Jack's POV
"Mei! Tignan mo oh!" Masayang sabi ni Nath habang pinapakita kay Meilin yung video sa tablet nya.
"Napanood ko na yan." Pangiinis ni Mei sabay tawa bago bumalik sa ginagawa nya.
"Edi ikaw na nakapanood. Tss. Ikaw na lang papa Jin." Nagpapacute na sabi ni Nath.
Napatingin ng masama si Jin kay Nath.
"May mapapala ba ko sa K-POP na yan? Mga bakla naman yan e." Cold na sabi ni Jin bago magayos ng buhok.
"Anong bakla? Ang pogi kaya nila!" Pagmamalaki naman ni Nath.
"Tss. Di lahat ng pogi tunay na lalaki. Tignan mo si Aeron." Sabi ni Jin na nakangisi.
"Wag ka naman manlaglag babe!" Malanding sabi ni Aeron habang niyayakap at akmang ikikiss si Jin.
Para syang tanga sa ginawa nya at etong si Jin nakikiride din kaya nagtawanan lang ang tropa.
Nasa canteen kami, as usual sa round table namin.
Lahat sila masaya liban sakin.
"Uy dadaan si Pakyu!" Pabulong na broadcast ni Nath.
Nakita kong malaki ang ngiti ni Meilin kaya naman alam kong may masama syang binabalak.
Ayun na nga, dumaan si Pakyu na nakataray. Pero nabulabog lahat sa malakas na tunog. Nabigla pati yung ibang estuyanteng walang kamalaymalay.
"Wooah!" Sabi nung iba.
"Ooppss! Stretching mode." Panginis na sabi ni Mei.
Nagpipigil lang silang tumawa sa pagpatid ni Mei kay Patricia. Kawawang Patricia, walang ibang nagawa kundi umalis dahil sa kahihiyan. Pagtapos nun tsaka sila nagtawanan na para bang walang bukas.
"May depress dito." Sabi ni Sheela.
Napansin nya siguro na di ako nakikisali sa kalokohan nila.
Napatingin sila sakin, ngumiti ako ng parang tanga tsaka yumuko.
Ewan, natawa yata sila sa ginawa ko.
Naramdaman ko na umalis yung iba, bibili yata ng pagkain. Patay gutom e. Tas yung iba nandun lang, busy siguro sa mga ginagawa nila.
"Oy! Nakasimangot ka na naman." Sabi ni Brikx na nakaakbay sakin.
"Ang bigat mo Brikx!" Angal ko.
"Ano na naman problema mo? Iniisip mo na naman siguro kung bakit napaka pogi ng best friend mo no? Alam mo mahihirapan ka lang nyan e." Nagyayabang na sabi ng mokong na katabi ko.
"Tss. Yabang!" Sabi ko sabay tulak sa kanya palayo.
"Ano? Bakit? Hindi ba totoo?" Tanong nya sabay ayos ng buhok.
Kung ano anong ginawa nya sa harap. Parang monggoloid na nagpose ng kung ano ano. So ayun, di ko napigilang matawa sa kalokohan nya pero saglit lang bago bumalik yung pagkadepress ko.
"Ngumiti ka nga! Ang pangit mo na nga lalo ka pangpumapangit." Pang aasar ni Brikx.
Tahimik lang ako na nakapout sa harap nya.
"Pano tayo magiging bagay nyan kung pangit ka? Baka pag nagkaanak tayo magmana sa kapangitan mo." Sabi pa nya.
Napakunot noo ako sa narinig ko.
"Napaka advance mo naman mag-isip! At ang yabang mo. Hoyy!! Di ako pangit! Sadyang gwapo ka lang." Sabi ko sabay kurot sa kanya.
"Nanakit ka na rin no? Nahawa ka na siguro kay Jovey." Sabi nya habang iniiwas yung tyan nya sakin.
Maya-maya, may dumapong payong sa ulo ni Brikx.
"Aray! Inaano ba kita?" Pangaaway ni Brikx kay Jovey.
"Narinig ko yung pangalan ko." Nakapamaywang na sabi ni Jovey habang hawak yung payong nya na lagi nyang dala.
"Luh? Assuming to oh! Ben! Yung syota mong brutal inaaway ako pre." Pagsusumbong ni Brikx sa nananahimik na si Ben.
Tinawag ni Ben si Jovey kaya umalis sya pero may pahabol pang hampas.
"Ikaw talaga may kasalanan nito Jack. Ikaw kasi ayaw mong ngumiti!" Panenermon nya bago ko kilitiin at kurutin.
Puro ko tawa sa kalokohan ng mokong na to. Grabe lakas maka clown.
"Jack." Seryosong sabi ni Brikx habang hawak yung braso ko.
"Bakit?" Tanong ko habang pinupunasan yung luha ko.
Naiyak ako kakatawa. Bwiset.
"Bakit andami mong pasa?" Nagaalalang tanong nya.
"Ha? Baka kasi kinukurot mo ko." Pambibintang ko habang nakangiti.
"Weh? Ako? Hala sorry." Nakokonsensyang sabi nya habang iniisip kung ano gagawin.
"Joke lang. Sa stress yan. Halos isang buwan na kong di nakakatulog ng maayos." Natatawa kong sabi.
"Ano? Isang buwan? Di ba sabi ko sayo wag ka magpupuyat." Sermon nya sakin na para bang nasa kanya yung authority.
"Sorry na! Di lang talaga kasi ako makatulog." Seryosong sabi ko.
Maya-maya, biglang sumakit yung dibdib ko. Napahawak ako sa chest ko.
"Ano ba nangyayari sayo? Pinacheck-up mo na ba yan? Dumadalas na yan ha." Nagaalala nyang sabi habang kinakalkal yung bag ko."
"Gamot mo?" Sunod nyang tanong.
"Nasa locker." Sagot ko.
Kinuha nya agad yung bag ko sabay hatak sakin.
Pagkadating namin sa locker area, kinuha nya yung mga gamit nya para sa next subject habang umiinom ako ng gamot.
"Okay ka na ba?" Tanong ni Brikx.
Tumango lang ako sabay ngiti.
"Tara na, hatid na kita sa room mo." Sabi nya.
"Una ka na. Pupunta pa ko cr." Sagot ko sa kanya.
"Samahan na kita, hanggang sa loob. Gusto mo?" Naka smirk nyang tanong.
Eto na naman sa kalokohan.
"Ang manyak mo talaga no? Kung di lang kita best friend baka..." sabi ko na pabitin pa.
"Baka?" Tanong nya.
"Baka nasapak na kita." Sagot ko.
"Kaya mo? Crush mo nga ko tas sasapakin mo ko?" Pagmamayabang nya.
"San mo nadampot yan?" Tanong ko na naka cross arm.
Deny pa.
"Halata kaya." Sagot nya sakin na nakangiti.
"Oo mo. Ikaw nga yun." Pangaasar ko.
"Teka, speechless ako." Pagbibiro nya.
"Galing mo makiride, tara na nga." Sabi ko na tumatawa.
Dumiretso na si Brikx sa klase nya pagkahatid sakin sa CR.
"Takte!" Naluluha kong sabi dahil sa sobrang sakit ng dibdib ko.
Pakiramdam ko lalong sumakit nung uminom ako ng gamot.
Di ko alam kung anong gagawin sa sobrang sakit kaya sinuntok ko na lang nang paulit-ulit yung tiles hanggang magdugo yung kamay ko. Di ko na naramdaman yung sakit since namanhid na yung kamay ko.
Napaharap ako sa salamin na naiiyak.
Sobrang sakit na talaga kasi lalo na pag nakakaramdam ako ng extreme emotions. Bumibilis ng sobra yung tibok ng puso ko tas biglang bumabagal. O kaya naman pag napapagod ako. This is one of the symptoms of heart failure. Sabi ko sa tropa na may muscle contraction lang ako since ayokong mabigla sila.
Pinunasan ko yung luha ko tas hinugasan yung kamay ko na namamaga.
"Oh my." Sigaw ng babae sa likod ko.
Nung narinig ko yung kaartehan ng boses nya, alam ko na kung sino.
Agad-agad.
Napailing na lang ako kasi parang gusto ko syang saksakin.
BINABASA MO ANG
SMILE [COMPLETED]
Teen FictionA friendship is a ship that sunk but never sinks. In short sila yung the best! No matter what, sila yung mga taong di ka iiwanan. Palagi silang nandyan either para pangitiin ka or pakiligin ka. Depress, stress or heartbroken ka man you can rest assu...