Jack's POV
Pagtapos ng prom, sabay-sabay na kaming umuwi baon ang mga photos namin ng tropa sa mga phones namin.
I'm so happy that I almost feel like nasa langit ako.
Nauna na si Zero para ihatid si Sheela at syempre kami ni Brikx ang magkasama sa paguwi.
Pagdating namin sa parking lot, napansin nyang nalimutan namin dalhin ang trophy from the award.
Instead na sumama pa ako pabalik, nagpaiwan na lang ako sa kotse para ipahinga ang paa ko at para hindi na rin daw ako mapagod, sabi nya.
"Just stay there, I'll be fast." Paalam nya bago umalis.
Tumango ako at sinundan sya ng tingin.
Sumandal ako sa upuan at napangiti.
I feel really happy today.
"Please stop!"
Napalingon ako sa dulo ng parking area kung saan nanggagaling ang sigaw.
Naaninag ko ang ball gown ni Missy at napansin na may kasama sya.
Biglang nag-iba ang tibok ng puso ko at may pakiramdam na kakaiba.
Nakatingin pa rin ako sa gawi nila hanggang sa makita kong natumba si Missy pagtapos ng malakas na tunog na parang sampal.
Nanlaki ang mata ko nang makita kung sinong kasama nya.
Nanginig ang kamay ko na parang di alam ang gagawin.
Nakatayo si Luke at biglang hinatak patayo si Missy habang hawak ang buhok nya.
Napahawak ako sa pinto ng kotse at napaisip na tulungan si Missy.
Bago ako tumakbo papunta sa kanila, tinawagan ko si Brikx na agad din namang sumagot.
"Just stay there." Utos nya.
"Louiesse?" Hindi na ako nakasagot at iniwan ang phone sa loob ng kotse.
Hindi ko na hinintay ang pagdating ni Brikx dahil sa iyak na narinig ko mula kay Missy.
"No Luke! You're hurting me. Let me go!" Sigaw nya na may halong pag-iyak.
Hinatak nya ulit si Missy sa braso at sinampal ulit ng malakas.
Rinig na rinig ang lakas ng sampal at mga hikbi ni Missy sa loob ng parking area.
Hinubad ko ang sapatos ko at nagmadali sa paglapit sa kanila.
"Sabi ko sayo dalhan mo ako ng pera! Hindi ko sinabing taguan mo ako!" Galit na sigaw ni Luke.
Akmang susuntukin nya sa sikmura si Missy nang maibato ko sa kanya ang high heels ko.
Nabitawan nya si Missy na natumba sa panghihina at napatingin sakin.
Namumula ang mata nya at nangingitim ang paligid nito na parang wala syang tulog at nakagamit ng drugs.
Napangiti sya na parang sinapian.
"Louiesse! I know you'll come to me." Tumawa sya at dahan-dahang naglakad palapit sakin.
Nilakasan ko ang loob ko at sinalubong sya para hampasin ng sapatos na hawak ko.
Tinamaan ko sya sa ulo dahilan para matumba sya.
Agad akong pumunta kay Missy na napakapit sakin at mugto ang mga mata dahil sa pag-iyak.
Ramdam ko ang panginginig nya dahil sa takot.
"Kung sa bagay, mas mabuti nang dalawa kayong isama ko sa impyerno. Mas masaya kaysa sa pera." Tumawa sya sabay tayo palapit sa amin.
BINABASA MO ANG
SMILE [COMPLETED]
Teen FictionA friendship is a ship that sunk but never sinks. In short sila yung the best! No matter what, sila yung mga taong di ka iiwanan. Palagi silang nandyan either para pangitiin ka or pakiligin ka. Depress, stress or heartbroken ka man you can rest assu...