Jack's POV
"Im officially courting you, Louiesse." nakangiting sabi ni Brikx na nakatingin sakin habang nakapark ang kotse nya sa harap ng bahay.
Nakatitig lang ako sa mata nya.
Im lost. Wala kong masabi.
Wala din ako marinig liban sa mga salitang huli nyang sinabi at sa puso kong sobrang lakas ng kabog.
"Hey. Jack. Okay ka lang?" nagaalala nyang tanong sakin na nakatingin sa kamay kong nasa dibdib ko.
"Ha? Ah. Oo." tumawa na lang ako sabay iwas ng tingin.
"Sigurado ka? Okay ka lang? Pwede naman tayong di tumuloy ngayon. Madami pa namang araw." Nakatingin pa rin sya sakin.
Nakikita ko sya sa side mirror na parang sobrang nagaalala.
"Okay lang ako." tumingin ako sa kanya at ngumiti.
I hope that nakatulong yun para maging kampante sya.
After a few seconds, he smiled back.
"San pala tayo pupunta?" tanong ko sa kanya.
"Since this is our first date, pupunta tayo sa di mo pa napupuntahan."
Pinaandar nya na yung makina ng kotse nya.
"Madami-dami yun. So saan?" tumatawa kong tanong.
"You'll see."
At may pa surprise pa ang mokong. Ayaw pang sabihin kung saan.
"Sige, hint na lang? Dali!" excited kong sabi sa kanya.
"Uhm."
"Secret."
Sabay tawa nyang sabi.
"Baliw!" kinurot ko sya sa tagiliran sabay on ng music sa loob ng kotse nya.
Babylon by 5sos
Almost 2 and half hours din kaming soundtrip at bumabyahe.
"Oy malayo pa baaaa?"
Nabuburyong na ko kakaupo. Sakit na ng pwet ko at kailangan ko na din pumunta ng restroom.
"We're here."
Iniwan namin yung kotse nya sa parking area at sumakay ng elevator papasok ng mall.
I've been here before, pero nadadaan lang palagi. Di pa ko nakakapasok sa loob or nakakapagstay ng matagal.
"Brikx."
Napakapit ako sa damit nya nung naramdaman kong umaandar na yung elevator.
Nababaliw ako pag nasa elevator.
"Hanggang ngayon?" tumatawa nyang tanong habang nakatingin sakin na mukhang ewan.
Tumango na lang ako sa kanya.
Kinurot nya yung pisngi ko sabay hawak sa kamay ko.
"Sa kamay ko na lang, wag sa damit. Okay?" at ayan na naman ang ngiti nya.
Kinikilig na naman ako. Tae.
Ewan ko ba kung bakit sa dinami-rami ng beses na magkasama kami, magkayakap, magkatabi, magkausap, magkahawak ng kamay, bakit ngayon ko lang naramdaman yung ganito.
Yung ngiti nya pa lang kinikilig na ko, samahan mo pa ng pagtingin nya. Parang mamamatay na ko sa pagpipigil ng kilig.
Pota.
"Kailangan ko na magcr." tumatawang sabi ko pagkalabas namin ng elevator.
Tumambad sakin ang napakalawak na shopping area ng pinuntahan naming mall.
BINABASA MO ANG
SMILE [COMPLETED]
Novela JuvenilA friendship is a ship that sunk but never sinks. In short sila yung the best! No matter what, sila yung mga taong di ka iiwanan. Palagi silang nandyan either para pangitiin ka or pakiligin ka. Depress, stress or heartbroken ka man you can rest assu...