa sinabi nito agad na naramdaman niya na may mga dumating.
Marahas na napalingon siya. Natigilan ng makita ang isang bisita na hindi niya inaasahan na makikita ito roon.
"Nandito na pala ang bisita mo,"untag ng kanyang ina.
Nanatili lamang siya nakatitig sa dalaga na kiming na nakangiti sa kaniya.
Totoo ba nakikita natin? Nandito siya? Pinuntahan ka niya?
"Hinatid ko lang si Karla rito,Zeil. Maiiwan na namin kayo ni ina,ikaw na bahala sa kaniya.."untag ng kanyang Ate Valerie.
Tila wala siya sa sarili na tumango sa sinabi ng ate niya.
"H-hi,"pagbati ni Karla sa kanya.
Dinig na dinig niya ang malakas na pagkabog ng dibdib nito...o baka sa kanya.
Tumikhim ito at doon siya natauhan ng makita ang pagtikwas ng isa nitong kilay.
"Uh,hindi ko inaasahan na...nandito ka?"saad niya pagkaraan.
BINABASA MO ANG
Paint my Love : Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)
LobisomemZeil Rostov,twin brother of Zeid Rostov. Magkapareho man ng pisikal na anyo malaki naman ang pagkakaiba ng kanilang ugali at hilig. Zeil love to paint na tila ito na ang kanyang buhay. He is so amazing painter. So Artistic. Tila buhay na buhay ang b...