May ngiti sa mga labi ni Zeil habang nakatitig sa mala-anghel na mukha ni Karla na mahimbing na natutulog. Pagkatapos ng halik na pinagsaluhan nila halos hindi na makatingin sa kanya ang dalaga. That's make her so adorable and cute.
Napabuntong-hininga si Zeil. Lomolobo ang dibdib niya sa samu't-saring emosyon pagkatapos ng halik na iyun. Alam niya hinayaan na ng dalaga na ipakita at iparamdam din sa kaniya ang damdamin nila para sa isa't-isa. Hindi naman ito tutugon sa halik niya kung wala din itong damdamin para sa kanya.
Marahan at masuyong hinaplos niya ang pisngi ng dalaga at maingat na pinatakan ng halik ang noo nito.
"May makakain ba dito?"
Napailing siya saka maingat na lumabas ng tent. Abala sa paghahalungkat ang kakambal niyang si Zeid.
"Saan ka nanggaling?"agad na tanong niya rito. Hindi nito pinaalam sa kanya kung saan lupalop ito nagpupunta.
Nang makakuha ng makakain umupo ito sa harap ng apoy na malapit ng mamatay.
Ginàtungan niya ng kahoy ang apoy upang panatilihin na may apoy iyun. Nasa katapat siya ng kakambal na abala sa pagkain.
"Mas maganda pa rin sa pilipinas..namiss ko na satin,"bulalas nito.
Natahimik siya. Namiss na rin naman niya sa pilipinas.
"Ilang araw na lang tayo dito kailangan na natin bumalik satin,"untag nito na kinaangat niya ng tingin mula sa apoy.
"Pwede ka na mauna,Zeid.."aniya na kinatigil ng pagnguya nito saka unti-unti lumaki ang mga mata nito.
"Nagconfess ka na?"anito.
Tumango siya. Napangisi naman ito. "Congrats,kambal! Akala ko patatagalin mo pa eh,"sinsero nitong sabi.
"Salamat. Salamat din sa pagtulong mo,"aniya na kinakibit lang nito ng balikat saka muli nagpatuloy sa pagkain.
"I saw kuya Zayne,"bulalas niya na ikinasamid ng kakambal.
"What?! When?! Where?! How?!"sunod-sunod nitong tanong. Bakas sa mukha nito ang pagkasabik na makita rin ang Kuya Zayne nila.
Napabuga siya ng hangin. "Pauwi na ko ng maihatid ko si Karla sa ospital at naramdaman na may mangyayari at nakita namin na may truck na babangga sa isang coffeeshop at bago pa iyun mangyari pinigilan ko na pero masyadong mabilis ang takbo ng truck at walang preno. Nag-iingat ako na makita ng mga tao roon ang gagawin ko para iiwas ang truck bago ko pa binalak na gawin yun ng may isang tao na tumulong sakin. I didn't see his face dahil may suot na sumbrero bago pa kami dumugin ng mga tao mabilis na umalis kami doon at saka ko lamang napagtuunan ng pansin ang tumulong sakin ng makalayo kami roon at..saka ko lang natanto na si Kuya Zayne yun. I want to hug him,Zeid. Tama si Ama..nasa paligid lang si Kuya Zayne,"mahaba niyang pagkukwento.
May malungkot na ngiti ang gumuhit sa mga labi ni Zeid.
"Mabuti ka pa nakasama mo siya kahit sandali. Sa akin kaya kailan?"may hinanaing nitong sabi.
"Nasa paligid lang siya. Binabantayan niya tayo,Zeid. Darating din ang oras na makakasama mo rin si Kuya Zayne,"alo niya sa kakambal.
Napabuga ito ng hininga. "Umaasa ako. Kapag nangyari yun hindi ko hahayaan na hindi ko man lang siya mayakap,tsk, unfair yun,"anito sabay patuloy na sa pagkain.
Muli siya napabuga ng hininga. Kung naisip nga niya rin iyun malamang nga niyakap din niya ang Kuya Zayne nila.
"Ngayon kayo na ni Karla. Ano na sunod na gagawin mo?"untag sa kanya ni Zeid.
Napangiti siya at nilingon ang tent kung saan mahimbing na natutulog ang dalaga. "Tatanungin ko pa siya kung opisyal na kami na,"aniya.
"Nagconfess ka na di ba? Eh,ano nga pala sagot?"usisa nito.
Napabaling siya sa kakambal na hinihintay ang sagot niya.
"I..i just kiss her,"pag-amin niya.
Napakurap-kurap ang kakambal sa sinabi niya.
"That's it,"dugtong niya ng hindi nagreak ang kakambal.
Mayamaya ay nangunot ang noo ni Zeid.
"Yun lang? Kiss tapos kayo na,ganun?"anito na tila hindi alam na posible iyun mangyari.
"I want to ask you. Sa tingin mo opisyal na kami? Hindi naman siya tumutol,Zeid,"aniya.
Ipinilig nito ang ulo. "You kiss her..damn! I don't know,Zeil,"saad nito na kinaawang niya ng mga labi.
"Hindi mo alam? Marami kang naging nobya,hindi ba?"
Nanlaki ang mga mata nito. "Pero hindi ko ginawa ang ginawa mo!"depensa nito na kinamaang niya.
Nagbaba ng tingin ang kakambal at inabala ang sarili sa pagkain nito.
"For real,Zeid? Hindi ka pa nang-kiss ng babae sa dami ng naging babae mo?"hindi makapaniwala niya sabi na kinaungol ng kakambal.
"Oh shut up,Zeil. Alam mong malaki ang respeto ko sa atin ina kaya hindi ko ginagawa yun,"anito na kinasimangot niya.
"Ako rin naman,Zeid. Kaso sa amin ni Karla may nararamdaman ako para sa kanya. I love her that's why i kiss her,"paglilinaw niya sa kakambal.
Napabuga ng hangin si Zeid. "I know,Zeil. May love yun kaya wala ka dapat ipaliwanag sakin. Pareho tayo pinalaki na may respeto sa mga babae. Well,maloko lang talaga ako sa mga chicks..yeah,pinapatulan ko sila dahil pinalaki tayo gentleman pero never ko sila hinawakan na may malisya at hinalikan. Sabi nga ni ina,di ba? Gagawin lang natin iyun sa babaeng mahal natin at nahanap mo na ang sa iyo,"anito.
Tumango siya sa sinabi ni Zeid.
"Masaya ako na nahanap mo na ang sa iyo,Zeil."
"Salamat,Zeid."
"Basta nandito lang ako kapag nagkaroon ng problema,"anito.
"Baka tumabi ka dyan ah,"anito na kinailing niya.
"Sayo ako tatabi. Huwag ka mag-alala,"aniya na kinangisi nito.
"Good. Ilang araw din ako naglagalag kaya namiss kita,"anito na kinangiwi niya.
"Aww,kinikilig ako,Zeil!"
Inangilan niya ang kakambal. "Shut up,Zeid. Bilisan mo na dyan,inaantok na ako,"aniya sabay tayo sa kinauupuan at dinampot ang isang tent na hindi pa naitatayo na mismong bitbit ni Zeid.
Sa kabila ng saya na nararamdaman niya may kunting kaba at pangamba pa rin na umuusbong sa dibdib niya. Alam niyang darating ang oras na haharapin niya ang kanilang Kuya Harold upang ipaliwanag ang lahat ng ito.
Sana nga lang..hindi ganun kakomplikado.
BINABASA MO ANG
Paint my Love : Zeil Rostov byCallmeAngge(Completed)
Hombres LoboZeil Rostov,twin brother of Zeid Rostov. Magkapareho man ng pisikal na anyo malaki naman ang pagkakaiba ng kanilang ugali at hilig. Zeil love to paint na tila ito na ang kanyang buhay. He is so amazing painter. So Artistic. Tila buhay na buhay ang b...