Jack's POV
Tulala na naman ako habang nakatambay kami sa round table.
Wala yung mga boys, kaya kami lang nila Sheela, Mei, Nath at Jovey ang parang mga baliw na buryong sa buhay.
"So sinagot mo na si Brikx?" Panguusisa ni Nath na tutok sa tablet nya.
Umiling ako.
Naalala ko tuloy yung nangyari kahapon.
Hindi ko naman sya nireject at hindi ko rin naman sya sinagot.
Umiyak lang ako sa harap nya na parang tanga.
"Eh ano to?" Tanong ni Jovey na may masamang tingin sakin.
Pinakita nya samin yung profile picture ni Brikx sa mga social media account nya.
"Sana all!" Pangaasar ni Sheela habang nangingiliti.
Bigla kong napangiti na di mapigil yung kilig.
"Nakita ko na naman yang BEAR na yan!" Imbyernang sabi ni Mei.
Yung picture kasi na ginamit ni Brikx ay yung photo na kinuha nya nung nagpapicture ako sa kanya kasama yung bear.
Imbyerna nga lang tong isang to kasi maliit na unggoy yung nakuha nilang price.
"Hindi pa kayo pero ikaw na profile picture! Pabebe ka pa dyan." Tumataray na sabi ni Nath sabay kurot sa tagiliran.
Hindi ko alam.
Ayoko matapos 'tong kilig na to.
Gusto kong ganito na lang lagi.
"Hindi daw sya nagmamadali." Sabi ko sabay tingin sa kanila.
"Sasagutin mo din naman sya, ba't patatagalin mo pa?" Tanong ni Sheela.
Huminga ako ng malalim.
Naalala ko na naman yung dahilan kung bakit hindi ako makapagdesisyon.
Hindi ko pa rin nasasabi sa kanila yung kalagayan ko.
Baka mabigla sila pag nagkataon.
"Hindi ko alam." Mahinang sagot ko.
"Panong di mo alam? Di mo alam kung sasagutin mo si Brikx?" Nakataas na kilay na tanong ni Jovey.
Napahinga na naman ako ng malalim.
Hindi ko na talaga alam ang gagawin.
"Gago, bakit ka umiiyak?" Malutong na mura ni Mei.
"Uy. May problema ka ba?" Nagaalalang tanong ni Sheela habang hinihimas yung likod ko.
Umiling na lang ako.
Hindi ko alam kung pano sasabihin sa kanila. Kung pano aamin na ilang buwan na lang nila ako makakasama. Kung pano hihingi ng tulong tungkol sa nararamdaman ko kay Brikx.
Napaka komplikado para madesisyon.
Kung susundin ko yung gusto ko, yung puso ko, magiging makasarili ako.
Ayoko masaktan silang lahat.
Kung sasagutin ko si Brikx, hindi ko mapapangakong mabubuhay ako para sa kanya, sa kanila. Ayoko sya paasahin at masaktan sa huli kung hindi naman magiging successful ang operasyon.
Ayoko din naman na i-reject sya. Magbest friend kami, dati, kaya sa oras na sumagot ako ng hindi sa kanya, alam kong magbabago ang lahat. Pero, hindi sya masasaktan ng sobra pag nawala na ako.
"Hala gago. Ano sinabi nyo dyan?" Sabi naman ni Nath.
"Tangina talaga." Nagdadabog kong sabi habang pinupunasan ang luha.
BINABASA MO ANG
SMILE [COMPLETED]
Teen FictionA friendship is a ship that sunk but never sinks. In short sila yung the best! No matter what, sila yung mga taong di ka iiwanan. Palagi silang nandyan either para pangitiin ka or pakiligin ka. Depress, stress or heartbroken ka man you can rest assu...