[24] Preparation

18 0 0
                                    

Jack's POV

"Sorry kahapon Lance." Sabi ko kay Lance habang nasa music room kami.

Grabe parang nakokonsensya ako dahil sa ginawa ni Brikx sa kanya sa harap ng tropa. Feeling ko tuloy napahiya si angel Lance.

Hayyy.

"Wala yun. Masaya na kong kasama ka ngayon." At ngumiti sya.

Putek. Kikiligin ba ko sa kanya?

Yung ngiti nya kasi.

Tumawa na lang ako para hindi mahalatang kinikilig ako.

Landi.

"Alam ko namang hindi kayo." Bigla nyang sabi habang nagpipiano.

Eh?

"Ha?" Parang tanga kong tanong sa kanya.

"Sinabi sakin ni Jovey."

"Okay lang naman siguro kung liligawan kita, di ba?"

Dahil sa sinabi nya hindi ako nakapagsalita.

Parang mapapaso ako sa init ng pisngi ko. Sana lang hindi halata kasi alam kong I'm blushing. Tae.

Magsasalita sana ko kaso naalala ko yung sinabi ni Brikx.

What to do? Sa totoo lang hindi nga naman kami ni Brikx kay okay lang kung liligawan ako ni Lance pero .... ewan. Gusto ko kasi si Brikx kaya ayokong idisappoint sya.

???

Gusto??

Gusto??

"May gusto ka sa kanya." Tumawa sya ng napaka cool.

"Ha? Ano?" Para na talaga akong tanga.

"Halata naman." Tumawa na naman sya sabay tingin sakin.

Di ko alam kung anong sasabihin.

"Wag ka magalala. Okay lang sakin. Tsaka mukhang gusto ka rin naman nung lalaking yun." Nginitian nya ko.

Gusto? Ako?

"Hindi no!" Natawa ko bigla.

Ewan pero natatawa ako. Di ko alam kung dahil ba sa kinikilig ako sa nalaman ko o sa hindi talaga ko naniniwala sa sinabi ni Lance.

"Tsk." Tumawa sya.

Ang pogi nya promise. Ang cool pero ...

"Magpractice na nga tayo!" Hinatak nya ko sa tabi nya.

Natawa na lang ako. Ewan. Hahaha.

Hindi na kami nagsayang ng oras. Nagpractice kami ng mga tatlong ulit lang hanggang sa perfection.

"So. See you tomorrow sa event?" Nakangiti nyang sabi.

Tumango na lang ako ng nakangiti.

Iniisip ko pa rin yung sinabi nya.

"Wag mo masyadong isipin yung sinabi ko. Nahahalatang kinikilig ka." Tinawanan nya ko sabay pisil sa pisngi ko.

"Di ko ipagsasabing may gusto ka dun. Secret ko lang yun kaya don't worry."

At inasar pa nya ko bago kurutin ang magkabila kong pisngi.

Natawa na lang ako sa kanya.

"See you." Kumaway ako sa kanya bago kami maghiwalay ng direksyon.

Grabe. Kalokohan!

Nagpunta ko sa rehearsal room para daanan si Nath at Mei.

At sinasabi ko na nga bang ibang lenguahe na naman ang kinakanta ng dalawang to na inabutan kong kumakanta ng First Snow by EXO.

SMILE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon