[10] What The Fuck Is Wrong

16 0 0
                                    

Jack's POV

"Mas gugustuhin ko pa i-kiss si Brikx kaysa isigaw yan." Sabi kong nagdadabog.

At pinagtawanan lang nila ako.

"Dahil mabait naman ako. Sampung beses ka na lang sumigaw sa bintana ng MAHAL KITA BRIKX." Nagpupuppy-eyes na sabi ni Mei.

Sira talaga to pero mas okay naman kaysa sa kanina.

"Okay!" Sabi ko sabay tayo papunta sa bintana.

Pagkabukas ko ng bintana, tumingin ako sa paligid para makita kung may mga witnesses ba. At nang masigurado kong safe, huminga ako ng malalim at sumigaw.

"MAHAL KITA BRIKX!" Malakas kong sigaw.

Mga nine times akong sumigaw ng paulit-ulit at the top of my lungs.

And atlast huling sigaw na lang to complete my dare.

I take a deep deep breath.

"Mahal kita ....." napahinto ako sandali.

"Luke?" Nagtatakang tanong ko nang makita ko sya sa baba.

"Jack! Mag-usap naman tayo." Sigaw ni Luke mula sa gate.

Nagtinginan naman yung tropa para tignan kung totoong andun si Luke.

Nagdalawang-isip ako kung bababa ba ako and I decide to talk to him para matapos na kung ano mang dapat matapos.

Naglakad ako papunta sa pinto pero pinigilan ako ni Brikx na ikinagulat ko. Hawak nya ko sa kamay.

"Okay lang ako." Ngumiti ako sa kanya at binitiwan nya rin naman ako agad.

"Pwede bang sa park tayo magusap?" Tanong ko habang nakatayo sa pinto.

"Sige." Nakangiting sagot nya.

Putek.

Yung ngiti nya, nakakainis.

Bakit ba ganito sya?

Lalo akong naiinis sa sarili ko.

Nagbigay ako ng sign sa tropa na aalis ako sandali at babalik agad.

Nakita ko si Brikx na nakatingin ng masama kay Luke yung tipong parang papatay.

Kung nakamamatay lang ang tingin malamang wala na kong kasamang maglakad.

Naglakad na kami papunta sa park ng subdivision.

Walang imikan at halos tatlong metro ang layo namin sa isat-isa.

Odd.

Bizzare.

Ughh!

Di ako sanay ng ganito.

Gusto ko syang lapitan at akbayan. Sabihan ng KAMUSTA NA PRE? NAMISS KITA! Gusto ko syang suntok-suntukin gaya ng dati.

Pero iba na ngayon. Ibang-iba na.

May malawak na gap na. Sobrang lawak ng distansya sa pagitan namin.

Nakarating kami sa park ng may same manner, walang imikan.

Pumunta ako sa may swing para umupo.

"Jack may gusto akong sabihin." Mahinang sabi nya habang tinutulak yung bakal ng duyan na inuupuan ko.

Tahimik lang ako na naghihintay sa sasabihin nya.

Napansin kong may kinuha sya sa wallet nya.

"Naalala mo pa ba to?" Tanong nya habang pinapakita yung picture sa wallet nya.

Duplicate yun ng picture sa locker ko.

"Nasa 'yo pa pala yan. Buti di mo pa tinatapon. Alam mo na, yung girlfriend mo." Sarcastic kong say.

"Bakit ko naman itatapon? E importante to sakin." Sagot nya.

Napangiti ako pero mas nangibabaw yung pagkalungkot at pag kainis ko.

"Sorry." Sabi nya.

"Para saan? Para sa pag-iwas? Para sa pagtatago ng lahat?" Tanong ko na humihigpit na ang kapit sa bakal ng swing.

"Naghahanap lang ako ng tyempo Jack. I didn't mean to .." pabitin nyang sabi.

"You did not mean to what? To keep a secret from me? Or to hurt me?" Tanong ko na nagpipigil ng emosyon.

"Parehas. Look, I just dont know how to say things straight to you." Mahinahong sabi nya.

"Pero bestfriend mo ko di ba?" Sagot ko naman sa kanya.

Medyo iyakin talaga ako, pero pipigilan ko muna.

"Di mo ko naiintindihan Jack." Sabi nya.

"Pwede ba Luke sabihin mo na lang sakin what the fuck is wrong." Nanggigigil na sabi ko.

"Jack. Wala namang problema." Sabi nya sakin na nakatingin.

"Luke naman. Eto na ko oh. Hanggang kailan mo ba kailangan itago lahat sakin? Best friend tayo pero parang di pa tayo talaga magkakilala. Ano ba talagang turing mo sakin? Do you treat me as a best friend too? O ako lang ang magisang umaasa na best friend nga tayo?" Naiiyak kong sabi.

Minsan talaga dapat di pigilan ang mga luha.

Napupuno rin naman kasi ako.

Pero nalulungkot ako ng sobra.

Extreme emotion.

Bwisit. Now I feel completely cold.

Sumasakit na naman ang dibdib ko.

Yung puso ko.

Di ako makahinga.

Napahawak na lang ako sa chest ko sa sobrang sakit.

"Bestfriend naman turing ko sayo Jack. Sorry kung I make you feel like you are not." Sabi nya habang humahawak sa balikat ko.

"Yeah. Best friend pero wala kang tiwala. Umiiwas ka kasi you feel guilty na hindi mo ko kayang pagkatiwalaan." Tuloy-tuloy pa rin ang luha ko.

"Gusto ko naman talaga sabihin sayo pero naunahan nila ako. I trust you, and mahal kita dahil best friend kita so I hope you do understand." Nakayuko nyang sabi.

"Yun lang naman gusto kong malaman. If you trust me." Sabi ko habang tumatayo.

"Im really sorry Jack." Malungkot nyang sabi and I can feel it naman.

"Yeah. Im feeling sorry for myself too. You know Luke, let's just get over it."

Naglakad na ko palayo.

Di ko na kaya. Lalong sumasakit yung puso ko.

Fuck.

"Jack!" Malakas na sigaw ni Luke habang sinusundan ako.

Ewan pero namamanhid ang katawan ko.

Umiikot ang paligid ko at I can see a lot of colorful spots.

Nanlalabo na ang paningin ko at lalong nahihirapan akong huminga.

"Jack!" Sigaw ulit ni Luke habang tumatakbo palapit sakin.

Kunin mo na kaya ko Lord.

Nahihirapan lang ako sobra e.

Family, friends and all.

I want to give up.

SMILE [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon