[42] Something

6 0 0
                                    

Jack's POV

Walang araw na lumipas ang hindi puno ng tension.

The other day, nagpangabot si Luke at Brikx after class dahil walang ibang magawa si Luke kung 'di ang mangulo.

Anyway, dahil nagsimula sila Missy umatake, sino ba naman kami para di gumanti.

Lintek lang walang ganti.

"What the hell?!" Nagwawalang sigaw ni Missy sa loob ng cafeteria ng may ipis na lumabas sa bag nya.

"Pota!" Tumatawang reaksyon ni Mei.

Nagliparan at may pumasok pang ipis sa loob ng damit ni Missy.

Kung anong ikli ng skirt namin, sya naman kina super short ng skirt ni Missy na konti na lang makita yung pwet nya.

"Take it off of me!" Sigaw ni Missy na di magkamayaw sa ipis.

"Ayan na naman kayo." Pangsasaway ni Sheela samin na umiiling.

"Pampagood vibes lang." Sagot ko naman na natatawa sa reaksyon nila sa kabila na diring-diri.

"Ughhh! I know who did this." Nagwawala pa din syang sumisigaw.

Lahat sila na kampon nya samin nakatingin.

Tinawanan na lang namin sila at hinayaan magmukhang tanga kakasisi samin.

"You okay?" Tanong ni Brikx pagdating nila ng mga boys.

Tumango ako pero bigla ako nahilo.

"Louiesse! Are you okay?" Nagaalala nyang tanong na mabilis tumabi sakin.

I almost fell kahit nakaupo naman ako.

"Namumutla ka men." Sabi ni Jovey na concern.

Tinignan nila ko na may pagaalala.

"Let's go to the clinic." Aya ni Brikx.

Tumanggi ako pero he insisted.

Pinilit kong lumakad at magkunwaring ayos lang para di mahalata ng lahat na masama ang pakiramdam ko.

Pagdating namin sa clinic, di ko na napigilan at natiis ang sakit ng dibdib ko.

"Louiesse!" Hawak ni Brikx yung kamay ko na wala ng pakiramdam.

Napakapit ako sa kanya ng bigla akong atakihin ng chest pain.

"Sobrang lamig ng kamay mo." Nagaalala nyang sabi.

"Malamig naman talaga." Pabiro kong sabi para hindi sya magalala.

"Anong malamig? Magsusummer na." Kunot-noo nyang sagot sakin.

"Brikx .." Piniga ko yung kamay nya sa sobrang sakit ng dibdib ko.

Unti-unti ding dumidilim ang paningin ko at bumibigat ang pakiramdam ko.

"Fuck! Nurse!" Narinig kong sumigaw si Brikx pero hindi ko sya makita.

Pinilit kong buksan ang mata ko pero parang sobrang bigat at ang init ng mga mata ko kaya hinayaan ko na lang.

Wala na kong makita at marinig pagtapos.

Nagising na lang ako sa kwarto na sobrang pamilyar sakin.

Kulay puti at amoy alcohol.

"Louiesse." Mahinanong sabi ni Brikx nung makita akong gising na.

Hawak nya ng mahigpit yung kamay ko at hindi ko alam kung umiyak ba sya o bagong gising lang dahil sa mata nyang mugto.

SMILE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon