Jack's POV
Sinamahan ako ni Brikx papunta sa meeting place namin ni Luke. Medyo masaya ko ngayon, di ko alam kung bakit.
Pagdating namin, walang Luke na nagpakita. Si Missy lang.
"Hi Jack. Hi Brikx." Nakangiting bati nya samin.
Pota. Plastic.
"Hello! Kamusta? Si Luke?" Plastic kong ngiti sa kanya.
"Pinapasabi nya na wala daw muna kayong meet ngayon." Nakangiti nya pa ring sabi.
Tinignan lang sya ng masama ni Brikx.
"Ah. I see. May itatanong lang ako. If you dont mind." Nakangiti pa rin ako sa kanya.
"Oh sure." Sagot nya.
"Anong nangyari sayo? Parang chill lang kayo samin ngayon ha. Alam mo na. Feeling ko kasi nagiging mabait na kayo. Pero FEELING ko lang." Natatawang sabi ko.
Napakunot noo sya pero di pa rin nawawala yung ngiti nya since kasama ko si Brikx.
"Jack, medyo nakakainis man to. Pero nakikipag bati na ko sa inyo." Sagot nya na di natitinag ang ngiti.
Mukha syang sincere pero walang impaktang di plastic. Duh!
"Ha? Bakit naman?" Kunyaring amazed kong tanong.
"Kasi narealize ko na bestfriend ka ng boyfriend ko and Christmas is coming." Pagpapaliwanag nya.
Ayy putek. Impakta talaga.
Malamang sinabihan to ni Luke.
Well. Pagbigyan.
"May point ka naman. Osige pumapayag na ko." At nginitian ko sya ng mabangis.
'Tong si Brikx, tinaasan ako ng kilay dahil sa sinabi ko.
"Thanks Jack. Sana maging okay na tayong lahat." Sabi nya habang lumalakad palayo na nakangiti.
Pagtapos ng plastic conversation namin ni Missy Impakta, bumalik kami ni Brikx sa cafeteria.
"What?" Tanong ni Meilin na gulat na gulat.
"Teka. Baka sabog yun?" Parang tanga na tanong ni Nath.
Tumawa lang ako sa kanila.
"Basta kung sabog man sya o ano, off muna tayo saglit sa kanila." Sabi ko.
"Okay." Sagot ni Mei.
♪My Happy Ending♪
May tumatawag.
"Hello. Sino to?" Magalang na tanong ko.
"Uy! Ikaw pala. Pano mo nakuha number ko?" Todo ngiti na sabi ko.
"Nasa cafeteria ako. Okay sige. Bye." At pagbaba ko ng phone, sama-sama silang nagtinginan ng masama sakin.
"Sino yun?" Parang ewan na tanong ni Ben na nilalakihan ang mata nya.
"Si --" naputol yung sasabihin ko nang makita ko sya na palapit samin.
"Lance!" Sigaw ko habang kumakaway.
Nagtinginan lalo sila sakin pagkakita nila sa kanya.
"Hey!" Sabi ni Lance habang nakatingin sa kanila.
Hayy. Pogi na polite pa.
"Pano kayo nagkakilala? Officer sya ng student council." Tanong ni Jovey sabay tingin sakin.
"Ka duet ko sa performance tas temporary partner ko as school composer." Sagot ko.
Tumango lang sila.
BINABASA MO ANG
SMILE [COMPLETED]
Teen FictionA friendship is a ship that sunk but never sinks. In short sila yung the best! No matter what, sila yung mga taong di ka iiwanan. Palagi silang nandyan either para pangitiin ka or pakiligin ka. Depress, stress or heartbroken ka man you can rest assu...