Jack's POV
"Na set mo na ba yung temperature ng freezer sa cafeteria?" Tanong ko kay Meilin.
"Yes naman. 10 degrees, kulang pa ba yun?" Sagot nya while drinking some flavored tea.
"Babaan mo pa ng konti. Tapos ikaw na bahala sa cooking class." Sabi ko sabay bato sa kanya ng susi.
"Pano mo nakuha?" Tanong nya habang pinaglalaruan ang susi.
"Mukhang naiwan nya sa locker?" Sagot ko na natatawa.
"Ang swerte naman natin." Sabi ni Meilin sabay apir.
"Hoy ano yan?" Tanong ni Nath.
"Secret!" At nginitian ko lang sya.
"Baka naman makapatay na kayo nyan ha!" Sabi ni Sheela na takot sa kung ano man ang gagawin namin.
"Wala yan. Don't worry!" Sabi ni Mei sabay kindat.
"Aking sinusuportahan ang anumang bagay na inyong nais isagawa." Makatang sabi ni Jin sabay tawa.
Natawa kami sa accent nya lalo na si Nath.
"Sige. Mamaya na lang!" Paalam ko bago umalis sa cafeteria.
Dumiretso ako agad sa class and ako ay sobrang attentive! Hyper na naman ako dahil excited na ko sa mangyayari mamaya.
*evil laugh*
Masaya lang talaga ako.
"Psst. Kanina ka pa nakangiti dyan. Inlababo ka no?" Tanong ni Jovey.
"No! Excited lang talaga ako!" Sagot ko habang nagdaDAYDREAM.
Napaka cute naman kasi ng plan namin.
Excited na ko sa magiging resulta!
"Ano na naman ba kasi yun? Curious na ko sa inyo ni Mei eh. Ang weird nyo na kasing dalawa." Sabi nya habang nakatingin ng masama.
"Basta mamayang hapon!" Excited kong sabi.
I can't wait.
So ayun, nakangiti ako hanggang sa maglunch.
"Hoy! Abot tenga ngiti mo ah!" Sabi ni Brikx pagtapos ako kotongan.
Kakarating ko lang at masyado yata akong lutang sa imahinasyon ko.
"Epal ka! Ayaw mo nun? Masaya ako." Tanong ko na nagpapacute.
"Hay. Kumain ka na nga lang. Gutom lang yan." Sabi nya habang sinusubuan ako ng kanin na may kasamang ulam.
Lunch na! Mamaya ay isang HISTORY!
Evil Laugh
Pagtapos namin kumain sa canteen, sa round table namin, nagpunta na kami sa kanya - kanya naming mga room.
"Psst. Hintayin na lang kita sa locker room pagtapos." Bumubulong na sabi ni Meilin.
"Hoy! Ano yan?" Tanong ni Jeff habang hinahatak si Mei palapit sa kanya.
Naglalakad kami sa hallway.
"Wala yun Jeff." Paninigurado ko sa kanya.
"Okay!" Sabi nya habang niyayakap ng mahigpit si Mei.
"Ang bango mo talaga Mei - labs ko." Sunod na sabi ni Jeff habang inaamoy ang buhok ni Mei.
"Minamanyak mo lang ako eh! Nahawa ka na ba sa kamanyakan ni Brikx?" Tanong ni Mei habang tinutulak palayo si Jeff.
"Nadamay pa ko dyan, nagdadrawing ako dito." Sabi ni Brikx na busy sa drawing pad nya habang naglalakad.
"Atsaka, manyak ba ko Jack?" Sunod nyang sabi habang naka-puppy eyes sakin.
BINABASA MO ANG
SMILE [COMPLETED]
Novela JuvenilA friendship is a ship that sunk but never sinks. In short sila yung the best! No matter what, sila yung mga taong di ka iiwanan. Palagi silang nandyan either para pangitiin ka or pakiligin ka. Depress, stress or heartbroken ka man you can rest assu...