Jack's POV
"Die now Jack!" Sigaw ni Missy habang umiiyak sa gitna ng hallway.
At dahil pinagtitinginan na sya ng mga estudyante, agad syang tumakbo sa comfort room. Siguro sa kahihiyan nya na rin.
"Hoy Jack, ano na naman ginawa mo?" Tanong ni Jovey habang tumatawa.
"Wala naman. Bakit? Nagsumbong na ba sya sa lola nyang gurang?" Tanong ko habang kumakain ng pizza sa cafeteria.
"Malamang sa alamang. Napahiya ba naman sa harap ng maraming studyante eh!" Sabi naman ni Meilin habang lumalapang ng cheeseburger.
"So what di ba? Gusto nya naman ng exposure." Tumatawang sabi ko.
"Ha-ha-ha! Ano ba kasing trip mo?" Tanong naman ni Nath na may sarcastic na tono.
"Wala. Sino ba kase may sabi sa kanyang upuan nya yung ketchup?" Sagot ko na di pa rin tumitigil sa kakatawa.
Katangahan kasi, alam na nga nyang may ketchup yung upuan tumuloy pa rin sya. Laugh trip tuloy yung kabobohan nya. Tas yung expression ng mukha nya di maipinta. Parang galit na natatae na nagpipigil.
Ang dami ko tuloy tawa.
"Para ka talagang engot Jack. Kumakalat tuloy sa buong campus na natagusan si Missy. Alam mo na ngang famous yung tao tapos lalo mo pang ginawang FAMOUS." Parang nanenermon na sabi ni Sheela habang palapit sa table na kinakainan namin.
"Sus! Alam mo Sheela, pinagbibigyan ko lang sya since gusto nya mapansin." Sagot ko.
Tsaka alam nya naman talaga na may ketchup dun, sinadya nya lang talagang upuan na kunwari wala syang clue.
"Naku Jack! Maga-guidance ka na naman nyan." Pagpapaalala pa ni Sheela.
"Basta di kami kasali dyan ha!!" Naninuguradong sabi ni Nath.
"Napakaduwag talaga neto! Ang saya kaya maguidance." Sabi naman ni Meilin habang nakikipag-apir sakin.
Mabuti pa to alam kung anong masaya. Di tulad ni Nath, masyadong matatakutin.
Palibhasa wala pang record.
"Aray!" Malakas na sigaw ni Meilin habang hinihimas yung braso nya.
Well, hinampas na naman sya ni Jovey na matagal na nyang ginagawa. Parang torture, gawain nya na mula pa noon.
"Inaano ba kita?" Sigaw ulit ni Meilin na dumadrama.
"Alam mo namang favorite kita." Nakangiting sabi ni Jovey habang hinahampas ng payong si Meilin.
Eto na naman yung baliw na sadista na laging may dalang payong.
"Favorite ka nya saktan!" Masayang sigaw ni Nath habang nakikipag-apir kay Jovey.
Parang mga engot lang. Pero ano pa nga bang magagawa ko? In-born na daw yang sakit nila sa utak.
Matatawa ka na lang talaga.
Tumawa na lang kaming lahat dahil kay Sheela na walang kaalam-alam sa nangyayari sa paligid nya.
Maya-maya dumating sina Raeko at Pakyu, I mean Patricia Kyu. Na mga kampon ng hell.
"Pakyu! Bakit kayo nandito?" Pangaasar ni Nath sa kanila na nanlalaki na ang mga mata.
"Minumura mo ba kami?" Inis na tanong ni Patricia na nagpipigil and deep inside nagtatapang-tapangan.
"For sure hindi since pangalan mo yun. Patricia plus Kyu is equals to Pakyu. Di ba? Pakyu??" Umiirap na sagot ni Nath.
Mapang-asar din tong isa na to.
BINABASA MO ANG
SMILE [COMPLETED]
Teen FictionA friendship is a ship that sunk but never sinks. In short sila yung the best! No matter what, sila yung mga taong di ka iiwanan. Palagi silang nandyan either para pangitiin ka or pakiligin ka. Depress, stress or heartbroken ka man you can rest assu...