Jack's POV
"Just give me a chance Louiesse, let me take you on a date."
Hinabol ako ni Luke at hinatak na naman sa braso para iharap sa kanya.
"Tangina! Stop calling me Louiesse!" Sigaw ko sa kanya sabay tulak.
Pero makapit ang hayop na 'to.
Tinignan ko sya ng masama at obviously, galit na ko.
Ewan ko ba kung bakit di sya makaramdam.
"I said, let me take you on a date. Anong ikinakagalit mo do'n?" Nakangiti nyang sabi.
Pota, yung balahibo ko talaga tumayo ng malala.
"Stop! Ayoko makipaglaro sayo! Okay?" Hinatak ko ang sarili ko palayo sa kanya pero ayaw nya pa din bumitaw.
"I'm not playing with you, Louiesse." Sagot nya sabay hatak sakin closer to him.
Sa sobrang inis ko, sinuntok ko sya.
Pero hindi man lang sya nadaplisan dahil naunahan nya ko. Sinalo nya yung suntok ko gamit ang kamay nya at mahigpit akong hinawakan.
"What the fuck Luke?" Sigaw ko sa kanya na pumipiglas.
Nakangiti lang sya sakin at akmang may sasabihin sya nang dumating si Missy.
"Babe! What's going on?" Tanong ni Missy habang nakataas ang kilay na lumalapit samin.
"Nothing babe, may pinagusapan lang kami ni Louiesse." Sagot nya.
Napalingon si Luke at napabitaw sa hawak sakin.
Tinulak ko sya palayo bago tumakbo paalis dahil baka makapatay lang ako ng wala sa oras.
Tumakbo ako at lumabas ng campus.
Dumiretso ako sa playground at doon ko naabutan ang tropa liban kay Brikx.
Shit. Sabay nga pala kami.
"Bakit di mo kasama si Brikx?" Tanong ni Aeron na nakaupo sa taas ng gulong.
"Hingal ka gorl?" Comment naman ni Mei.
Potek, napatakbo ako ng wala sa oras dahil sa Luke na yun.
"May humahabol ba sayo?" Sabay tingin ni Jin sa bandang likod ko.
Umiling na lang ako.
Nagpahinga ako saglit at nagmessage kay Brikx na nauna na ko sa playground.
"Kung alam nyo lang ang pinagdaanan ko ngayong araw. Pota talaga." Huminga ako ng malalim at umupo sa bench.
"Bakit? Ano ba nangyari?" Usisa ni Jovey.
"Hulaan ko, si Missy!" Sigaw ni Ben na parang bata.
Umiling ako.
"Hmm. Kung hindi si Missy. Alam na!" Pangaasar ni Nath.
Nagtawanan sila nila Mei at nagapir pa.
Napataray na lang ako bago ikwento ang nangyari sa hallway.
"Kung ako sayo, sasabihin ko kay Brikx yan." Sabi ni Sheela na nagaalalang nakatingin sakin.
"Parang di nyo naman kilala yun, masyadong war freak kay Luke." Sabi ko.
"May dahilan naman kasi." Sabat ni Jeff.
"Bakit? Anong meron kay Luke?"
Napatingin na lang ako sa likod ng marinig ang boses ni Brikx palapit samin.
BINABASA MO ANG
SMILE [COMPLETED]
Ficção AdolescenteA friendship is a ship that sunk but never sinks. In short sila yung the best! No matter what, sila yung mga taong di ka iiwanan. Palagi silang nandyan either para pangitiin ka or pakiligin ka. Depress, stress or heartbroken ka man you can rest assu...