[36] Under the Stars

16 0 0
                                    

Jack's POV

Naglakad kami ni Brikx pauwi. At dahil gabi na rin, nagumpisa nang magsipagkinangan ang mga bituin sa langit.

"Twinkle twinkle little star" mahina kong kanta habang naglalakad sa gutter na nakatingala sa mga butuin.

"How I wonder what you are. Up a—"

Napatigil ako sa pagkanta ko nang matisod ako at muntik na madapa kung di lang naalalayan ni Brikx.

"Magdahan-dahan ka nga. Masyado ka na namang into them." sabi nya habang nakahawak pa din sa braso ko.

Nagpatuloy kami sa paglakad at nagpatuloy ako sa pagkanta hanggan matapos yung nursery rhyme.

"I love them!" napahinga ako ng malalim.

"So much? Na kahit bata ka pa lang nagagawa mo ng tumakas para mag star gazing." natatawang sabi nya.

"Hala! Naalala mo pa?" amazed kong tanong.

Nakakita ako ng bench at tumakbo papunta duon at umupo.

Sumunod sakin si Brikx at umupo sa tabi ko.

"Oo naman. Umiiyak ka pa pag ayaw kitang samahan sa kalokohan mo." nakatingin din sya sa mga butuin.

"Tapos bandang huli ikaw papagalitan kasi lagi mo sinasabing ikaw nagaaya lumabas sa gabi." natatawa kong sabi.

Super lab siguro ko ng mokong na to na simula pa lang nung mga bata kami lagi na nya ko pinagtatanggol in any form.

"Syempre ayoko ng pinapagalitan ka. Parang kapatid na kaya kita."

Napatingin ako sa kanya at pinanlisikan ng mata.

"Kapatid naman pala e. Bat ngayon bigla mo ko niligawan? Pinagttripan mo ba ko?" kinukurot kurot ko sya sa tagiliran.

"Di kita pinagttripan, okay?" inipit nya yung ulo ko sa braso nya at dibdib.

"Eh bakit mo nga ko nililigawan ha? Naaawa ka sakin? Ha?" nagpipiglas ako habang sya todo ipit sakin.

Niluwagan nya din naman agad.

"Pinagsasabi mo ba?"

"Eh nakakagulat ka kasi e. Bakit nga? Ha?" curious kong tanong.

"Secret! Walang clue."

"Ang daya mo naman. Hayaan na nga." pagmamaktol ko.

Tinanggal nya yung braso nya sa ulo ko at umakbay sya sakin.

Ako naman, sumandal sa balikat nya.

"I will miss this. Lahat ng 'to." mahina kong sabi habang nakatingala.

"Bakit? Mamatay ka ba?" sarcastic nyang tanong.

"Hindi no!"

"Hindi naman pala e. May sapi ka talaga no?" inipit nya na naman yung ilong ko.

Sumandal ako sa kanya at di ko na napigilan sarili kong yumakap at ibaon yung mukha ko sa dibdib nya.

"May problema ka ba? O minamanyak mo lang ako?" nagpapatawang sabi nya.

"Let me stay like this for a moment."

At eto na naman si depression. Yes! Welcome back tangina mo.

"Hey hey. I don't want you like this. Please wag na malungkot. Nararamdaman kita."

Naluha ako sa sinabi nya. Pero I just feel so down today.

Andaming nangyari sakin lately and wala man lang yung mga taong dapat nasa tabi ko. Sila mama at papa. Lagi na lang.

SMILE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon