Pinatunayan ni Karla na sa kabila ng pinapakita niyang ugali sa lahat ay sinong mag-aakalang may pagmamahal siya sa mga batang may karamdaman.
Taon-taon ng kanyang kaarawan nakaugalian na niyang ipagdiwang ang araw na iyun kasama ang mga bata na may sakit sa puso na gaya niya noong hindi pa siya sumasailalim sa heart transplant.
That operation na minsan na niyang pinagtaka. Why? Kung sasailalim ka sa operasyon magmamarka iyun.
"I was wondering kung bakit walang bakas na naoperahan ako,Uncle?"pagtatanong ni Karla. Ilang taon na mula ng gumaling siya sa sakit ng puso at ngayon lamang niya naisipan itanong ang tungkol sa bagay na yun.
Sabay na nagkatinginan ang Uncle Harold niya at ang Tita Valerie niya.
"Kasi..ang ospital na pag-aari ni Dra.Sana'a ang siyang kauna-unahang ospital na gumamit ng teknolohiya pangmedisina sa buong mundo na hindi kinakailangan sugatan ang pasyente,"pagsagot ng Tita Valerie niya na kinamangha niya ng mga oras na iyun.
Ngunit may kaakibat pa rin iyun katanungan. Ang pagkakaalala lang niya tuwing chinicheck-up siya ni Dra.Sana'a ay ang Vital signs lang niya at may kung ano itong pinapainom sa kanya hanggang sa hindi na niya matandaan kung ipinasok ba talaga siya sa operating room o hindi.
"Ate Ganda!"
Pinukaw siya ng pagtawag sa kanya ng isang batang lalaki. Agad na lumuhod siya sa harapan nito upang magpantay ang paningin nila. Masaya naman ang ibang mga bata na inienjoy ang masustansiyang pagkain na inihanda nila.
"Ano yun?"malambing niyang tanong rito.
"May regalo po ako sa inyo!"anito sabay pakita sa kanya ng hawak nito papel.
Nakangiti na kinuha niya agad iyun at binasa ang nakasulat roon.
Sulat-kamay na isang pagbati para sa kanya na sinamahan ng pagguhit. Isang babaeng anghel.
"Ako ba itong angel?"tanong niya rito mabilis na tumango-tango ang batang lalaki.
"Opo! Isa ka po kasing totoong Angel,Ate Ganda kasi kapag birthday mo lagi mo kami pinapakain!"
Emosyunal na hinaplos niya ang ulo nito. "Salamat! Masaya kasi ako kapag kayo kasama ko kapag birthday ko eh!"naiiyak niyang saad.
Niyakap naman siya nito at nakigaya na rin ang ibang mga bata.
Masayang-masaya siya na pinagdiwang niya ang 18th birthday niya ng araw na iyun. Ang kaarawan na pinakahinihintay ng mga babae na pinaghahandaan talaga pero para sa kanya ang makitang napapangiti niya ang mga bata na may karamdaman ay sobrang-sobra na at isang regalo na para sa kanya.
Humihiling na sana gumaling rin ang mga ito tulad niya. Kung maaari lamang na ipakiusap niya kay Dra.Sana'a na pagalingin din ang mga ito ay alam niyang hindi rin basta-basta. Marahil darating din ang araw na gagaling din ang mga ito lalo pa at suportado naman ang mga ito ng supplies ng gamot at nangunguna na ang pamilyang Dornan sa pagbibigay ng pangangailangan medisina.
Tahimik na pinagmasdan ni Karla ang nagkakasiyahan mga bata. May kinuha kasi sila ng isang grupo ng mga magpapasaya sa mga bata at kasulukuyan nagpiperform ang mga ito.
Napukaw siya ng may isang bote ng tubig ang humarang sa panunuod niya sa mga bata.
"Hindi ka pa umiinom ng tubig kanina pa,"saad ni Zeil.
Napakurap-kurap siya. Hindi na nga niya matandaan kung ilang oras na nga ba siya huling uminom ng tubig. Nalibang kasi siya sa mga bata.
"Iinom naman ako saka di pa naman ako nauuhaw,"turan niya pero kinuha pa rin niya ang inaabot nitong tubig.
BINABASA MO ANG
Paint my Love : Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)
WerewolfZeil Rostov,twin brother of Zeid Rostov. Magkapareho man ng pisikal na anyo malaki naman ang pagkakaiba ng kanilang ugali at hilig. Zeil love to paint na tila ito na ang kanyang buhay. He is so amazing painter. So Artistic. Tila buhay na buhay ang b...