[38] Ferris Wheel

4 0 0
                                    

Jack's POV

Dahil na sa Enchanted Kingdom kami, one to sawa ang pila. Este ang ride. Dahil medyo madami ngang tao, mahaba ang pila kaya medyo nakakaubos ng oras.

Maghapon kaming puro ride, kain at games.

"Oy, tulala ka na naman dyan." Kiniliti ako ni Brikx.

Napansin nya kasi akong nakatulala.

"Gusto mo nyan?" Tanong nya sabay tingin sa tinititigan ko.

"Madaya naman yang laro na yan. Sayang lang pera." Sabi ko sabay lakad sana palayo.

Kaso pinigilan nya ko at hinatak palapit sa shooting game.

"Wala ka tiwala sakin?" Tinignan nya ko ng masama.

Natawa ako at umiling.

"Watch and learn." Dumiretso sya sa counter at nagbayad.

Kailangan nya ishoot sa bottle yung rings na hawak nya para makuha yung big teddy bear.

Pinanuod ko lang sya at ayun, naubos ang tatlong ring nang walang napapala.

Bumili pa ulit sya, mga tatlong ulit pa siguro.

"Bili mo na lang ako ng bear. Hayaan mo na yan." Sabi ko habang hinahatak sya.

"Last na to. Wag ka magulo." Sagot nya na ayaw magpaawat.

Natawa na lang ako sa pagfocus nya at determination.

Poteks, sobrang seryoso nya para lang nagshoot ng ring.

"Tama na yan." Tawa ko sa kanya.

Tinignan nya lang ako at binato ng sabay-sabay yung tatlong rings.

Napatalon ako sabay tulak sa kanya nung mashoot yung dalawang rings.

"Waaahhhh! Galing!" Tinignan ko sya tsaka pinaghahampas.

"Anong gusto mo?" Tanong nya sakin na nakangiti.

Tinuro ko yung pinakamalaking bear na creamy-pink. Half ko siguro yung height ng bear.

Nung nakuha namin ni Brikx yung bear, di na maalis sa mukha ko yung ngiti.

"Shems. Ang galing! Ang talented mo talaga." Puri ko sa kanya.

"Syempre. Ako pa ba." Sagot nya sabay kindat.

"Yabang mo naman." Tinarayan ko sya pero balik ngiti din agad habang yakap yung bear na halos nakaharang na sa daanan ko.

"Picture mo ko!" Pagpipilit ko sa kanya nung nakaabot na kami sa carousel.

Sinenyasan nya ko na pumunta na sa gitna.

Nagpose ako kasama yung big bear sa gitna ng park with the carousel sa likod ko.

"Thank you." Nakapout kong sabi sa kanya pagbitbit nya ng bear na medyo mabigat.

"Welcome." Kinurot nya ko sa pisngi bago lumakad.

Bumili kami ng chocolate shake tsaka tumambay sa kiddie area para magpahinga.

Umupo kami malapit sa mga tunnel and train display.

"Masaya ka naman?" Tanong nya sakin habang nilalapag yung bear sa tabi.

Tumango ako sa kanya na parang bata.

"The best ka!" Binigyan ko sya ng thumbs up at ngiting wagi.

Napatitig sya sakin saglit bago umiwas ng tingin. Ewan ko kung bakit pero yung puso ko parang iba yung bilis ng takbo.

Abnormal talaga.

SMILE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon